Prologue

106 4 0
                                    

"Mama.." tawag ko kay mama kahit hinang hina na ang katawan ko. Sa tingin ko hindi ko na kayang magsalita pero dahil nakikita ko ang paghihirap sa mukha ni mama, kahit masakit ay nagagawa ko pa rin.

"Tumakas kana... hayaan mo na ako dito.."

Umiling ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Pa'no kita maiiwan sa ganitong sitwasyon mama?

Mahina akong napatili ng may lumapit kay mama at sampalin siya ng malakas. Natatakot na mas nagtago pa ako sa dilim.

"Putangina mong babae ka? Nasa'n na ba yung bata?!" sigaw ng lalaki at sinampal ulit si mama.

Mas lalo akong umiyak. Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?
Umiling ako at mas umiyak na lang. Umalis yung lalaki para siguro hanapin ako.

"Anak, nakikiusap ako umalis kana.. pangako susunod ako.." ngumiti si mama pagkasabi niya non. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Promise?" bulong ko upang hindi ako marinig ng mga lalaki. Tumango si mama at ngumiti.

"Promise."

Tumakbo ako papunta kay mama at niyakap siya ng mahigpit pagkatapos ay tumakbo ako papalayo. Oo nakaligtas ako, pero nagsinungaling si mama.

Sabi niya susunod siya pero hindi.. hindi nangyari.

Pinatay nila si mama. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa 'yun ngunit isa lang ang nasisiguro ko. Pagbabayaran nila 'yon.

Akala ba nila mananahimik lang ako? No. I will find the truth. Pupulutin ko ang mga nabasag na alaala. Bubuoin ko ulit at ito ang gagamitin ko laban sa kanila.

My life is like a glass. Basag. Binasag at winasak. Pero wag silang mag alala. Malapit ko ng mabuo.

Malapit ko ng mabuo ang nabasag na nakaraan.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now