W.E 14

6 1 0
                                    

Warm Embrace

Answer


"Wala ngang gusto sa akin tapos label? Bobo ka ba?" Totoo naman! Hindi niya sinasabi but he showed me motives! Dapat na ba kong umasa non? Klaruhin niya muna sakin, para alam ko di ba!?

Lalong naging mapang-asar ang mata niyang nakatingin sa akin, "Tunog ampalaya mo naman, pare." Sabi niya ulit.

Umupo ako sa bench, kitang kita ang mga tao rito, may inaantay pa yata si Aki kaya hindi kami naalis. Pinasadshan ko ng tingin ang mga estudyante rito, nakangiti. Ang ganda rin dito! Kung papipiliin pa ako ng University, dito ko rin gusto pumasok, ang sarap sa mata pagmasdan. 


Nalaglag ang ngiti sa labi ko ng may mahagip ko ang isang lalaking naglalakad habang may dalang calculator, katabi nito ang babae na kinakausap siya at may kung anong sinasabi. Ang mga kaibigan nito ay nasa harap, napansin ko kasing kianakausap rin noong babaeng katabi niya ang mga nasa harap, nakikipagtawanan pa.

"Kleau! Wait for me kasi! You're so mabilis maglakad!" Napagiwanan ang babae dahil may nahulog sa kanya, may dala kasi itong mga libro.

Kumapit ito sa braso ni Kleau at marahang hinaplos kaya bahagya siyang natigilan at nadako ang tingin sa kamay ng babae na nakahawak sa kanya.

Pag angat niya ng tingin parang ewan na nagkasalubong ang mata namin. His lips parted and his eyes seemed to shine, he slowly removed the woman's hand from his arm, still looking at me, the woman's eyebrows met when his hand was removed, sinundan nito ang tingin kung nasaan ang tinitignan ni Kleau. Nagkatinginan din kami.

Umismid ako at nag iwas ng tingin. Normal naman yon sa lalaki at babae na kaibigan, walang dapat ikaselos. Wala rin namang kami kaya bakit magseselos? Karapatan ko? Ang babaw lang noon pero kung makaselos ako parang bata na hindi binili ng candy.

"Ayun! Kleau, dito!" Sumigaw si Aki sa tabi ko, nakaway pa, tumingin si Alli sakin nang mapansin rin ang babae. Tumaas ang kilay ko, bakit ba? Crush lang 'yon!

Natural na maging malapit iyon sa mga babae, there is nothing to be jealous of! Maganda naman ako! Madadala ng ganda ko 'yan. Bakit kapag ba hinamon ko ng nonstop talking 24/7 'yan, pumalag 'yan? Kulang ka pa sa kain, boy.

Lumapit sila sa pwesto namin, ramdam ko ang tingin niya sakin kaya hindi ko sinasalubong iyon, baka mamaya itong crush crush kong 'to, mauwi sa ano ha!

"Ky, pre! Patulong nga si Zea." Tumingin ako sa kaibigan niya nang sabihin iyon, crushable naman talaga si Kleau!

"Hey, Ehro! It's okay!" Mahinhin ang boses ng babae, mahinhin ring tumawa habang hinampas ng mahinhin 'yung Ehro, lalong nagsalubong ang kilay ko. E, di ikaw na mahinhin kumilos!

Walang imik si Kleau, his eyes seems bothered. Hindi ako nakatingin pero alam ko lang, nakikita ko pero hindi nakatingin. Ah, basta! 'Yun na iyon!

"Tara! Tusok tusok!" Si Aki ang nag aya. Tusok tusok?

"What's tusok tusok?" Naguguluhang tanong ni Sciana, hindi malabong narinig iyon ng mga kabarkada ni Kleau pati kami.

Natatawa ako dahil alam ko naman iyon, palagi kaming nakain noon dati! Nung magtatapos ay hindi na dahil busy.

"Ignorante mo naman, bebe ko." Pinisil ni Aki ang pisngi ni Sciana kaya nagbago ang mukha nito.

Mabilis tumakbo palayo si Aki, "Aki, Ang gago, ha!" Hinambahan ni Sciana si Aki na nasa malayo na at natawa.

Nauuna sila maglakad, sumunod na kila Aki. Ayoko mahuli, baka mamaya nasa harap ko pa 'yung dalawa tapos magkatabi, baka masuka ako, sukahan ko yung babae, chos.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now