Chapter 47: Trouble

7 2 0
                                    

"WELCOME BACK LOVE BIRDS!"

Nabingi ako sa sigaw ni Nico. Tawa ako ng tawa ng dumating na sila Sky at Rain. Napagdesisyunan namin na magkita kita dito sa isang sikat na bar malapit lang sa mga tinitirahan namin. Nasa VIP room kami ni Nico kaya naman tahimik. Hinihintay lang namin na dumating yung mag asawang galing nga sa honeymoon. Tumawa ako ng maupo sila sa tabi namin.

"Di pa din kayo kasal?" Tumawa lang ako sa tanong ni Rain at uminom sa vodka na hawak ko.

"Chill ka nga lang. Nagtatrabaho pa kami oh."

Yun palagi ang sinasagot ko tuwing magtatanong si Rain sa pagpapakasal namin. Totoo naman kasi. Focus pa kaming dalawa sa mga work namin. Nag eenjoy pa kami. Once na okay naman na ang lahat gogora na din kami.

"Ayaw ako pakasalan niyan eh ang arte."

Humagalpak ako sa tawa ng marinig ang reply ni nico. Ako pa ang ayaw magpakasal ah?

"Stop it, Alex. Wag mo silang ipressure. They're having fun naman. Diba guys? Cheers!" Matapos sabihin yun ni Sky ay kinuha namin ang mga shot glass namin at nag cheers.

Hindi rin nagtagal ay humahaba na ang mga usapan namin. Tungkol lang naman yon sa honeymoon nila Sky at pati na rin sa mga work namin. Wala namang bago. Hindi ko din alam pero napapabilis yata ang pag inom ko kaya naman ako ang unang nalasing although parang lasing na din si Sky at Rain pero ako ang pinakalasing.

"G-Guys nakita ko si Jasmine sa supermarket.." mahina kong sabi dahil yon ang bumabagabag sa isip ko this past few days. Hindi mawala sa isip ko. Parang sirang plaka.

"What? Are you serious?" Lasing na din si Sky pero mukhang okay pa naman. Nangunot ang noo ni Rain at Nico at tumitig sa akin.

"O-Oo kinuha niya nga yung favorite kong cheese eh!" Sigaw ko na parang bata at bigla na lang akong naiyak. What the fuck. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa 'kin.

"Oh shit!"

Agad akong dinaluhan ni Nico. Umiyak din si Sky kaya naman nataranta din si Rain. My goodness. This is a mess.

"H-Hindi ko naman kasalanan kung bakit nawala si Lucas pero bakit ganon?! Parang sinisisi pa rin niya ako! Ang unfair!"

Iyak lang ako ng iyak. Totoo naman kasi. Kahit ilang taon na yung lumipas parang ang fresh pa din ng mga nangyari. Naguguilty ako pero wala akong magawa para maibalik si Lucas. Para maibalik ang lahat katulad ng dati. Nung kumpleto pa kami at masaya.

"Shit stop crying, Sky!"

"Elle, you're fucking wasted!"

Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko din alam. Kanina naman okay ako diba? Ba't ganito na? Siguro kasi hindi na kayang dalhin ng dibdib ko. Ansakit. Araw araw na lang. Araw araw kong hinihiling na sana hindi na lang siya namatay. Sana nandito na lang ulit siya. Sana kasama pa namin siya.

"Nico, masama ba akong tao?" Tanong ko na nakapagpatigil kay Nico na nililigpit na ang mga gamit namin. Bumuntong hininga siya at niyakap ako. Napaiyak na naman tuloy ako.

"No. Hindi mo 'yon kasalanan."

Ito ang ayoko pag iinom ako. Lahat ng tinatago ko nagiging visible kay Nico. Ano bang nagawa ko at hanggang ngayon ay hindi ako maging masaya? Ang hirap. Ang sakit.

"I miss Jas and Lucas. I miss those days.." bulong ni Sky at napaiyak naman ako kasi ako din. Miss ko na din sila. Miss na miss. Miss na miss ko na ang mga araw na magkakasama pa kami. Nung kumpleto pa kami. Yung ngiti ng bawat isa. Miss ko na lahat yon. Miss na miss.

"Kailangan na natin sila uuwi." Narinig kong sabi ni Rain. Tumayo na ito at inakay ang asawa dala ang mga gamit nila.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ni Nico at nakita ko namang tumango si Rain.

"Oo, Ingat kayo."

"Ingat."

Nakita kong lumabas sila at pagtapos non ay inakay na din ako ni Nico at naglakad kami palabas. Ilang beses akong nahilo sa neon lights at mga taong nagsasayaw na nadaanan namin. Nakahinga ako ng maluwag ng ilapag ako ni Nico sa shotgun seat. Inaantok na ako. Napatingin ako kay Nico. Nangilid ang luha ko ng makita siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Sorry for causing you trouble." Ani ko habang papikit pikit. Ang sakit ng ulo ko! Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang halik ni Nico sa noo ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Nico na nakangiti.

"I don't mind being in trouble as long as I'm with you. I love you."

Inabot niya sa 'kin ang isang bote ng tubig at dahan dahan ko namang ininom yon.

"I love you too."

Pagtapos non ay pinaandar niya na ang kotse at nakauwi kami ng maayos sa unit. Pagdating sa unit ay sumalampak ako sa sofa. Nakita kong kinuha ni Nico ang mga gamit ko at bumalik na na may dalang bagong nighties. Binihisan niya ako na naging matagal dahil malikot ako pagtapos ay pinapunta sa c.r para magtooth brush na nagtagal din dahil hindi maintindihan kung anong gusto kong gawin sa buhay. Pinunasan niya rin ang mukha ko gamit ang cotton pad na may cleanser. Habang malapit ang mukha niya sa 'kin ay ngumiti ako ng malaki sa kaniya. Natawa naman siya.

"Wag ka ng uminom ha."

Ngumiti lang ako.

"Sa tingin ko di na ako gaano kalasing ngayon." Sabi ko kaya naman napatango siya.

"Gusto mo muna magkape o matutulog na?"

Nag isip ako at naisip ko na magkape muna. Kaya naman bumaba kami at nagtimpla ng kape sa may kitchen island. Actually nahihilo pa ako pero feeling ko lang kailangan kong magkape para mahimasmasan ako ng kaunti.  Napatingin ako kay Nico na tahimik na nagkakape. Naalala ko na naman ang sabi ni Rain na kung kailan daw ba kami ikakasal. Wala namang kaso sa 'kin kung kailan pero hindi ko din itatanggi na gusto ko na din makasal kami ng mas maaga kaya naman tinitigan ko si Nico at tsaka ako nagsalita ng,

"Magpakasal na tayo, Nico. Ayoko ng pakawalan ka."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now