W.E 21

16 2 0
                                    

Warm Embrace

Engagement


I stay up all night just to digest everything. May manliligaw na ako! Oh my God! Anong magiging reaksyon ni Kuya? ni Mommy? Daddy?

Mabilis ang kilos ko, roon ako sa bahay mag papalipas hanggang gabi, ang tagal ko ring hindi umuwi kaya kailangan kong bumawi. My mom and dad misses me so much, my Kuya is... probably busy over someone.

Naligo ako, hindi ko na inayos iyong unit para hindi ang mahirapan ulit pag nag review ako pag uwi. Isang araw lang naman, limang araw kong ginulgol ang sarili ko sa pag aaral. I chose this, panindigan ko ito.

Doon na rin siguro ako tutulog, miss ko na ang higaan ko roon! Kukuha rin ako ng pikachu stuff toys ko. Nang matapos ako sa lahat ay inayos ko ang ilan na gamit na dadalhin ko.

I called mommy when i was already in a car fixing my seatbelt. "Mommy! Pauwi na po ako."

[We have a family dinner later, ha. Nandito na ang damit mo, isukat mo pag uwi.] Mommy said through the phone call.

"Okay po. I'll hang up now, Mom. I just update you."

[Okay, sweetie. Take care! Love you!] I replied 'I love you' before hanging up the call.

Nagpatugtog ako habang nag drive, mga random na nasa playlist ko habang sinasabayan iyon. Wala namang nakakarinig sa boses ko, at saka tama naman sa tono!

"Cause my heart starts beating triple times, with thoughts of loving you on my mind..." kanta ko habang nag dadrive.

Inaalala ko pa yung mga mini dates namin ni Kleau, how he assured me, if it isn't with that engagement, kami na siguro, he can't confess because he have to fix that first. That's why he told me before that it was complicated.

Nagtuloy tuloy ang kanta, i even recorded myself singing and giggling while driving, panonoorin ko 'to mamaya.

Nang makarating ako sa subdivision at na excite na agad ako. Miss ko na si Kuya! Aasarain ko siya kay Dia but i remember may kasama na siyang babae noon sa mall.

"I'm home!" Sigaw ko habang nasa pintuan palang, nagtatanggal ng sapatos.

"Mommy! Hala, na miss kita!" Mabilis akong tumakbo sa kanya. Agad ko siyang niyakap.

"Hyera! Jusko! Aatakihin ako sa 'yo!" Natawa kami parehas at niyakap ako pabalik.

"Ang Daddy? Kuya?" Tanong ko sa kay Mommy at umupo roon, mag lunch na, e.

"Si Hyori, pauwi palang, while your Dad is preparing the dinner later. Nandoon ang ibang investors at mga kaibigan, may announcement. Dadalo tayo." Tumango tango ako sa kanya.

So Kleau would be there perhaps? Kasi may dinner din sila, coincidence ba? Aamin na ako kay mommy habang wala pa si Daddy at Kuya. Baka mamaya pagalitan lang ako!

"Mom, i have something to confess po." Mahina at maingat kong sabi. Mabilis napunta sa akin ang atensyon niya, tinaasan ako ng kilay at nag aabang ng sasabihin ko.

"You know Kleau, 'di ba po?" Marahan kong sabi, kinakabahan ako! Pakiramdam ko lalabas 'yung puso ko sa lakas at bilis ng kabog.

"Of course! He is my best friends first born!" Galak niyang sabi, agad napaltan iyo ng pagtataka na tumingin sa akin. "What about him, Hye?"

"He's courting me po." I swallowed when i tell her that. Oh my God!

Halos mabitawan niya ang kutsara at tinidor na hawak at gulat na nakatingin sa akin. Agad akong kinabahan sa reaksyon niya.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora