W.E 28

5 1 0
                                    

Warm Embrace

Safe Place


"Ang cute naman ng baby na 'yan, Pakiss nga." Ngumuso ako at natatawang yumakap sa kanya. He heavily sighed again.

"Char, tara na sa baba. Kain na tayo." Ngumisi ako at tumalikod sa kanya para bitbitin iyong pinamili n'ya.

Pag yuko ko ay naramdaman ko ang kamay niya sa pwetan ko. He just spank me! Oh my Gosh! Nagulat ako, isa pa!

"Hey!" Natatawa pero gulat ko siyang tinignan. He flash a sexy smirk on his face, this man!

"Let's go." Kinuha niya sa kamay ko at sa baba ang supot, paningurado ay gising na sila, tanghali na, i hope na hindi narinig mga ano ko kanina! Ang aga ba naman kasi!

Nakatulala akong sumunod at nasa likod n'ya lang ang tingin, he just palmed my ass! Nakakapang init ng pisngi.

Nang makarating sa dining area, ibinababa n'ya roon ang mga pinamili, ako naman itong naka tingin sa sala kung saan nag inuman kahapon! Ang kalat! At amoy alak ang buong sala ko. Lumabas na ako kanina pero ganito pa rin ang nadatnan!

Tanging si Fay lang ang gising ngayon, pero nakatulala sa kawalan at okyupado ang utak. Si Sciana at Aki ay magkatabi. Tulog na tulog! Anong oras ba sila tumigil? Umaga na ba?

Pumunta ako ng kusina, nalagpasan ko pa si Kleau, nagtataka n'ya namang sinundan ng tingin ang galaw ko. Kumuha ako ng kawali at malaking metal spoon. May malaking ngisi ako sa labi halos bumingisngis dahil sa naisip. Narinig ko din ang mahina n'ya tawa sa likuran ko ng lampasan ko ulit pra bumalik sa sala.

"Gising na mga persons!" Kasabay ng sigaw ko ang paulit ulit na pagsalampak ng kawali at metal spoon. "Gising na! Tanghali na! Kakain na!"

Si Aki ang naunang nagising, namumula pa ang mata dahil sa sobrang kakulangan sa tulog. Agad napabalikwas si Sciana, si Krianne ay nasagi iyong alak kaya tumapon sa kanya, si Fay naman ay napaigtad at masama akong tinignan. Si Alli ay tumayo at naging alerto na akala mo may nangyari, nang makita akong may hawak ng kawali at metal spoon agad s'ya kumuha ng pillow sa sofa at ibinato sa akin.


"Puking—, napaka bastos mo! Hindi kita pinalaking ganyan—Arayy!!" Agad s'yang napaupo sa sofa dahil sa biglang pag sakit ng ulo. Nakahawak pa ang dalawang kamay at sinabunutan ang sarili.




"Kayo na nga ang ginising para kumain tapos kayo pa galit, palayasin ko kayo, e." Umismid ako ngunit hindi nawala ang bungisngis.

Kahit nahihilo ay sinikap nilang tumayo at pumunta sa Dining Area, nagsi-upuan sila pero ang ulo ay nakadukdok sa lamesa.


"What's with the commotion?" Nakapikit pa ring tanong ni Krianne. "Argh. I hate my life." Marahan n'ya inumpog ang ulo sa lamesa.


"Bruhilda 'yan, e." Nakanguso at masama ang tingin ni Sciana.

"Tanghali na, bebi. Liligo ka pa mamaya." Si Aki iyon na kababalik lang sa tabi ni Sciana, naghilamos kasi ito.

"Let's eat." Nagbigay si Kleau ng kani-kanilang plato, "Coffee." He uttered.

Kumain kaming lahat, nagkaroon pa ng bangayan dahil sa ginawa ko, si Alli naman ay natawa na at makahulugan ang tingin sa akin kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Hindi niyo man lang naitago ang ginawa n'ya kanina, e 'no?" Tumaas ang dalawang kilay ni Alli, huh? Anong hindi naitago? Nang mapansin n'ya siguro na naguguluhan ako, pasimple n'ya tinuro iyong bandang leeg ko.

"Ay gago." Naibulong ko at mabilis tinakpan iyon, biglang nag flashback iyong kanina! Pakiramdam ko nagsi-angatan ang dugo ko sa mukha, si Alli naman ay natawa na ng tuluyan.

Mabilis kong tinignan si Kleau na may ngisi rin sa labi habang kausap si Aki. Hindi niya ako pinansin kaya umiwas ako ng tingin.

Mabilis ding natapos ang tanghalian kaya nag uwian din sila, ang babaho na daw nila kaya kailangan na maligo. Tanging si Kleau ang naiwan dito para tulungan ako mag linis ng buong bahay dahil sa naganap kahapon.

"I'll go home tomorrow? Or next week." Sabi ko.

"Why not tomorrow? You're not busy." Aba at nagtanong pa nga.

"Tanungin mo kung bakit." Nagsulubong ang kilay ko at tinignan s'ya ng mariin. He didn't ask of course, pag tingin n'ya palang sakin ay tumama na ang tingin n'ya roon sa hickey na ibinigay n'ya.

"Oh, you look gorgeous." He smirks and clicked his tongue then winked at me.

Pakiramdam ko ay panibago sa paningin ko iyon. He look so fuckin handsome! Parang naging playboy ang datingan ng itsura sa akin!

"Ang landi mo." Umirap ako at natawa naman siya, gwapo.

After that, sa unit n'ya naman ako tumambay, nakahilata ako sa sofa at s'ya naman ay nasa gilid ko nagbabasa. Pakiramdam ko next year ay mag ta-try akong makapasok sa isang board para maging accelerated, less hassle kung tatapusin ko ng diretso. Paningurado ako mawawalan ako ng oras.

"Ky, what if wala na akong oras because of my chosen profession? Will you leave me? Mananawa ka ba?" Mabilis akong dumapa para makita s'ya. He immediately arched his brow and darted his eye on me.

"I can respect your time. Alam ko kung gaano kahirap iyang trabaho mo. Saving lives is difficult, sa iyo nakasalalay ang buhay." Ibinalik n'ya ang tingin sa libro.

"Edi hindi ka mananawa? Hindi mo ako iiwan dahil sa busy ako?" I asks more.

"No, I can manage." He shrugged.

Napanguso ako at naisipan kumandong sa kanya. He groaned because of my sudden act. Agad na napahawak ang isang kamay sa bewang ko para hindi ako malaglag.

"What if may makita kang mas may time sayo at hindi immature? I'm immature when it comes to relationship." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya.

"You are already enough. Realizing your mistakes will never be immature. Gawin mo ang gusto mo, itatama ko naman lahat kapag may mali." He smiled.

"What if iwanan kita? Papayag ka?" I suddenly asks.

"You're not gonna leave me." He seriously uttered, ang ngiti kanina ay mabilis nabura at napalitan ng panibagong ekspresyon. Natakot tuloy ako.

"There's no way I'm gonna leave you, you know." I softly chuckles and caress his face with my thumb. "I already see my self as your wife."

"Advance mo, ah." I smirked, natawa naman ako, siyempre! Advance talaga ako mag isip.

"What if we don't have time for each other?" I whispered.

"I will make time for us." He simply uttered. "Kung hindi mo kaya, ako ang gagawa para sayo."

My heart felt his warm embrace. Pakiramdam ko buong pagkatao ko na ang yayakap sa kanya. He's so sure about us.

"You're good at overthinking, huh." He said, "As much as i could, I don't want you to overthink too much. Lahat susundin ko, if there's something you're not comfortable, tell me. For your peace of mind."

Bumigat ang dibdib ko, pakiramdam ko ay maiiyak ako, alam ko kasi kung gaano ka busy iyon, next year will be a hell if I don't study well, babagsak ako, I'm an academic achiever. I don't want to fail.

I hugged him, he caressed my hair and planted a kiss on my head. "What if mapagod ka?"

I heard his soft chuckle, kahit ako ay natawa ng mahina dahil sa pahabol ko pang tanong.

"You are my rest in the weary world. My comfort person, my safe place." I look at him in so much adoration. He smiled and planted a kiss on my lips.

Funny how we did each others our safe place.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now