Chapter 10: Margarita

28 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw at ang pagiimbestiga namin sa kaso ni Kim ay parang walang nangyayari. Sa lahat kasi ng puntahan namin sa mga lugar na pwedeng may kinalaman si Kim ay napakapribado. Wala kaming masyadong makalap na impormasyon at nang makausap ko tungkol do'n si Lucas ay mukhang nahihirapan rin siya. Talagang malinis ang pag gawa ng mga 'yon.

Gano'n parin naman ang nangyayari sa buhay ko. Except sa nagpa-part time job na ako tuwing gabi. Hindi naman ako masyadong nahihirapan. Madali lang naman kasi tsaka hindi naman ako hanggang madaling araw nagtatrabaho.

Bumuntong hininga ako ng matapos naming panoorin ang Howl's Moving Castle sa Netflix dito sa apartment ko. Kasama ko si Primo manood. Marami ng gamit dito sa apartment, isa rito yung tv na pagkamahal mahal. Nagpakabit rin siya ng internet. Kaya heto nakakapanood kami sa Netflix. Napailing na lang ako.

"Grabe, ang gandaaa!" tuwang tuwa si Primo pagkasabi niya non. Kukuha pa sana siya ng potato chips sa bowl na nasa harapan namin pero wala ng laman 'yon. I chuckled.

"Kukuha pa ako. Wait lang." sabi ko at kinuha ang bowl at dumeretso sa kusina. Magbubukas na sana ako ng chips ng pigilan niya ako bigla. Nakasunod na pala siya sa akin.

"No need. Uuwi na ako. Kailangan na ako ng parents ko." Sabi niya kaya naman tumango na ako. Hinatid ko na siya sa labas at pinanood siyang umalis. Bumalik na ako sa loob at naglinis. Nagreview lang ako saglit pagtapos ay nagpahinga na rin ako.

--

Kakatapos lang ng klase. Magkasabay kaming naglalakad ni Primo palabas ng university. Sabay kaming napahinto ni Primo ng makita namin si Lucas na naghihintay sa labas. Napangiti ako at dali daling tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Nakakamiss 'tong lokong 'to. Napangisi na lang ako. Lumapit din si primo at nakipag high five sa kaniya.

"Bakit ka nandito? Hindi ka na busy?" tanong ko at umiling siya at ngumisi.

"Nagtatampo ang bebe?" Aniya sabay halakhak. Ngumisi lang ako at napailing.

"Sira. Ano nga kasi?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse nila ni Primo.

"Mag uusap lang tayo nila Primo." Sinabi niya 'yon habang binubuksan niya ang kotse. Nangunot ang noo ko.

"Tungkol saan?"

He licked his lower lip.

"Tungkol sa maraming bagay kaya sumakay kana. Mabilis lang tayo maguusap para makakapagtrabaho ka pa." I shrugged at sumakay na rin ako. Sumakay narin si Primo at sabay kaming lahat na nagpunta sa mall.

Pagkapark nila sa parking lot ay pumasok na rin kami. Dumeretso kami sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Sinabihan ko silang maghintay muna sa isa sa mga seats do'n dahil magpapalit lang ako ng damit. Pagtapos kong magpalit ay dumeretso ako sa kanila.

"What do you guys want?" tanong ko sa kanila sabay bigay ng menu. Agad naman nilang tinanggap 'yon.

"May spaghetti kayo?" Napangiwi ako sa tanong ni Primo. Kahit kailan talaga.

"Tignan mo na lang diyan. Lapit na lang kayo kapag oorder na kayo. Trabaho lang muna ako."sabi ko at tumango naman sila. Pumunta na ako sa place ko at nagsimula na ako. After Ten minutes ay nag order na rin sila. Nagtrabaho pa ako ng mga ilang minutes at saktong pagserve ng pagkain sa table nila ay pinahawak ko muna sa iba ang place ko at pumunta na ako sa kanila. Napangiwi pa ako ng makitang spaghetti ang kinakain ni Primo. Salad naman ang kay Lucas.

"Oh, ano na?" tanong ko at uminom sa softdrinks na nandon sa table.

"Nagrent ako ng club for my upcoming birthday." Panimula ni Lucas. Tumango naman ako.

"As expected."

Umiling siya kaagad kaya naman kumunot ang noo ko.

"Dapat hindi na talaga ako magrerent kaso may nagreport sa 'kin na may madalas daw na bentahan ng drugs do'n at madalas do'n ang mga druglords. So nirent ko 'yon at ininvite sila." Bulong niya pa at napanganga kami ni Primo.

"HA?????"

Ngumisi siya at kumindat.

"Aattend kayo para icelebrate ang birthday ko at the same time ay tutulungan niyo rin ako. So much fun right?" Napailing na lang ako. Well I guess okay lang naman as long na mabubuhay pa kami pagtapos diba?

--

Maingay na musics. Neon lights. Hard drinks. Nagsasayawan na mga tao. Yep, nandito ako sa club and yep birthday na ni Lucas. Mag isa lang ako na nakaupo sa table namin. Umiinom ng margarita. Napabuntong hininga ako. Totoo nga ang sabi ni Lucas mukhang madaming magaganap na transaction ng drugs dito.

Umiling na lang ako at uminom na lang ulit. Nawawala si Primo. Probably making out with some girls? Really dunno. Lucas was talking with everybody because he's the one that have a birthday today right?

Sumandal na lang ako at tahimik na iniisip ang plano. Maybe pinapractice ko?

Umangat ang tingin ko ng makita ko si Lucas sa harapan ko may katabi siyang babae. Agad akong tumayo at nakipagkamay sa babae.

"Dito muna siya. May aasikasuhin lang ako." Sabi ni Lucas at tumango naman ako pagtapos ay umalis na siya. Iginaya ko yung babae paupo. Hindi pa naman siya lasing pero nakita kong brandy ang iniinom niya base sa hawak hawak niyang baso.

"Hi. I'm Elle!" Pagpapakilala ko at ngumiti naman siya.

"Jasmine." Pagpapakilala niya rin at napangiti ako. She's beautiful yan ang masasabi ko dahil sa kutis at pananamit niya pa lang ay kita na. Feeling ko pa ay mayaman rin siya.

Uminom ako sa margarita ko bago magsalita.

"Are you his friend?" tanong ko pa at umiling naman siya.

"Girlfriend?" tanong ko pa ulit at tumawa naman siya pero bigla rin lumungkot ang mukha niya.

"Uh no.. Ako ang nagreport sa kaniya." Bulong niya at nanlaki kaagad ang mga mata ko!

"Bakit anong nangyari sayo? Sinaktan ka ba nila?" bulong ko pa at umiling naman kaagad siya.

"Hindi nila ako masasaktan. Don't worry." Sabi niya at ngumiti. Okay, this is weird!

"At bakit ka naman nila hindi sasaktan? You reported them. Kailangan na kitang iaalis dito. You're not safe here.." pagtapos ko ibulong 'yon sa kaniya ay ngumiti lang siya.

"Believe me, Elle. I'm really fine." Kumunot ang noo ko.

"Pa'no ka naging fine? Anytime pwede ka nilang patayin.." Umiling siya at lumapit sa 'kin upang may ibulong.

Nahugot ko ang hininga ko ng magsalita siya.

"They can't hurt me. I reported the drug lord. I reported my own dad." Bulong niya at naramdaman ko na lang ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha niya sa pisngi ko.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now