W.E 39

6 1 0
                                    

Warm Embrace

Darkness


The pain are slowly drifting away from me or so i thought. I'm too numb for the pain to even feel. Nakakalabas na ako at nakakabalik paunti unti sa propesyon. Madalas kong ibinubuhos ang sarili sa trabaho, minsan naman ay sinasama ako ni Fay sa Ninety-1 Bar, doon ako sanay mag Bar at hindi pa nakakapunta sa kabila.

Ilang beses na ako roon at ka-close ko na rin ang circle na meron s'ya. Kahit ang gawin n'ya lang na kibo ay tignan ang mga ito sa malamig na paraan ay mukhang ayos lang naman sa kanila dahil sanay na.

Mas kasundo ko ngayon ang mga circle n'ya. Minsan pa ay napapasama na si Krianne dahil wala raw schedule. Kalat naman kasi na doon talaga s'ya nag Ba-Bar kahit pati sa ibang Bar ay kilala s'ya ng marami. No one dared to talk to her rudely because she's too nice at maalam makibagay.

I became more comfortable with my work as years passes, hindi na ako nakakauwi minsan at talagang ginagawa ko na itong bahay ko. Kung uuwi man ako ay sa bahay nila Mommy at hindi sa aking unit. Malapit na akong magkaron ng MD, konting tiis nalang naman.

I don't have any appointment right now, medyo maluwag at hindi ako sanay. Niluluto ba naman ako ng mga seniors dito, lahat strikto, konting mali o matagalan sa pag sagot ku-kwestyunin ka na agad.

"Hyera!"Tawag iyon sa akin ng nag iisang kaibigan ko rito sa ospital.

Nasa corridor ito at mukhang nadaanan lang ako. Nag tatatakbo ito papalapit sa akin na may ngiti sa labi ng makalapit sa akin.

"Hyera! Alam mo ba iyong pasyente ko, ang gwapo!" Exaggerated niyang sambit. Ngumiwi naman ako, hindi mapunto kung na saan ang gwapo roon.

"Wala naman ah?" Umangat ang kilay ko.

Mabilis siyang bumusangot. "Meron! Bagong binabantayan ko kasi, gago."

"Hindi ko pa nakikita, eh. Pangit pa naman ng taste mo sa lalaki, malay ko ba." Kibit balikat ako saka s'ya nilagpasan.

"Buti nga sayo, iniwan." Ang Barumbadong ito.

Mabilis ang lumingon sa kanya at sinamaan ito ng tingin. "Buti nga sa 'yo, hindi naging kayo."

"E kesa naman sa 'yo, hindi na babalikan."

"Lalo ka na, hindi nagustuhan."

Nagsukatan kami ng tingin at sabay sumilay sa parehas na labi ang ngisi. Ito ang gusto ko kay Sage, parehas kaming matabil ang dila. Parehas naming sinasampal ang isa't isa sa katotohanan at hindi idinadaan patalikod.

"You bitch, kumain na tayo." Natawa naman ako sa sinabi n'ya. S'ya ang humila sa akin papunta cafeteria.  Nakilala ko ito agad pagka-balik na pagka-balik ko sa ospital na pinag ta-trabahu-an.

"Ikaw pala iyong babaeng bigla nalang nawala sa trabaho?" Umarko ang kilay ng supladang babaeng kaharap ko sa upuan.

Umangat din ang kilay ko, sino ba ito? Nakikiupo nalang sisirain pa araw ko. Hindi ako sumagot sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Balita ko, nawala ka daw dahil na broken?" Her tone of voice has a blend of sarcasm. Tinignan ko s'ya na ngayon ay sumilay ang ngisi dahil nagtagumpay na mapatingin ako sa kanya.

"What a nosy girl." Umiling ako at inirapan s'ya.

"Stupid mo naman, na broken lang nag leave na agad." Marahan niyang sambit, her eyes looks so innocent but is tricky. Ang masamang tingin sa kanya ay hindi na napigilan.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now