Chapter 8: Movie

18 2 0
                                    

"You okay?" tanong sa 'kin ni Lucas at binigyan ako ng tubig. Narito kami ngayon sa unit niya. Kasama namin kanina si Primo pero nauna na kami dito at naiwan si Primo upang kunin ang mga gamit ko. Nanginginig pa rin ako.

Ininom ko yung tubig at saglit na pumikit. Ano nang mangyayari sa'kin?

"Lucas.. Ano nang mangyayari sa 'kin? Saan na ako titira? Wala na si tita at ang mga pinsan ko ay pinadala na sa probinsya. Wala na akong kamag anak. Paano na ako?" Sunod sunod kong sabi habang umiiyak. Ano ba kasi 'tong nangyayari? Para na akong bibigay na ewan.

Bumuntong hininga si Lucas at kinuha ang tubig at ibinalik sa kusina tsaka muling bumalik sa'kin.

"Gusto mo kuhaan kita ng condo?" tanong niya at nanlaki naman ang mata ko.

"G-Grabe naman, okay naman ako kahit sa maliit na apartment lang." Agad naman na umiling siya.

"Hindi ka safe do'n."

Bumuntong hininga siya.

"Baka magalit ang parents mo. Apartment na lang. Hahanap ako ng part time job para ako na ang magbayad sa susunod."

Nanlaki ang mga mata niya at aapila sana ng bumukas ang pinto at iniluwal non si Primo na may dalang malaking bag at may hawak na pagkain. Jollibee pa ata.

"Ang bigat nito Elle! Andami mong gamit!" Ani Primo. Agad kong kinuha 'yon at nagpasalamat. Umupo kami at nagsimulang ng kumain.

--

"Okay na ba talaga 'to Harriet? Masyadong maliit. I can pay." sabi ni Lucas habang tinitignan ang maliit na apartment na tutuluyan ko. Pilit na ngumiti naman ako.

"Okay na 'to. Tsaka hindi ko mababayaran 'to sa susunod kapag masyadong malaki." sabi ko pa at sinuyod ng tingin ang kwarto. Hindi naman masama, okay lang. Ako lang naman ang titira.

"Are you serious sa pagpa-part time job? How about your studies?" tanong niya habang papalabas na kami ng apartment.

"Kaya ko naman siguro 'yon. Basta wag mo papabayaan yung case ni mama. Lintek lang ng kung sino ang gumagawa nito sa 'kin." sabi ko pa habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Bukas siguro maghahanap na ako ng part time job.

"Ako na ang bahala do'n."

Pagsakay namin sa kotse ay umalis na agad kami. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng biglang magsalita siya.

"Gusto mo ba kumain muna?" Tanong niya at tumango naman ako. Huminto naman kami sa isang coffee shop.

"Let's go." aniya at sabay kaming pumasok sa loob ng coffee shop. Dumeretso siya sa counter upang umorder at ako naman ay naghanap ng vacant seats. Habang nililibot ko ang paningin ko ay nagulat ako ng makita ko si Primo. May kausap siyang lalaki na naka-tuxedo at mukhang seryoso sila. Weird.

Lumapit ako sa kanila at nanlaki ang mga mata nila ng lumapit ako.

"E-Elle?" Agad siyang tumayo at nilapitan ako. Tumayo rin yung kausap niya.

"What are you doing here?" Tanong ko dahil niyaya ko siyang sumama sa 'min ni Lucas pero tumanggi siya dahil may pupuntahan nga daw siya.

"Uh, mineet ko yung secretary ni papa. Siya 'yon," sabi niya at itinuro yung lalaki na naka-tuxedo. "May pinapagawa kasi si papa." Sabi niya at tumango naman ako.

"Uh, may pupuntahan ka ba bukas?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Maghahanap ng part time job."

"Samahan kita."

Kumunot ang noo ko. Bakit gano'n hindi siya nangungulit at nagrereklamo?

"Sige. Uh, punta na ako kay Lucas. Ingat ka sa pag uwi." Sabi ko at agad na pinuntahan na si Lucas.

Okay, what was that? Ang weird!

I shook my head at mabilis na nagtungo kay Lucas na ngayon ay nakaupo na at kumakain.

--

"Elle naman, e!" Maktol ni Primo habang hinahatak ako papunta sa sinehan. Seriously?

Nandito kami ngayon sa mall. Tulad nga ng sabi niya ay sinamahan niya ako maghanap ng part time job at nakahanap naman ako. Sa cashier ako sa isang fast food restaurant.

"Elle, sige na please! Isang movie lang, libre ko!" Sabi niya pa at bumuntong hininga na lang ako. Hindi naman ako mananalo sa kaniya, e. Ayoko kasi sanang pumayag dahil andami ko ang aayusin sa bago kong titirahan. Sila ni Lucas ang nagbayad muna at nangako ako na babayaran ko pero tumanggi sila. Pero still babayaran ko si Lucas dahil magagalit ang parents niya at si Primo naman ay okay lang daw talaga dahil nagtatrabaho din daw siya.

"Yehey!" Sabi niya habang hinahanap namin ang seats namin. May hawak siyang popcorn at coke samantalang ako ay fries at cokefloat. Napailing na lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang pinili niyang panoorin at nalaman ko na lang na pang bata! Hays!

Enjoy na enjoy siya na parang bata at bahagyang natatawa pa talaga. Okay naman yung movie kaso sobrang pambata kasi. Ewan ko ba kasi dito kay Primo.

"Ang cute nung movie!" Aniya habang naglalakad kami palabas ng sinehan. Malaki ang ngiti niya. Natawa pa ako ng may maalala ako.

"Oo, sa sobrang cute nung pambatang movie na 'yon ay umiyak ka hahahaha! Para kang ewan!" Paano ba naman kasi ay umiyak siya kanina, eh wala namang nakakaiyak at isa pa pambata 'yon, duh!

Inirapan na lang niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nagutom ata kami do'n sa movie kaya kumain muna kami sa jollibee. Syempre favorite nitong makulit na si Primo. Sabi ko nga i-try namin yung bagong korean resto dahil gusto ko magsamgyup pero ayaw niya.

"Hindi ka ba nagsasawa diyan sa spaghetti?" Tanong ko at itinuro ko yung spaghetti. Umiling siya at mas nilantakan yung spaghetti. Umiling ako at kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya. Parang bata talaga kahit kailan!

Jollihotdog lang ang kinain ko at coke dahil busog pa naman ako. Pagtapos namin kumain ay umalis na din kami kaagad.

"Gusto mo mag grocery muna?" Tanong niya habang naglalakad kami. Do'n ko naalala na wala pala akong kakainin sa apartment ko. Hays ang hirap ng buhay ko tss.

"Wala akong pera pang grocery. Next week pa ako magiistart sa part time job ko." Agad na umiling iling siya.

"It's okay. Tara, grocery na tayo?" Napatanga ako sa harapan niya. Seryoso ba siya?

"Seryoso ka? Kayo na nga ni Lucas ang nagbayad ng apartment ko, e. Tapos tinulungan mo pa ako maghanap ng part time job tapos ngayon bibilhan mo'ko ng grocery? Baka hindi na kita mabayaran niyan ah!" Totoo naman kasi. Baka magalit parents nila. Sabihin binubuhay nila ako. Nako.

"Okay nga lang kasi! Tara na nga!" Sabi niya at tumakbo kami bigla.

Natigil lang kami ng bumangga ako sa isang babae at ngayon ay malawak ang ngisi niya sa harapan ko.

Behind My Shattered SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon