W.E 24

12 2 1
                                    

Warm Embrace

Star


"Anong gusto mo? Ito o ito?" Tanong ko habang pinakita sa kanya iyong dalawang hawak ko na chicherya.

We got into the mall, nasa grocery kami, namimili ng pagkain para hindi ma bored sa loob ng cinema.

"Get them both." He shrugged, i giggled and put them inside the cart.

Mabilis ang pag grocery namin at pumunta sa cinema, may ticket na naman kami kaya hahanap nalang ng seat. Doon kami sa gitna umupo, ayoko sa sobrang harapan baka mabulag ako sa sobrang laki noon.

"The boy will die in the end." He said in the middle of the movie. Parang gusto ko s'yang ilibing dahil sa pang iispoil n'ya.

"Ang pangit ng trip mo." Nakanguso kong sabi.

We watch the movie silently, malamig, sobrang lamig, naka sundress pa ako! Wrong timing! Bakit ba kasi naakit ako sa damit na 'to e alam ko naman na mag ci-cine kami?!

Napansin n'ya naman iyon, kaya nginitian ko s'ya. He's wearing a suit so he gave me his coat. Makapal iyon, habang s'ya naman ay iiling iling habang pinasadahan ng tingin ang damit ko.

"Bakit kasi ganyan ang suot mo, eh, mag si-cine tayo?" He asks.

"Hehe." I gave him a cute smile scrunching my nose, he sigh and reach for my hand and cares it.

Binalik ko ang tingin sa unahan, nakatago ang isang kamay ko sa coat, habang ang isang kamay ko ay hawak n'ya.

S'ya ang nagpapakain sakin, kinukuha n'ya ang chips tapos itatapat sa bibig ko at susubo sa akin, ako naman ay nakangiting nakain, habang s'ya ay diretso ang tingin sa harap at pinakikiramdaman ako para masubuan ng pagkain.

Nang maramdaman n'ya akong nakatingin sa kanya at tinaasan n'ya ako ng kilay, ako naman ay ngumiti sa kanya.

Ang ganda talaga ng side profile n'ya. Makapal ang kilay at kitang kita ang panga. Siguro noong nagpaligo si God ng kagwapuhan, nasa taas si Kleau, nag do-donate.

"Pogi mo." Nginitian ko siya.

He scoffed and shook his head, nakanguso tuloy akong nanood muli. Hindi pa ako makapag focus dahil sa hawak n'ya sa kamay ko!

Ang lambot ng kamay n'ya! Parang gusto ko s'ya yakapin ngayon. Siguro ay alagang alaga s'ya sa sarili n'ya.

He intertwined our hands as i bit my lower lip to fought the urge to smile widely while staring at our hands. Sad story yung pinapanood namin pero kinikilig ako dahil sa kamay naming magkahawak! Nawawala ako sa focus.

"You're not watching." He said when the show ended.

"Na distract ako, ang pogi mo, e." I said, I saw him tried not smile.

"Uy, kinilig." Sinilip ko ang mukha n'ya at tumawa. Siya naman itong nasira ang ekspresyon at bumalik ang seryosong mukha.

"Shut up," he said almost pouting, natawa naman ako lalo. "Do you have any plans?"

"Hmm, picture tayo!" Naalala kong may photo booth rito! Remembrance siyempre, para may ilalagay ako sa kwarto ko.

Hila hila ko s'ya sa photo booth, pag pasok namin sa loob, hindi ko alam ang ipo-pose ko!

"Odali! Eto na, ha!" Sabi ko habang nagiisip pa ng ibang mga pose para 'di ako maubusan pag countdown na.

Sa unang pose ay nakangiti ako, habang s'ya ay seryoso. Napanguso tuloy ako habang napatingin sa kanya s'ya naman ay bumaba ang tingin sa mukha ko. Hindi ko alam kung nakuhanan ba iyon, mamaya ko nalang titignan!

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now