W.E 12

6 1 0
                                    

Warm Embrace

Home


"Someone's grumpy." He pointed me, pursing his lips fighting the urge to smile.

Umirap ako sa kanya at hinanap ang kotse niya sa parking lot, nagpauna akong maglakad.

"Dito." Tumingil siya sa kotseng nalagpasan ko, hindi ko napansin na nandoon, i was being irrational! Parang tanga naman!

"Are you mad? " He softly asks catching my eyes avoiding him.

Hindi ako sumagot sa halip humarap ako sa ibang direksyon. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga, napataas ako ng kilay pero hindi nakatingin sa kanya.

"Are you mad at me?" He softly asks and touches my arms to get my attention.

Mabilis akong napa harap sa kanya. "Hindi ah! Hindi ako galit! Sinong galit? Baka ikaw?"

Agad siyang umiling," I'm not, Hyera. You are."

Napatingin ako sa mata niya, malamlam itong nakatingin sa akin at tila bahalang bahala sa nangyayari, napalunok ako at umiwas ng tingin.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago may kinuha sa backseat. Ilang sandali pa ay biglang itinapat niya ang stuffed toy na Pikachu sa harap ng mukha ko, ito iyong nakuha niya sa arcade, bigla akong natunaw!

Mabilis ang tingin ko sa kanya na nakaiwas ng tingin bahagyang namumula ang mga tenga at napalunok.

"Ang corny ha!" Kagat labi kong kinuha sa kamay niya ang Pikachu at hindi napigilan ang sariling ngumiti.

"At least effective." He sighs in relief.

"Paano mo nalaman! Stalker ka ha!" I pointed him and giggled, tinignan ko ang Pikachu!

"Kahit hindi mo sabihin, halata ko." He simply said and i snorted, halata naman siguro sa mga gamit ko, lalo na nakapasok rin s'ya sa condo ko. Panigurado nakita niya ang mga display kong Pikachu roon sa sala.

Gumalaw ako ng bahagya at napatigil rin ng may malaglag na ID sa lapag, dinampot ko ito.

"Kleau Yniel Señerez." Basa ko sa nakalagay sa kanyang ID. "Ahh, kaya pala kyniel iyong username mo sa insta!"

Tumango lamang siya, focus sa pagmamaneho.


"Infairness ang ganda ng name mo ah! Bagay sayo!" Tinitigan ko pa sya roon sa ID niya, iyong usual na seryosong mukha niya, nakaayos ang buhok at nakaladlad ang ilang buhok sa noo na bumagay naman sa kanya. Ang gwapo, ang daya naman nito dapat pangit s'ya sa ID n'ya.

"Pero mas bagay sa 'kin ang apilyedo mo." Tumango tango pa ako sa sarili at tumingin sa kanya, may namumuong maliit na ngiti sa kanyang labi, kaya napanguso ako nagpipigil ng ngiti sa labi.

"I think so too." He said and slightly bit his lower lip to hid a smile.

Humawak ako sa dibdib ko at tinignan siya, seryoso ang tingin sa harap at parang hindi biro ang sinabi nya ngayon lang. Tangina, hulog na hulog ako!

"Nakakatanggal ka talaga ng angas, Kleau. Malala na ko." Mahinang sabi ko at madramang hinampas hampas ang dibdib.

Natawa siya sandali at tinignan ako. "You're cute."

Hindi ko ininda ang sakit ng kagat ko sa labi, balewala iyon sa nararamdaman ko ngayon.

"Napaka pa-fall mo! Akala mo nakakatuwa ka? Hindi!" Exaggerated na sabi ko saka siya dinuro.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now