W.E 44

13 1 0
                                    

Warm Embrace

Engineer


Wala naman akong napapansing kakaiba sa mga nagdaang linggo, hindi ko na ulit nakita si Kleau sa ospital, nurse nalang din ang bantay ng Lola n'ya sa kwarto.

Bumuntong hininga ako, tangina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, para akong lutang na hirap na hirap mag isip sa bawat minutong lumilipas.

"Dear," Ang boses ni Mommy ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Ngumiti ako. "I said, pack your things. Anniversary ng kumpanya, you need to be there. Hindi ka na nasama sa amin." Bumusangot ang aking ina at nababahiran ng tampo ang huling salita.

"Okay okay, Mom. I'll take the leave. I also need to relax myself, sobrang stiff ko na at pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko." Reklamo ko at inikot ang ulo dahil sa ngalay.

"Thank you, honey."

Hindi rin naman nagtagal si Mommy dahil papasok pa daw s'ya. Tumingala ako at ipinikit ang mga mata, napamulat nalang ulit noong may kumatok na, kusa naman itong pumasok at nagulat pa ako sa bisita.

Nakasalubong n'ya ba si Mommy? Pero kanina pa iyon, matagal din akong nakapikit.

"You have a load papers to do, Hyera." Ang baritonong boses ni Kuya habang nakatingin sa table ko. Nadako rin naman ang tingin ko doon at ngumiti sa kanya at umiling.

"Easy." Ngumisi ako at nagsimulang mag sulat. Nakahukipkip naman s'ya sa couch ko roon.

"Nga pala Kuya, anong nangyari at dinayo mo na ako dito?" Pinasadahan ko s'ya ng tingin at ibinalik ulit sa sinusulat ang tingin.

"Mom was sulking. Every time." Talagang diniinan n'ya iyong 'every time' ha. I glare at him and raised his eyebrow.

"Busy nga kasi ako palagi. Napakadalang ko mag pahinga 'no!" Rason ko, totoo naman, kaya ayaw ko ring sumama dahil matatambakan lang ako.

"Kaya nga nag se-set si Mommy ng ganoon para makapag pahinga ka. Ikaw naman itong ayaw sumama." Dahilan n'ya rin. Nangongonsensya pa.

"Oo nga, mali nga ako roon." Tinanggap ko na, lugi e.

"Sumama ka sa anibersaryo, lahat tayo dadalo. Pati iyong mga pinsan natin sa side ni Daddy ata ay dadalo rin." Tumango tango naman ako sa kanya.

Matagal na rin noong huli kong nakasama ang mga iyon. Ni balita ay wala akong nakukuha o nasasagap.

"Miss na miss mo na ba ako sa mga events at pumunta ka na dito para sabihan ako?" Tumakas ang pilyang ngiti sa akin, ang supladong mukha ni Kuya ay nabahiran ng pagkadisgusto ay at parang pinapahiwatig na pabor pa sa kanya.

"Palaging malungkot si Mommy, alam mo naman iyon. And besides when was the last time i saw you joining us in every occasion? Around 5 or 6? Can't remember." Kibit balikat n'yang sagot. Kahit nasa bahay ako, trabaho pa rin ang iniisip ko.

"Oo na Kuya, pumunta na dito si Mommy kanina, sabi ko sasama ako. Uuwi nga ako para mag impake." Nang matapos ko ang mga importanteng papel ay inayos ko rin ang table ko.

"Tamang tama ang dating mo, isabay mo ako pauwi." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang mga importanteng gamit ko.

"Nadalaw nalang ako sa bahay, may bahay kami ni Dia sa Davao." Banggit n'ya. Nakaalis na pala sila?

"Akala ko wala kayong balak iwan sila Mommy doon lalo na't ang laki na rin ni Azriel. Ilang taon na nga ulit iyon?" Tanong ko nang makarating kami ng parking lot.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now