W.E 43

15 1 1
                                    

Warm Embrace

Greedy


Araw araw kong namamataan si Kleau sa ospital na pinapasukan ko, nakikita ko ng malapitan kapag chine-check up ko si Nanay para sa vitals. Hindi naman siya nalapit dahil paikot-ikot ako para sa ibang pasyente. Ayaw sigurong makaistorbo.

"Yes, Ma'am." Isa iyon sa ina ng aking pasyente. Nang makalabas s'ya ay agad akong sumandal sa aking swivel chair at pumikit ng mariin.

I've been like this for the past years so I'm used to this tiredness. Hindi ko pa naman nararanasang mag collapse dahil sa sobrang pagod pero madalas akong makaramdam ng pagiging mag isa.

Kahit nand'yan naman sila pakiramdam ko kulang ako, pakiramdam ko may inalis ako sa aking buhay kaya naging ganoon. That's a big factor to me that surely affects my whole system.

Meeting him here was unfortunate. I don't have hopes before that we can get to talk to each other again since i broke up with him.

Nang may kumatok sa aking opisina ay doon ako napamulat. Inaantok ako, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagod ulit. Madaming pasyente at magdamag akong nag trabaho ulit gaya noon.

"Pasok." That was a cue to the patient or the parent who knocked the door.

Pumikit ulit ako ng mariin ng makaramdam ako ng antok, this week is gonna be so stressful for me. Nang magmulat ako ay isang Kleau Señerez ang bumungad sa akin.

"Oh? Anong ipapa consult mo? Utak mong iba ang iniisip?" Kahit nakapikit ay sadyang matabil ang dilang ito.

I heard him chuckled lowly. "Why would you even think of that."

Umismid ako at ipinikit ulit ang mata, kahit hindi mapakalma ang sistema dahil sa presensya n'ya. It's his first time to get into my office. As in nandito na sa loob.

Nakatayo lamang s'ya sa kanyang pwesto na kahit nakapikit ako ay pinakikiramdaman ko ito. Nang magmulat ako ay nag iikot na ang tingin n'ya sa aking opisina. Kulang nalang ay maging conscious ako sa aking disenyo rito, daig pa ata nito ang pediatric office dahil sa pikachu na nakapalibot dito.

"Hmm?" Tila may pumukaw sa kanyang atensyon, naglakad s'ya sa isa sa aking cabinet at may dinampot doon. Bago ko pa s'ya mapigilan ay hawak n'ya ang stuff toy na pikachu at ipinakita sa akin.

"Really?" Ang kanyang mapanuksong tingin sa akin ay nasamahan ng ngisi at parang tuwang tuwa pa sa nakita.

Napalunok ako at inirapan s'ya. So what? Akin na iyon.

"Ano na naman? Akin na iyan. Ibalik mo iyan diyan at baka madumihan." Umismid ako sa kanya. Natawa naman s'ya ng bahagya at marahang ibinalik ang stuff toy. Nakita ko pa ang pag ikot ikot ulit n'ya sa kabuuan ng opisina ko.

He was wearing his formal attire again. Parang kagagaling lang ng trabaho n'ya, dito na ba ito nadiretso? Kahit noong nakaraang araw na nakita ko s'ya dito sa ospital ay ganyan din ang suot n'ya.

"Sobrang hands on mo naman sa pg che-check up sa Lola mo, Kleau. Daig mo pa ata ako kung magpabalik balik doon." I smiled, may pinupunto. Ngumisi s'ya sakin bago sumagot.

"Yeah, very hands on." He said. "Besides, I'm a family member so..."

Tumango nalang ako at nag kibit balikat. "You can sit on the couch. Since pumasok ka na alangan naman palayasin kita."

"You can do whatever you want to me, susunod naman ako e." Ganoon nga ang ginawa n'ya, umupo. Tumayo ako at pumunta sa gawi n'ya.

"Wala ka bang kliyente at nag pabalik balik ka rito sa ospital? Ano walang ibang napunta na member ng family?" Umangat ang aking kilay sa kanya pag upo ko sa tapat ng couch na inuupuan n'ya.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن