W.E 33

14 2 4
                                    

Warm Embrace

Definitely One


"Huy gago, pa enroll na tayo!"

Hila hila ko si Alli dahil sa bagal nito kumilos, may hawak pang Starbucks Frappe.

"Aray ko! Teka lang, siraulo ka, pag natapon itong inumin ko sa papel ko masasaktan ka." Mabilis ko s'ya binitawan. Malalate na kasi kami! I mean mahaba ang pila no! Ayoko namang mag antay ng matagal, may date pa kami ni Kleau.

Simula kasi noong makauwi kami ay hindi na kami nagkita, kahit magkalapit lang ang unit namin, sobrang busy pati namin at nawalan ng oras, pasukan na ulit kasi! Argh, so much daming requirements na need ipasa na naman!

3rd Year na kami, si Krianne at Fayzien ay lumipat na ng tuluyan, si Fayzien sa UST, si Krianne naman sa Ateneo. Si Sciana, nag stay pa rin dito sa La Salle.

"Ang boring naman!" Pabagsak n'yang inilagay sa lamesa ang dalang gamit.

"Sa una lang yan." Umiling ako at inayos ang damit ko, hindi ko alam paano kami napunta dito sa mall at tumambay nalang sa foodcourt.

"Shawarma, bibili ako, kakain ka ba?" Agad s'yang nag angat ng tingin nang tumayo ako. Mabilis nagliwanag ang mukha niya.

"Libre mo?!" Nakangiti niyang banggit.

"Kiss muna." Ngumuso ako at tumawa, umasta rin naman s'yang hahalikan ako kaya nauwi kami parehas sa tawanan.

Agad akong pumila, medyo mahaba lang naman ang pila, hindi lalagpas sa walo. Sa hindi kalayuan nakita kong tumayo rin si Alli, nasa upuan naman ang mga gamit namin, baka may bibilhin din s'yang pagkain.

Inilabas ko ang cellphone ko para mag scroll sa FB habang nag aantay, i sudden notification of Kleau's message on IG pops out. Dali dali kong pinindot iyon.

kyniel: Where are you?

hstacey: Mall bb, puntahan m q miss n kita:<

kyniel: On the way, love.

Sakto namang turn ko na sa pag order kaya umorder na din ako, pag balik ko sa table nakita ko namang may dalawang frappe doon mayroon ding ice cream. Saktong dating din ni Alli na may bitbit na sushi.

"Huy, kilala mo si ano, Gina ba 'yon? Gaga may issue." Bungad na bungad ni Alli pag ka upo niya. Napatampal naman ako sa noo.


"Anong mapapala mo sa kakachismis," umismid ako, "Anyways, continue please."


Natawa naman siya. "Jontis ang mare mo." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.


"Oh? Eh diba, 17 lang 'yon?" Naguguluhan ko pang tanong, teenager pa s'ya and minor!


"Ewan, junior natin 'yon dati! Ka close mo nga 'e." Kibit balikat niyang sabi at inabot ang frappe pra maka inom.

"Chismosa kasi, pero paano kapag may nabuntis sa atin ng maaga?" Bahagyang napabuga ang iniinom n'yang frappe sa akin.

"Enaria! Ang dugyot!" Sabi ko at inabutan s'ya ng tissue.

"Sorry! Yung tanong mo! Tanong pangkalawakan!" Gulat niyang tanong.

"What ifs lang naman! Ano?" Nacurious ako sa tanong ko at sa magiging reaksyon n'ya. Panigurado yung unang baby namin sa grupo ay spoiled.

"Ano pa ba? Edi aalagaan! Lima na tayong Mommy niya pag labas niya." Ngumisi siya. Aalagaan talaga namin iyon.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα