Chapter 49: Hungry

17 2 0
                                    

"Alam mo namang male-late kami, busy pa kasi kami dito. Malapit na yung kasal. So, wait lang."

Natatawa kong sabi kay Sky. Nasa unit ako at inaayos ko ang mga invitation. Busy ako kaya naman ng tumawag si Sky na magkita daw kami ay sinabi kong baka malate ako. Mukha pa akong bruha! Hindi pa ako naliligo dahil busy na busy ako dito sa mga invitation at ang walangyang si Nico ay nag e-ml lang.

"Please make it fast.."

"Oo na, sige. Bye."

"Byeee!"

Bumuntong hininga ako bago ko niligpit na ang mga kalat sa table. Nasa kwarto kami ngayon kaya naman tinapon ko na lang trashcan ang mga kalat sabay kuha ng tuwalya sa may closet. Binalingan ko ng tingin si Nico.

"Baby.." tawag ko dito. Hindi ito lumingon kaagad kaya naman nainis ako at dali dali kong kinuha ang unan na malapit sa akin at binato ko sa kaniya.

Nagulat naman siya.

"Pot-- uy babe!"

Nagulat siya ng may tumama pa ulit sa kaniya.

"Mumurahin mo ko?" hamon ko sa kaniya kaya naman mabilis niyang pinatay ang phone niya at lumapit sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero niyakap niya lang ako.

"Hindi mo na nga ako tinulungan ganito pa ginagawa mo. Pag ako nainis titigil ko na kasal natin, eh."

"Baby, wag naman.. bati na tayo please, tutulong na ako mamaya. Promise!" Malaki ang ngisi niya kaya naman napailing na lang ako. Tinulak ko siya kaya naman napahiga ulit siya sa kama.

"Maligo muna ako, puntahan ko lang si Sky." Ani ko at naglakad na papuntang c.r.

"Why? May pupuntahan kayo?" Tanong niya at tumayo na din. Umiling naman ako.

"Ewan ko. Hindi niya sinabi."

"Sama ako.."

Nagkibit balikat na lang ako bago ako pumasok sa c.r at ilock 'yon.

"Ikaw bahala!"

--

"Bakit antagal mo?" Sigaw ni Sky at hinila agad ako paupo sa couch. Narito kami sa mansion nila. Mansion nilang sarili ni Rain. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit. Namula pa siguro ang mukha ko dahil naramdaman ko na nagdikit ang mga dibdib namin!

"Wait nga lang. Anong problema mo? Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko sabay tulak sa kaniya. Sumimangot naman siya sa ginawa ko. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Parang nag iba ang timpla niya?

"Is it not obvious? Gusto kitang mayakap!" Sigaw niya at niyakap ako ulit. Napanganga na lang ako. Binalingan ko ng tingin si Nico at nakakunot din ang noo niya.

"Sorry guys. Ito oh kain muna kayo." Biglang dumating si Rain. May dala dalang cake at juice. Nilapag niya ito sa center table at nagulat na lang ako ng tantanan ako ni Sky at biglang kunin ang strawberry cake at lantakan 'yon.

"My favorite!" Sabi niya pa habang kumakain. Kumunot ang noo ko bago ko dahan dahan na kunin ang juice at binalingan ng tingin si Rain.

"So, bakit niya ba ako pinapunta dito?" Tanong ko kay Rain pero inilingan niya lang ako.

"I have no idea. Ano bang sabi niya?" tanong niya pa.

"Gusto niya daw ako mayakap?" Matapos kong sabihin 'yon ay bumuntong hininga na lang si Rain bago ako niyaya mag usap. Yung kami lang daw dalawa.

"NO, DITO LANG SI ELLE!"

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Sky. Ang lakas non kaya naman halos mapatalon ako.

"Hindi naman ako aalis. May pag uusapan lang kaming importante.." paliwanag ko pero nagsimula siyang umiyak. What the hell?

"Nico, pakibantayan naman please.." pagtapos sabihin 'yon ni Rain ay hinila na niya ako papuntang kitchen. Naupo ako at tumitig sa kaniya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko sure pero parang b-buntis siya!" Ani Rain kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba 'to?!

"Huh?!"

"I'm not really sure. Sinabihan ko siya na icheck niya pero ayaw niya. Nakakafrustrate!"

Napailing na lang ako bago dahan dahan na tumayo.

"May pregnancy test ka ba diyan?" tanong ko at tumango naman siya kaagad.

"Oo, bumili ako. Balak ko sana tignan kaso ayaw naman niya."

Tumango tango naman ako. Hinila ko palabas ng kusina si Rain at pinakuha sa kaniya yung p.t. Bumalik ako sa sala at hinila patayo si Sky.

"Elle, Namiss kita!" Sigaw niya at niyakap ulit ako. Ngumisi naman ako.

"Really? Well, I miss you too.."

Niyakap yakap niya at nagsumiksik sa akin. Bumalik si Rain at inabot sa akin ang p.t. Hinila ko si Sky patayo.

"Halika, may itatry tayo.."

Nanlaki ang mga mata niya at tumalon talon siya. Nagulat ako kaya naman pinahinto ko siya. Baka mamaya buntis pala talaga siya at baka mapano yung baby. Tss.

"Hala? Totoo ba yan?!"

Tumango tango ako at hinila na siya. Kinindatan ko lang si Nico at Rain bago kami tuluyang umalis.

--

Lumuluhang tinitigan ni Sky ang p.t. Tama nga ang hinala namin ni Rain. Buntis siya. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Congrats! Ninang ako niyan ah.."

Ngumiti siya at niyakap ako pabalik. Umalis na kami sa c.r at bumalik sa may living room. Pinupunasan niya pa ang luha niya habang naglalakad kami. Pagdating namin doon ay nagulat si Rain ng makitang umiiyak si Sky. Napatayo silang dalawa.

"Anong nangyari?"

"Congrats! Magkakababy na kayo!" Malakas na sigaw ko at nagyakap naman kaagad si Rain at Sky. Ngumiti ako at niyakap ko ulit silang dalawa. I'm so happy for them.

"Congrats! Naks, may inaanak na ako!" Ani Nico at niyakap din ang dalawa. Pareparehas kaming lahat na may ngiti sa labi.

"Magpacheck up kana, Sky. Mas makakabuti 'yon para sa baby mo.." Tumango siya at lumapit sa akin at niyakap ulit ako.

Natawa na lang ako.

"Mukhang alam ko na kung kanino mag mamana ang anak namin ah." Biro ni Rain kaya naman napailing na lang ako. Ngumiti ako at tinignan ko silang lahat. I'm so happy. Ang saya saya. Magbibiruan pa sana kami ng bigla na lang lumapit si Sky kay Rain.

"I'm hungry.." Aniya kaya naman natawa kaming lahat. Talaga ngang buntis siya. Kakakain lang gutom na naman. Tss. Nagulat pa ako ng mas lumapit pa ito kay Rain at bigla na lang niya itong halikan. Napaiwas tuloy ako ng tingin!

"I'm hungry and I want my husband."

Behind My Shattered SoulWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu