W.E 31

16 2 2
                                    

Warm Embrace

Smitten


"Good afternoon, peoples!"

Galak kong bati sa labas ng hotel, dito kasi gaganapin iyong venue, dito sila nag aayos ng decorations since mamayang gabi ang celebration. Beach Theme ito kaya mag bo-bonfire kami mamaya, ang mga may ayaw naman ay puwede sa loob mag party, napag isip isip din kasi nila Mommy na baka hindi pabor yung iba sa beach theme kaya meron sa loob para raw lahat makapag enjoy.

"Kain na, Hye." Si Dad. Palundag lundag ako papunta sa upuan ko, Kleau pull a chair for me so i scrunch my nose as i smile.

"Thank you!"

"Eat." Ngumisi s'ya sa akin bago lagyan ng kung ano anong pagkain na nasa hapag ang plato ko. Hindi naman ako nag reklamo dahil kinakain ko rin naman ang mga iyon.

"Wow, buti may meat." I noticed na hindi lang sea foods ang nandoon, mayroon na rin na beef, pork ganoon.

"Mommy mo ang nagpalagay, baka daw samain ako." Lumawak ang ngiti ko dahil sa nabanggit niya. Sobrang thoughtful naman ni Mommy! Siya ang naglalagay ng pagkain sa plato ko habang ako naman ay nag picture-picture lang.

I took a picture of Kleau who's busy putting variant seafoods on my plate, he looks cute and the his side view emphasized his jaw more and his nose. Tangina sa gwapo, lord ano bang nagawa kong kabutihan sa 'yo at binigyan mo ko ng magandang biyaya.

Habang nakain ay kinukuhanan ko ng video ang sarili, hagip si Kleau sa kanan ko kaya kita rin ang bawat kilos n'ya. Tapos na sila Mommy kumain o nasa ibang table at nag aayos para sa event na gaganapin mamaya.

Napaubo ako bigla ng namataan ko sila Kuya Hyori at Dia sa di kalayuan sa dalampasigan. Nakayakap mula sa likod si Kuya at nakatalikod sa amin. Tanghaling tapat pero kung magbilad 'tong dalawang 'to parang hindi masakit sa balat ang init!

Mabilis akong inabutan ni Kleau ng tubig at agad ko rin namang ininom.

"What happened?" Sinundan n'ya ng tingin ang tinignan ko kanina at napangiti ng bahagya.

"You want to swim?" He offered fixing my hair and tuck in behind my ear. He also whip lightly my side lips. "Kalat."

"O-Oo naman!" Bahagya akong napatitig sa kanya at nahiya ng kaonti! Ano ba naman 'tong si Kleau! Mabilis kong narinig ang tawa n'yang mahina at pinisil ng kaonti ang pisngi ko.

"Sure, later ha! Kapag hindi na sobrang init sa balat ng araw! Wag tayong gagaya sa dalawang 'yan, gusto ata maramdaman ang free trial ng impyerno kaya ganan." Umismid ako at tinignan sila Kuya sa dalampasigan.

Nakaharap na si Dia sa kanya at bahagyang nakangiti. Dia is such a cold girl with the person she don't want to be with, saksi ako roon. But a big marshmallow when it comes to the persons she want to be with. Cutie.

"Bitter." Rinig kong sabi ni Kleau. Mabilis akong tumingin sa kanya at bahagyang hinampas ang braso, natawa naman s'ya agad.

"Hey, no! Hindi kaya!" Depensa ko.

"Whatever, Hye." He smirked and peeled a shrimp, akala ko ay kanya pero nang matapos ay itinapat n'ya sa labi ko at ginamit ang isang kamay para kumuha ulit ng panibagong babalatan.

"Nakakagana naman kumain pag pinapakain mo ko." Nakangisi kong sabi. "Isa pa nga."

"The longer our relationship goes on, the more corny you become." He said, naiiling iling pa ngunit may ngiti naman sa labi!

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now