Chapter 16: Nashie

17 2 0
                                    

"Ang boring. Where do you want to go now?" Tanong ni Primo habang naglalakad lakad pa rin kami.

Naisipan ko na ilagay yung duck sa bag ko para hindi madumihan. Tumingin ako kay Primo at mukhang bored na bored nga siya. Ano bang problema nito? Kung nabo-bored siya eh di dapat nag ml na lang siya. Ako pa papagurin, eh.

"Wala na, pagod na 'ko. Umuwi na tayo." Untag ko sa kaniya at hinila siya ngunit nanatili siyang nakatayo at hindi sumusunod sa 'kin. Ugh, kanina pa ako naiinis sa lalaking 'to! Pwede pasapak kahit isa lang?

"You're no fun!" Singhal sa 'kin ni Primo. Nagcross arms pa ito at masamang tumingin sa 'kin na parang bata. Napaface palm na lang ako sa kakulitan ng isang 'to. Hanep. Nakakaubos ng dugo.

"Wala naman na tayong gagawin dito! Umuwi na lang tayo!"

Baka naman gusto pa maglaro nito ng tekken do'n sa arcade o kumain ng spaghetti sa jollibee. Pero wala akong pake! Napapagod na ako!

"No, no, no!" Aniya sabay iling. Halos sabunutan ko na ang buhok ko sa inis. Kung ayaw niya umuwi eh di ako ang uuwi! Bahala siya sa buhay niyang kumag siya.

Luminga linga ako sa paligid para hanapin sana yung daan papuntang exit ng maagaw ng isang salon ang atensyon ko. Napatingin ako sa medyo lang naman na mahaba na buhok ko pagtapos ay bumalik ang tingin ko sa salon. Magpagupit kaya ako? Medyo mahaba na rin naman ang buhok ko at hindi talaga ako sanay na mahaba.

Dali dali kong hinila si Primo papunta sa salon. Hindi naman siya umangal at parang naisip niya na rin na magpagupit.

"Miss, hanggang balikat lang.." sabi ko do'n sa babaeng mag gugupit sa 'kin at tumango naman siya agad. Tinignan ko si Primo na nakaupo na rin at mukhang magpapagupit din.

"Oh, magpapagupit ka rin?" Tanong ko at tumango naman siya. Malaki ang ngiti.

"Yeah. Medyo mahaba na rin naman ang buhok ko." Sabi niya at halatang excited. Napailing na lang ako.

Sinimulan na kaming gupitan. Habang ginugupitan ako ay nagbabasa ako ng magazine samantalang si Primo ay ewan ko pero mukhang nagpapacute siya sa harap ng salamin at halatang gwapong gwapo sa kaniya ang mga narito. I rolled my eyes because of that.

Halos sabay kaming natapos ni Primo. Medyo malayo ako sa kaniya pero habang nagbabayad si Primo ay halatang nilalandi siya nung babae na kumukuha ng payment.

"A-Ang pogi niyo po sir. May girlfriend na po ba kayo?" Tanong nung babae habang hinahawi ang buhok niya. Tsk, ano bang meron sa salon na 'to at napakalandi ng mga nagtatrabaho rito?

Ngumiti si Primo at inabot ang cash sa babae. Tinanggap 'yon ng babae na parang kinikilig kilig pa.

"Wala akong girlfriend. But I'm not available."

Nakangiting sabi ni Primo. Nag iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi siya available so ibig sabihin may gusto na siya? Baka si Clarisse 'yon. Sabi ko sa isip isip ko.

Pagtapos niya magbayad ay umalis na kami do'n. Habang naglalakad kami ay nagsalita na naman siya.

"May gusto ka pa bang puntahan?" Tanong niya at umiling lang ako.

"Good. Kasi ako naman ang may gustong puntahan!" Sabi niya at hinila na naman ako. Ngumiwi ako. Kailan ba mauubusan ng energy 'tong lalaking 'to? Parang hindi napapagod eh kanina pa kami takbo ng takbo!

Huminto kami sa isang pet shop. Pumasok kami sa loob at nagsimulang magtingin tingin.

"Bibili ka ba?" Tanong ko at tumango siya. Malaki na naman ang ngiti niya.

"I want to buy a goldfish. Para may kasama na yung alaga ko sa bahay!" Umiling na lang ako at itinuro ko sa kaniya kung nasaan yung mga gold fish. Baka bumili rin daw siya ng aquarium at pagkain ng isda.

Habang pumipili siya ng goldfish do'n ay nagtingin tingin muna ako. Natutuwa kong pinagmasdan yung mga isda. Iba't iba ang kulay at napakaganda. Natuwa rin ako ng pagmasdan ko yung mga aso sa gilid. Ang ku-cute!

Napatingin ako sa ibaba ko at nakita kong tinatahulan ako ng isang tuta. Kulay itim at napakacute. Nang lumapit ako sa tuta ay tumahimik ito. Tinignan ko ang mga mata niya at natawa ako sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin. Para bang sinasabi niya na bilhin ko siya at iuwi ko siya sa gano'ng paraan. Nakakatuwa ang tuta. Ngunit nalungkot ako ng maisip ko na wala akong pera pambili sa kaniya dahil may lahi siya at siguradong mahal.

"Do you want to buy him?"

Nagulat ako ng magsalita si Primo sa likod ko. Agad akong napatayo at napaharap sa kaniya.

"Hindi. Tinitignan ko lang naman." Ani ko at dali dali na akong lumabas ng pet shop. Sa totoo, gusto kong bilhin yung tuta. Kaso ayaw ko nang dagdagan yung mga gastos ni Primo. Nahihiya na ako sa kaniya.

Makalipas ang ilang saglit ay lumabas na din siya.

"Ba't antagal--" Natigilan ako ng may lumabas na babae sa pet shop at ibinigay sa 'kin yung itim na tuta kanina!

"Huh--"

"You're not a good liar. I know you like him." Sabi niya sabay turo sa tuta. Nag iwas ako ng tingin. Paano niya 'yon nalaman? Nagulat ako ng dilaan ng tuta ang kamay ko. Karga karga ko na siya.

"From now on, his name is Nashie."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit ikaw ang magpapangalan?"

"Because I'm the one who bought him. Nashie came from my name. Nashton." He said and smirked.

Umiling na lang ako.

Pagtapos namin do'n ay umalis na kami at dumeretso kami sa kotse niya na Range Rover. Inilagay niya ang mga pinamili niya sa backseat. Pati ang goldfish at si Nashie.

"Please take a good care of Nashie. I will always visit him." Sabi niya at ngumisi.

Tumango na lang ako. Palagi naman siyang nasa apartment ko. So, mabibisita talaga niya si Nashie. Kunwari pa siya.

Dala na rin siguro ng sobrang pagod ay muntikan na akong makatulog. Papikit pikit na ang mga mata ko ng biglang nanlaki ulit dahil may nakita akong isang itim na van at may lumabas na mga dalawang lalaki. Mas nanlaki pa ang mga mata ko ng bigla silang lumapit sa isang batang babae at sapilitang binuhat 'yon.

"Tulong!"

Dali dali kong pinahinto sa pagmamaneho si Primo at dali dali rin akong lumabas ng kotse. Sinigawan ko ang mga lalaki at agad naman nilang binaba ang bata at kumaripas ng takbo papunta sa van. Tumakbo ako papunta sa van ngunit bago pa ako makalapit ng todo do'n ay nasara na ang pinto at dali dali na itong humarurot.

Tumakbo ako pabalik sa bata at niyakap siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko at nanginginig na tumango naman siya.

Bumalik ang tingin ko sa daan kung sa'n dumaan ang van upang umalis at tumakas. Sinubukan ko pang tanawin ngunit wala na talaga. Nilapitan kami ni Primo at dali dali kaming isinakay sa kotse.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now