W.E 30

5 1 0
                                    

Warm Embrace

Eventually


Ang lakas ng kutob! Alam na alam! Mommy ko nga 'to. Malakas akong natawa sa sinabi n'ya, kilalang kilala ang anak n'ya.

"Mommy! Parang gawain mo, ah..." Mapang uyam ko s'yang tinignan.

"Ikaw... tara na nga!" Hinila ako ni Mommy papasok sa venue.

Nang makarating kami sa mismong loob ay malamig na hangin ang tumama sa aking mukha, ang sarap sa pakiramdam! Pumunta muna ako sa kwarto na binigay ni Mommy, ang sabi niya raw ay sa kabilanh kwarto si Kleau dahil pagagalitan daw ako ni Daddy, okay lang naman.

Mabilis akong nagpalit ng bikini. Nag two piece ako at may tapal sa beywang, see through naman iyon kaya hindi rin masyadong tago, kulang cream ang kulay na nababagay naman sa balat ko.

Nakatalugay ang buhok ko, kulot pa ang bahaging parte kaya nagmukha iyong wavy, may sunglasses dahil tirik pa ang araw. Naglagay lang ako ng kaonting liptint ng mamula ang labi.

Pag labas ko ay nakasalubong ko si Mommy, umangat ang kilay n'ya habang pinasadahan ng tingin ang katawan ko, sumipol pa s'ya at ngumisi.

"Ano iyang suot mo?" Tumaas ang kilay ni Kuya at inirapan ang suot ko.

"Hello? Hindi ka ba nausuhan ng two piece, Kuya?" Inirapan ko rin s'ya pero hindi nakita dahil naka sunglasses nga ako.

Natanaw ko si Kleau na nag lalagay ng plato sa lamesa pinasadahan n'ya ako ng tingin at sumilay roon ang ngisi.

"Hot." He mouthed causing me to look away with burning cheeks.

"Dad, sa sea side lang ako." Paalam ko, hindi na ako lumingon at tumakbo nalang paalis roon. Mabuti nalang talaga at naka sunglasses ako hindi masyadong masakit sa mata.

"Hyera!" Pamilyar na boses ang tumawag sa akin sa di kalayuan. Mabilis ko rin namang nahanap dahil natakbo na ito palapit sa akin.

"Dia!" Gulat kong tawag dahil sa presensya n'ya.

She was wearing a pair of black bikini, bagsak ang buhok at may suot na shades, walang nakapatong na kahit ano sa kanyang katawan kundi iyong bikini na suot. Hindi gaya ko na may tapal pa. She walk to me expertly like a model. Matangkad ito, maganda ang postura at kitang kita ang hubog ng katawan.

"Ang sexy mo naman, madame." Nakangisi kong sabi pagtapos ng yakap namin.

Marahan s'ya natawa at pina atras ang buhok. "Ang hot mo, ah. Balita ko kasama ang shota mo."

Malakas akong natawa sa sinabi n'ya at sa term n'ya.

"Ang bibig mo! Shota!" Hinampas ko s'ya sa braso. Nahawa rin s'ya sa tawa ko kaya natawa na rin.

"Buti isinama ka nila Mommy! Hindi ako ma bo-bored dito!" Nakangiti kong sabi, masaya s'ya kasama pati.

Tanging tawa ang naisagot n'ya, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang front cam.

"Picture-an kita! Ang ganda mo lalo ngayon! Parang ilang buwan lang kita hindi nakita, ah? May shota ka ba?" Ngumisi ako at sa huli ay natawa rin.

"Bigyan mo nga 'ko ng nananahimik na 'ko." Umirap s'ya pero natawa.

Lumusong s'ya sa tubig kaya lumusong din ako, sinusundan s'ya. Nang bandang bago mag pwetan n'ya na ang tubig ay tumigil na s'ya. Nakatalikod ang katawan sa akin ngunit naka harap naman ang mukha sa camera. Hinangin pa ang buhok n'ya na lalong nagpaganda sa litrato.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now