Chapter 25: Ikaw

12 2 0
                                    

"Ugh.."

Ungol ko pag gising ko. Agad akong napabangon ng maramdaman ko ang sakit na parang pinapalo ng tubo ang ulo ko! Para akong maiiyak!

Nalibot ko ang paningin ko at nagulat ako ng nandito na ako sa kwarto sa apartment ko. Nilibot ko pa ang paningin ko at may nakita akong gamot at tubig sa side table ko. May note pa na kasama. Inabot ko 'yon at agad na binasa.

Oy,

Inumin mo yung nasa side table. Maligo kana. You'll be late. Dalian mo wala ako kalaro *insert wink emoji*

-P

"Lasing pa ata siya." Ani ko at tumayo na. Anong walang kalaro? Eh diba nga hindi naman niya ako niyayaya. Puro si Clarisse kaya ang niyayaya niya. Anong nakain niya at ako ang gusto niya makalaro mamaya?

Kinuha ko na lang yung nasa side table at ininom 'yon. Naligo muna ako at nagbihis bago pakainin si Nashie. Dahil medyo lang naman na late na ako ay hindi na ako nagluto at bibili na lang ako sa labas. Pagtapos ko ayusin ang mga gamit ko ay umalis na rin ako. Paglabas ko ay nagulat ako ng may pamilyar na tao na nakaabang.

Si Orange girl..

Hindi na mahaba ang buhok niya. Maikli na. Hanggang leeg pero orange pa rin. Bagay sa kaniya.

Ngumiti siya sa 'kin kaya kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Lumapit lang siya sa 'kin at inabot ang isang garapon ng chocolates! Babasagin ang garapon at parang mahal ang chocolates na nasa loob.

Kinuha ko 'yon at tinitigan siya.

"Wag kang mag alala, walang lason 'yan. Pinabibigay."

Tumaas ang kilay ko. Pinabibigay?

"Pinabibigay nino?" Tanong ko at ngumiti lang siya at umiling.

"Secret."

--

Pagpasok ko ng gate ng university ay nagmamadali na ako. Tuloy tuloy lang sana ako ng may mapansin ako!

"Jasmine!" sigaw ko at lumingon naman siya kaagad at nahihiyang ngumiti.

"Woah, dito kana pala pumapasok?" tanong ko at tumango naman siya. Ang ganda niya. Iba siya ngayon kesa nung una naming pagkikita.

"Pwede sabay tayo mamaya, Elle? Di ko pa kasi kabisado dito, eh." mabilis na tumango naman ako.

"Sure!" sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Pwede puntahan na lang kita mamaya? Text mo na lang building mo at room mo, ako na bahalang pumunta." Aniya at pumayag naman ako. Pagtapos nun ay pumunta na siya sa class niya at pumunta na rin ako sa class ko.

--

"Primo, ano ba? Gusto mo tadyakan kita?" bulong ko kay Primo. Nagtuturo kasi ang teacher naming sa harap at panay siya hawak at laro sa kamay ko. Nadi-distract tuloy ako. Hindi siya natinag sa banta ko at patuloy na nilalaro ang kamay ko. Tuloy hindi ako makapagfocus! Lintek lang talaga pag ako bumagsak sa quiz tae talaga. Natapos ang lesson at nagpaquiz nga. Medyo naiinis ako dahil tatlo ang mali ko tuloy inasar ako ni Clarisse.

"Ang dali dali ng lesson, may mali ka? Ginagawa mo ghorl?"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpaunang lumabas. Sakto naman na nasa labas na si Jasmine at kasama si Lucas?! Wew, ano meron?

"Ginagawa mo dito?" tanong ko paglapit ko sa kanila. Naramdaman ko na si Primo sa likod ko.

"Bakit bawal? Dinalahan ko lang si Jasmine ng cupcakes."

Napa tango tango naman ako. So, kaya pala may dalang box si Jasmine. Ngumisi ako.

"Wow, ba't may pa-cupcakes? Ano meron? Yieeee!" tukso ko at tumawa lang si Lucas. Pumula naman ang pisngi ni jasmine hmm?

"May crush na ako, eh. Friend ko lang talaga si Jasmine." Ani lucas at umiling naman ako.

Lumapit na ako kay Jasmine at hinatak na siya palayo. Sumunod naman ang mga lalaki. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Jasmine.

"Tulungan kita wag ka mag alala." Bulong ko at ngumiti lang siya. Dumeretso kami sa canteen at bumili ng pagkain. Sinamaan ko ng tingin si Primo ng makitang nagmml siya.

"Wow, nakakabusog 'yan ah."

Tumawa siya at itinago na ang phone niya sa bulsa bago tumayo. Napailing na lang ako.

"Sungit mo." Aniya bago umalis para bumili ng delight siguro. Napatingin ako kay Lucas at Jasmine na nag uusap.

"Sino yung crush mo? Mas boto ako kay Jasmine." Ani ko at tumawa naman si Lucas.

Kinindatan ko naman si jasmine.

"Inaantay ko siya kahit alam kong hindi niya ako mapapansin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naibaba ko ang tingin ko sa hindi ko malaman na dahilan. Ano ang ibig sabihin niya? Buti na lang dumating na si Primo at na iba na ang pinag uusapan namin. Pero kinabahan na ako sa mga salitang iniwan ni Lucas. Ewan ko ba. Pagtapos naming kumain ay nagsabi si Lucas na kung pwede daw ba ay mag usap kami saglit at pumayag naman ako. Doon kami nag usap sa lumang building sa malapit.

"Ano yun? Magpapatulong ka ba sa case?" tanong ko pero nakatitig lang siya. Ewan ko ba kung anong nararamdaman ko pero ba't ganon para akong nasasaktan? May nagawa ba akong mali? Isa pa iba yung tingin at salitaan niya ngayon.

Ano ba talagang nangyayari?

"Elle.. May mahal akong tao pero hindi ko masabi sa kaniya 'tong nararamdaman ko.." aniya at nagbaba ako ng tingin.

"S-Sino ba? Tutulungan kita.."

Tinignan niya ako gamit ang mga mata na puno ng pait. Isa isa ng nagbagsakan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"L-Lucas.."

"Puwede mo ba akong tulungan sayo?" tanong niya at napahikbi na ako.

L-Lucas..

Gusto ko magsorry ng ilang beses hindi dahil sa hindi ko napansin ang nararamdaman niya sa 'kin, kundi hindi ko na 'yon kayang suklian pa. Tuloy tuloy ang pag iyak ko. Nasasaktan ako dahil palagi siyang nandiyan para sa 'kin. Nasasaktan ako dahil ni minsan hindi niya ako iniwan. Nasasaktan ako para sa kaniya.

"L-Lucas.. sorry.."

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Hinaplos niya ang buhok ko at mas hinigpitan ang yakap sa 'kin. Niyakap ko rin siya. Kung mas maaga niyang inamin ang nararamdaman niya malamang ay hindi ganto ang sitwasyom namin ngayon.

Patawad, Lucas..

"Uy, ano ka ba okay lang 'yon.." aniya at mas lalo akong nalungkot. Niyakap ko siya ng mahigpit na akala mo ay mawawala siya sa'kin.

Kung hindi siya dumating ay ikaw ang pipiliin ko, Lucas.

Behind My Shattered SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon