W.E 11

22 2 1
                                    

Warm Embrace

Grumpy


"Ihahatid daw ako ni Kleau." Lahat sila napatingin sakin, nanghuhusga ang mga mata.

"Ateneo, right? Isasama ko si Aki." si Sciana habang naka tingin sa cellphone.

"Ano ba to? Bakit nagdadala kayo ng lalaki niyo? Unfair samin na single!" Si Alli na nakanguso na.

"Malay mo may ma-meet ka roon sa club diba?" Si Krianne, kumindat pa ito.

"Ayoko ng taga-malayo! Biruin mo yung gas? Ang mahal kaya tapos ako pa ang dadayo!" Simangot na sabi ni Alli.

"Bata ka pa naman, 18? Marami pa diyan, excited ka, e." sambit Fayzien.

"Para alam ko na future ko, no! Baka mamaya tumanda akong dalaga, kawawa naman ang genes ko, hindi maibabahagi." Bahagyang natawa si Alliana sa sinabi niya, may maliit na ngiti sa labi si Fayzien habang umiiling.

"All right, girls. Settle na later." Nag ayos na kami ng gamit nang sabihin iyon ni Krianne.  Na e-excite ako mamaya!

Ganado akong mag recite at halos lahat ng puntos ay nakuha ko, maganda naman sa UST. Dadayo ako roon pag kukuha ng dugo na kailangan sa mga turok turok. Instant silay na rin.

"Crush na crush mo si Kleau, ano?" Napatingin ako kay Kri nang bigla siyang mag salita. Aba oo! Sino ba namang hindi ma f-fall doon?

"Nakaka thrill nga kasi diba, parang achievement palagi sa 'kin pag nakukuha ko atensyon niya o kaya pag may bago siyang ginagawa sakin." Nangingiting sabi ko.

Nag online ako sa Instagram, walang masyadong ginagawa dahil lunch naman, may 2 hours vacant ako, mangugulo nalang ako, nag send ako ng picture ng pagkain ko.

Baka maging text mate na kami nito, tapos magiging lovers kami, tapos ipapakilala ako sa magulang! Tapos siya yung magiging biggest heartbreak ko! Ganoon yung palaging napapanood ko, eh!

hyestacey: sent a photo.

Kita ko ang pag ka online niya bigla.

kyniel: ?

Kagat labi kong tinitigan ang reply niya, ang cold ha!

hyestacey: Mainggit ka please.

Picture iyon ng pagkain ko ngayon, nagtataka siguro ito habang nagtataka kung bakit ako nag send, iisipin nya inuupdate ko na siya dahil patay na patay ako sa kanya. Grabe, ang delulu ng batang ito.

kyniel: sent a photo.

kyniel: Ikaw ang mainggit.

Picture iyon ni Pikachu na stuff toy, ang background ay mukhang sa Mall, sa arcade! Agad na nagsalubong ang kilay ko, cutting 'to, ah!

hyestacey: Akin nalang.

kyniel: Kiss muna.

Hindi ko na napigilan ang malaking ngiti sa labi ko, hinampas ko pa si Krianne sa braso, nanlalaki ang mata niya nang tinignan ako, gulat sa ginawa ko.

hyestacey: Pag hinalikan kita baka maadik ka, boy.

kyniel: Hindi mo sure.

hyestacey: Ay ganon, pa kiss nga, try lang.

Malawak ang ngiti ko, pag ito hinalikan ko baka mabaliw 'to. Wow, sabi ng may experience.

"Stupid ka! Masakit ha!" Gumanti ng sabunot sa buhok ko si Krianne imbis na magalit ako natawa pa ako, good mood ako!

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now