Epilogue

34 3 0
                                    

Nicolas De Guzman Gallagher

"What the fuck dude?!" Bulong ko kay Alex ng guluhin niya ang suot kong suit. Hindi naman ako umepal sa kasal niya pero heto siya ngayon at nambubwisit sa kasal ko.

"Dapat hindi na ikaw ang ginawa kong best man. Pakyu."

Tinawanan niya lang ako pero maya maya ay nagseryoso na siya. Napatitig naman ako sa kaniya. Nandito na kami sa garden.

Maganda at maaliwalas na ang paligid. Puno ng puting bulaklak at maraming bisita. Kumpleto na ang lahat maliban syempre kay Elle dahil maglalakad muna siya sa aisle papunta sa akin. Excited ako at hindi ko maipaliwang ang saya at kaba ko. This is so wonderful.

Napatingin ulit ako kay Rain ng ngumiti siya.

"Best wishes, dude."

Nginitian ko lang siya bago ko ulit itinutok ang tingin ko sa harapan and there nakita ko na rin siya sa wakas.

Kusa na lang tumulo ang mga luha ko. God, mahal na mahal ko talaga siya. Dahan dahan siyang naglakad. Inaalalayan siya ni Queen. Ang ganda ganda niya sa puting gown niya. Nakita kong tumitig siya sa akin at ngumiti ng malaki. Nakita ko din na tumulo ang mga luha sa mukha niya. Parehas pala kaming umiiyak. Siguro sa sobrang saya. Parehas kami ng nararamdaman.

Ngumiti ako at pilit inalala ang mga memories namin. Hindi ko alam na mahuhulog pala ako sa kaniya. Hindi ko alam na ipauubaya siya sa akin ni Lucas. Napangiti ako ng makarating na siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya ng mabuti.

"Please protect my daughter and continue to love her, Nico.."

Tumango ako kay Queen bago ko inilapit ang bibig ko sa tenga niya.

"I love you.."

Ngumiti siya at tumitig din sa akin.

"Mahal na mahal din kita, Nico.."

Nginitian namin ang isa't isa bago dahan dahan na nagtuloy.

--

Elle Harriet Martinez- Gallagher

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

You'd be like Heaven to touch

I wanna hold you so much

Napangiti ako at tumitig sa mata ni Nico. Parehas kaming nakangiti ngayon. Magkadikit ang mga katawan at sumasabay sa ritmo ng kanta na animo ay kami lang dalawa, masyadong lunod sa isa't isa. Nasa reception na kami at halos lahat ng couples ay sumasayaw at ang iba naman ay kumakain at nakangiti lang na nanonood sa amin. Napangiti ulit ako at bumulong sa asawa ko.

"I love you my husband.."

At long last, love has arrived

And I thank God I'm alive

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

"I love you too, Mrs. Gallagher.."

I love you, baby

And if it's quite alright

I need you, baby

To warm the lonely night

I love you, baby

Trust in me when I say

Napangiti kaming dalawa pagtapos ay naupo na ulit. Oras na para magbigay ng message ang mga malalapit naming kaibigan. Unang nagbigay ng message si Rain at Sky. Puro katatawanan lamang but I really appreciate it. Sunod naman ay ang mga highschool friends namin na pinangunahan nila Clarisse, Shin at Ray.

Nasa ibang bansa na sila at umuwi lang sila para sa kasal ko at tuwang tuwa talaga ako. May mga college friends din pero kaunti lang and last ang pinakahihintay ko ay si Jasmine. Ngumiti siya at tumayo. Kinuha ang microphone at tumitig sa amin.

"I'll start on congratulating you two, Best wishes."

Ngumiti naman kami at nagpasalamat.

"Madami ng nangyari sa atin alam niyo naman 'yon. Thankful ako sa friendship natin. I'm so happy na naging sucessful kayong dalawa. Continue your love for each other. Be happy and always remember that we're always here for the both of you. I love you two. Congratulations again. Best wishes."

Hindi ko na napigilan at lumapit na ako sa kaniya at niyakap ko siya. Niyakap niya rin naman ako. I'm just so happy na nabalik ang friendship naming dalawa. Matagal kong hinintay 'yon and this really feel so good.

Natapos ang kasal namin ng maayos, masaya at payapa. Excited si Nico sa honeymoon kaya naman pagtapos ng kasal ay kinabukasan ay lumipad na agad kami papuntang Japan. Hindi lang Japan ang balak naming puntahan. Pupunta pa kami sa South Korea at Paris. May private jet naman kami kaya hindi problema kahit saan kami pumunta.

"Love, wake up.."

Nangunot ang noo ko at dumilat. Nakita ko si Nico na nakangisi sa akin. Namula ako at tinulak siya paalis dahil nakadagan siya sa akin!

"Good morning.."

Ang lambing ng boses niya kaya naman mas lalo pa akong namula. Ginawa ba talaga namin 'yon? What the heck.

"It's cold. Let's cuddle.." Aniya kaya naman mas lalo pa akong namula. I mean hubo't hubad kaya kami. Wala namang masama dahil mag asawa na kami pero wala lang. Kakaiba pa sa akin.

"Masakit ang katawan ko love, Maliligo muna ako.."

Ngumisi naman siya at hinila ako patayo. Hubad ako at hubad din siya. Pinasok niya ako sa loob ng banyo. Nasa hotel kami ngayon at nasa Japan din. Plano namin maya maya na mamasyal.

"N-Nico!"

Napatili ako ng may mainit na tubig na unti unting pumatak sa katawan ko. Shower pala. Pero ang sarap ng mainit na tubig sa katawan nawawala ang sakit na iniinda ko. Tuluyan na sana akong maliligo ng maramdaman ko ang kamay ni Nico na naglilibot sa katawan ko. Agad akong nanghina at naipikit ko ang mga mata ko. Dumilat ako at nakita kong nakangisi na naman siya.

--

Nandito kami sa Nara, Japan. Tapos na kaming maglibot libot sa Tokyo at sa Shibuya kaya naman nandito kami ngayon. Maganda din dito at talaga namang nakakaexcite. Maganda din dito pero talaga namang mas nabighani ako ng Kyoto. Pero lahat naman maganda sa Japan. Masaya ako at dito muna kami pumunta.

Kasalukuyan kaming kumakain habang naglalakad. Kumakain kami ng Kuzu Mochi. Ang Kuzu Mochi ay small rice cakes lang pero sobrang sarap at matagal na talaga sa Nara.

Huminto kami saglit at nagpicture picture. Malamig dito kaya naman grabe ang kakapal ang damit ko. Naka jacket at may scarf pa. Huminto kami at initusan ako ni Nico na pumwesto dahil kukuhanan niya daw ako ng picture dahil maganda yung paligid. Tumango naman ako at sumunod. Itinaas ko ang Kuzu Mochi ko at nagpeace sign. Tawa naman siya ng tawa dahil ang cute cute ko daw.

"Ikaw naman!"

Natawa ako sa pose niya dahil nakanganga siya tapos kunwari kakagatin niya yung Kuzu Mochi niya. Pagtapos non ay naglibot libot pa kami. Nagtry kami ng iba't iba pang street foods at snacks sa Nara like Miwa Somen at Tonkatsu. Nagtry din kami ng mga sikat na restaurants don. Napakasaya lang at syempre nakakabusog.

Bumili ako ng shika senbei. Isang japanese deer crackers na ipapakain namin sa mga deer. Iniwan ko muna si Nico doon dahil tuwang tuwa siya sa mga deers kaya ako na lang bumili ng extra shika senbei. Bibili din siguro ako ng drinks para may maiinom habang naglalakad.

Naglakad ako at lalapit na sana sa tindahan ng may makitang pamilyar na pigura. Nakatalikod siya at hindi ako sigurado pero ramdam na ramdam ko. Hindi ko maintindihan. Tinago niya ang phone niya at naglakad palayo. Hindi ko namalayan na pumatak na ng pumatak ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan. Bakit ba ako umiiyak? Hindi naman sigurado kung siya yon dahil nakatalikod pero bakit ganon? Bakit pakiramdam ko siya yon?

Bakit,

"L-Lucas.."

--

Song used: Can't take my eyes off you by Frankie Valli

Behind My Shattered SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon