Chapter 17: Big help

16 2 0
                                    

"Thank you for reporting this immediately.." Nakangiting pasasalamat ni Lucas.

Nandito kami ngayon sa police station at ni-report namin ni Primo kung ano yung nakita namin. Kinuha rin muna ng mga pulis ang bata upang tanungin ito tungkol nga sa nangyari at iuwi ng maayos sa tirahan nito.

"Hey, you look like a mess. Natutulog ka pa ba?" Tanong ko kay Lucas paglabas namin ng police station. Nauna nang umuwi si Primo. May emergency daw kasi sa kanila kaya hindi niya na ako maihahatid pauwi. Okay lang naman dahil ihahatid daw ako ni Lucas.

"Nope. I have no time to sleep. This kidnapping cases makes me damn crazy." Aniya habang nilalaro laro si Nashie.

Bumuntong hininga ako.

He badly needs a sleep. Gusto ko siya tulungan. Pero paano? Lucas have been good to me all this time. I guess It's time para masuklian ko naman ang mga ginagawa niya sa 'kin.

"I want to help you about that kidnapping case.." Ani ko matapos kong ibalik si Nashie sa kulungan niya.

"W-What? No, Elle. I got this." Tumutol agad siya eh hindi niya nga nakikita 'yang itsura niya. Ang lalaki ng eyebags niya. Para siyang zombie!

"No! I want to help. Please let me help you. Para sa gan'tong paraan masuklian ko naman ang lahat ng mga ginagawa mo sa 'kin." I said at binitbit ko na ang kulungan.

Bumuntong hininga siya. Feeling defeated.

"Alright.. As if mapipigil kita." He said and I chuckled. Well, hindi naman talaga niya ako mapipigil kasi makulit ako. Kukulitin ko lang siya ng kukulitin.

"By the way, pagkahatid mo sa 'kin. Ibibigay ko na yung inutang ko sayo." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Napahinto siya dahil do'n at humarap sa'kin.

"You don't need to.."

Ngumiti na naman ako.

"At bakit hindi? May naipon naman na ako so tanggapin mo na 'yun." Totoo naman na may ipon na ako. Tama lang 'yon para sa kuryente tubig, konting groceries at para sa pag aaral ko. Yung internet kasi si Primo ang nagbabayad. Sabi ko nga kaya pa naman ng budget ko pero ayaw niya. Kaya hindi na lang din ako nagpilit.

"Hayy ang kulit. Alright I will accept it but are you really serious about helping me in that case? Nagtatrabaho ka at nag aaral. Baka madami kang ginagawa at baka mapagod ka." Tanong niya.

Sumakay kami sa kotse at pinaandar niya 'yon pagtapos.

"Oo naman. Hindi naman gaano kahirap ang trabaho ko. Hindi rin naman din ako napapagod ng husto sa  pag aaral dahil wala naman akong sinasalihan na extra activities. Sa apartment naman, nakakapagod maglinis at maghugas pero kahit gano'n tama naman ang tulog ko 'no. May vitamins din kaya for your information para hindi ako maging katulad niyang mukha mo na halatang stress na stress."

Tumawa siya matapos marinig ang mga huling sinabi ko.

"Well, I always forgot to take my vitamins."

I rolled my eyes. Kaya naman pala parang mukhang siyang walang lakas kapag tinitignan. Para ring may sakit na ewan.

"Nakuha mo pang tumawa hudas ka. Uminom ka ng vitamins at magpahinga ka. Baka hinihintay mo pang patulugin kita?"

Humalakhak siya dahil sa mga sinabi ko.

"Yes, please. Patulugin mo 'ko. Pet me." Sabi niya pa sabay ngisi. Nasuklay ko ang buhok ko sa inis dahil sa kapilyuhan niya. Parehas na parehas talaga sila ni Primo.

"Sige. Gusto mo tadyakan kita now na para makatulog ka ng mahimbing?"

Tumawa siya ng malakas pagtapos ko sabihin 'yon.

Pagdating namin sa apartment ko ay hindi naman siya nagtagal. Inabot ko lang sa kaniya yung cash na inipon ko at umalis na rin siya. Pinaalala ko rin bago siya umalis na bumili ng vitamins diyan sa drug store na malapit.

Pagpasok ko sa apartment ay inilapag ko lang saglit si Nashie sa sahig. Nagbihis muna ako bago ako naglinis at naghugas. Kumain din muna ako ng instant noodles habang nagrereview ng kaunti. Pagtapos ay inilabas ko si Nashie sa kulungan at pinakain.

Hindi ko alam kung saan ko patutulugin si Nashie dahil sa tingin ko ay ayaw niya sa kulungan. Malinis naman si Nashie kaya ng nahiga ako sa kama ko at sumunod siya ay do'n ko na lang din siya pinatulog. Napangiti pa ako ng makita kong mas nauna siyang natulog sa 'kin. Pagtapos ko siyang titigan ay nakatulog na rin ako.

--

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Inayos ko muna ang hinigaan ko pagtapos ay dumeretso na ako sa banyo upang maligo. Pagtapos kong magbihis at kunin ang gamit ko ay lumabas na ako upang mag breakfast. Nagulat pa ako ng makitang nakasunod sa 'kin ni Nashie. Napangiti na naman ako sa kacute-tan niya.

Matapos kong lagyan ng gatas ang cereal ko ay nilagyan ko naman ng pagkain ang bowl ni Nashie. Wala siyang sinayang na oras at agad siyang lumapit do'n. Napangiti ako bago ako nagsimulang kumain.

Pagtapos kong kumain ay naglinis lang ako saglit at pagtapos no'n ay nagpaalam na ako kay Nashie. Umalis na ako sa apartment ko at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Hihinto na sana ako upang maghintay ng jeep ng biglang parang nakita ko yung van kagabi!

Hindi ko alam kung anong meron sa 'kin at sinundan ko 'yon. Hindi ko sure kung yun yung van kagabi ngunit nararamdaman ko na ito yung van na nangunguha ng bata.

Mabagal ang pagpapatakbo nung van kaya naman nasusundan ko. Tuluyan ko na sanang susundan ng magulat ako ng may biglang humawak sa braso ko!

Agad akong napalingon at isang babae na batid kong kasing edad ko lang ang nasa harap ko. Mahaba ang kulay orange niyang buhok at naka black long sleeves siya at black jeans. Marami siyang metal na bracelets sa magkabilang niyang palapulsuhan. Bigla siyang ngumisi kaya nakita ko ang pulang pula niyang labi.

"Hi."

Bati niya at mas ngumisi sa 'kin.

Nang gawin niya 'yon ay bigla kong nahugot ang palapulsuhan ko sa kaniya at mahina siyang natawa dahil sa ginawa ko. Anong kailangan niya sa 'kin?

"Sino ka? Anong kailangan mo sa 'kin?" Tanong ko ng makalayo ng kaunti sa kaniya.

Ngumiti siya at sinuklay niya ang buhok niyang kulay orange na mas lalong tumitingkad pag nasinagan ng araw.

"Humahanga talaga kami sa 'yo. Gusto mo ba mahuli ang mga 'yon?" Tanong niya at inginuso niya ang van na nakapark di kalayuan sa 'min. Nanlaki ang mga mata ko dahil sinabi niya at lalo pa akong napaatras. Paano niya nalaman 'yon?

Lumapit siya sa 'kin at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Pinilit kong umatras ngunit hinawakan niya and balikat ko upang matigil ako. Masasabi kong malakas talaga siya.

"I'll text you the address. Bring your friends with you. They are a sort of big help." She said at kinindatan ako. Sobrang bilis ng pangyayari dahil matapos no'n ay hindi ko na siya matagpuan sa paligid ko.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now