W.E 05

18 1 1
                                    

Warm Embrace

Club


"I said, get in."

Madiin ang pagkakasabi nito kaya nabalik ako sa ulirat. Hala ka, totoo ba 'to? Hindi ako nananaginip?

"Totoo ka ba?" Tanong ko kaya sumama lalo ang tingin niya sakin, napailing ako at madaling binuksan ang pinto nang kanyang kotse.

It feels so surreal! Imagine mo nakasakay ako sa kotse ng crush ko?! Pinagpala talaga akong tunay!

"Stop smiling, you look stupid." Mabilis nawala ang ngiti ko sa labi saka ko sya binalingan ng tingin! Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito at naka focus lang sa daan.

"Ay ang harsh, sis." Natawa kong saad saka pinindot pindot ang braso nya. "Eh ikaw kasi! May pa ganon ka pa! Dapat inaya mo na ko, lowkey gusto mo rin akong kasabay eh."

"Ikaw ha, umamin ka na crush mo 'ko 'no, hays, ramdam ko naman." Makapal na mukha kong saad saka tumawa. Umismid siya saka umiling.

"Dapat sinabi mo kahit simple, 'Hyera, sumabay ka na sakin.' O kaya naman 'Hye, let's go together' Papayag naman ako e!" Natatawang sabi ko pa saka s'ya pinagmasdan. Napa hampas ako sa palad ko nang maalala ko yung sa Instagram!


"Oo nga pala! Finollow kita sa Instagram! Baka gusto mo kong ifollow back ano?" Sarkastikong saad ko saka napanguso dahil ang tahimik niya. Para naman akong may statue na kausap dito, eh!

"I follow back mo na ko, hindi ako mangungulit," Scam.

"With that talkative mouth of yours? I doubt." He shook his head.

"Grabe naman yon, Kleau!" I acted offended by what he said.

"May Facebook ka? Twitter?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya. I can't get enough on his face! Ang gwapo, akin ka nalang please. Tunog desperada ampota.

"I have Facebook." He said giving me a side glance, i smirked.

"Mag f-friend request ako mamaya! Baka gusto mo akong i accept, 'no." I sarcastically said not leaving my eyes on him, he's too attractive. Ginayuma na talaga ko ng mukha n'yang pinagpala.

"Later, Hye." He said then quickly looked at my face, i gasped.

Gulat akong napatingin sa kanya, Hye. Ang daming tumawag sakin noon pero sa kanya lang ako kinilig. Ang ganda naman ng boses ko kapag sinasambit n'ya!

"Grabe ka umatake, lalabas ang puso ko." I dramatically held my chest still can't believe, he slightly let out a small laugh and shook his head.


Napatitig ako sa kanya! "Isa pa! Dali! Ang gwapo mo lalo! Lalo akong nagka crush sayo!" Bahagya akong lumapit at inalog ng kaunti ang kanyang braso, hala, favorite ng diyos.

He bit his bottom lip to prevent himself from smiling widely, napanguso rin ako para pingilang ngumiti. Ang lakas ng epekto.

"Stop, we're already here." Sabi niya kaya napatingin ako sa binatana, nasa parking na nga kami.

Tinext ko si Krianne ng malapit na kami sa entrance.

To: Kri

Dito na q.

To: Kri

Ano? Okay ka pa ba?

To: Alliana

Buhay k p?

Nang mainip ako ay pumasok nalang ako hindi ko alam kung saan hahanapin sila Krianne! The club was so chaotic!

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now