Chapter 19: Sorry Lucas, Primo

17 2 0
                                    

Pagkasabi no'n ni Lucas ay agad akong tumingin sa bintana ng kotse upang tignan kung anong klaseng lugar iyon. Nagtaka ako ng makitang masukal na gubat ang nasa magkabilang gilid ng kalsada. Natakot ako bigla.

"Where the hell is that? Wala naman akong nakikitang abandunadong bahay or building.." Ani ko at mas tumingin pa ako sa bintana. Swear nakakatakot ang gubat dito. Parang may mga mababangis na hayop na nakatago do'n. Mababangis na kidnapper kamo.

"Medyo malayo pa tayo ng kaunti. Mauna na kayo ni Primo. I'll just get some guns and I'll contact the backups."

Tumango ako at walang ingay na lumabas kami ng kotse. Tinuro sa 'min ni Lucas kung nasa'n 'yon at binilinan kami na huwag lumapit masyado. Binalaan niya rin ako na huwag sumugod.

Bumuntong hininga na lang ako.

Dahan dahan kaming naglakad ni Primo. Palinga linga ako sa paligid sinusubukang hanapin 'yon. Muntik pa akong tumili kundi lang tinakpan ni Primo ang bibig ko gamit ang kamay niya. Paano ba naman kasi bigla niya akong hinila at napatago kami sa likod ng isang malaki at malagong puno.

"Why did you do that?!" Inis na bulong ko kay Primo. Nakaupo ako at nakasandal sa puno. Nasa harap ko siya at palinga linga siya sa paligid pagtapos ay sisilip. Gaya niya ay sumilip na din ako. Nagulat ako ng makitang may isang malaki at nakakatakot na lalaki di kalayuan sa 'min. Nakakatakot ang itsura nito at may dala dalang baril. Napalunok ako.

"We should inform Lucas about this." Dali daling kinuha ni Primo ang phone niya at nagtipa doon. Sumilip ulit ako at napalunok ng makitang wala na ang lalaki do'n. Swear, this ain't good.

Tahimik na luminga linga ako sa paligid. Susuko na sana ako dahil puro puno lang ang nakikita ko ngunit nanlaki ang mga mata ko ng may makitang isang medyo malaki na bahay!

Tama si Lucas. Mukha itong luma at abandunado ngunit kahit gaano kalayo ito sa 'min ay nakikita ko pa rin ang mga lalaking may hawak na baril na palakad lakad malapit do'n. Nasisiguro kong 'yon na ang taguan ng mga kidnappers.

"Come on, Elle. We need to go back."

Sinilip ni Primo kung andun pa yung lalaki. Nang makitang wala ay sinabihan niya akong tumakbo na kami. Tumakbo siya at tumakbo rin ako. Ngunit hindi pa kami nakakalayo ay huminto ako at hinayaan ko siyang tumakbo pabalik. Tinitigan ko ang papalayong bulto ni Primo. Mas nangibabaw sa 'kin ngayon ang kagustuhan na mailigtas ang mga bata. Sorry.

Tumakbo ako pabalik sa pinagtaguan namin kanina at dahan dahan na naglakad patungo doon sa nakita kong bahay. Sorry Lucas, Primo.

Hindi lang talaga kaya ng konsesya ko.

--

Lucas

Napalingon ako ng may marinig. Nakita ko si Primo na hinihingal na lumapit sa 'kin.

"There are lots of armed men everywhere. We really need backups." Aniya at sumandal sa kotse. Hinihingal pa rin.

"As I thought. So, do'n talaga ang hide out nila huh?"

Tumango si Primo. Sandali ko siyang tinitigan bago nangunot ang noo ko.

"Did Elle get inside the car?" Tanong ko dahil hindi ko makita si Elle sa paligid. Nanlaki ang mga mata ni Primo kaya nanlaki na din ang mga mata ko. Shit!

Dali daling tinungo ni Primo ang pintuan ng sasakyan at binuksan 'yon.

"Fuck."

He cursed. Obviously dahil wala si Welle sa loob ng kotse. Kinasa ko ang hawak kong baril.

"Come. Malapit naman na ang backups."

Tumango siya at dali dali kaming tumakbo papunta do'n. Nung una ay nahirapan kami dahil medyo masukal ang gubat at madaming nagbabantay but we managed to get to the freaking hide out.

Luminga linga kami sa paligid. Nang makitang dalawa na lang ang nagbabantay sa likod ng bahay ay binaril ko ang mga 'yon pagtapos ay dali dali kaming tumakbo papunta sa back door na may lumot lumot na.

Napangiwi ako.

"I can hear the crying noises. Dito nga nila tinago yung mga bata." Bulong ni Primo.

Luminga linga ako sa paligid at may nakita akong limang vans. Dito nga talaga ang hide out nila. Luminga pa ako at namataan ko na bumagsak ang isang nagbabantay di kalayuan.

Ngumisi ako. Nandito na ang mga backups.

"Let's go. I already open the door." Bulong ni Primo kaya tumango ako.

Bago pa kami makapasok ay may nagpakita ng armadong lalaki. I shoot him fast kaya naman bumagsak ito agad sa lupa. Pumasok na kami at nilock ko na kaagad ang back door.

Habang naglilibot kami ay napansin ko na may baril ng hawak si Primo. I smirked.

"Where did you get that?"

Ngumisi din siya.

"Diyan lang."

"I'll find Elle and you save the kids." Sabi niya ang mga mata ay nasa daan pa rin.

Ngumisi naman ako.

"Copy."

--

Elle

Sinundan ko ang mga iyak na naririnig ko hanggang sa matagpuan ko ito. Agad kong binuksan ang pintuan at agad ko din nilock. Nagkalat ang mga armadong lalaki sa paligid at nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay pa rin ako.

Paglingon ko ang mga takot na mukha ng mga bata ang bumungad sa 'kin. Mahigit nasa sampu sila at napangiti ako ng makitang maayos ang kalagayan nilang lahat.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila.

"W-Wag kayong matakot. Hindi ko kayo sasaktan. Huwag kayong maingay kasi nagkalat ang mga armadong lalaki sa labas." Bulong ko at medyo kumalma naman sila.

Tinitigan ko pa sila ng mabuti at napangiti ako ng makita ko ang kapatid ni Shin. Natutulog ito at bakas pa sa mukha ang mga luha. Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ko ang ulo niya.

Nagising naman siya kaagad.

"A-Ate?"

Paos ang boses niya at halatang hinang hina. Agad akong nalungkot. Para akong maiiyak ng nalaman ko na ilang araw na silang hindi kumakain o umiinom man lang. Mga walanghiya ang mga dumukot sa kanila. Mga walang puso.

Ngumiti agad ako.

"Wag kang mag alala. Ilalabas kita dito. Ilalabas ko kayong lahat. Sa ngayon, huwag muna tayong mag ingay." Bulong ko at tumango naman si Jiro at niyakap ako. Maayos na sana ang lahat kundi lamang tumunog tunog ang door knob. Gumalaw galaw pa 'yon ng marahas na para bang may pumipilit bumukas no'n. Napapikit na lang ako.

"A-Ate? Natatakot po ako.."

Nagsimula na namang umiyak ang mga bata.

"Shhh.. Wag kayong matakot. Nandito ako.." bulong ko sa kanila.

Maging ako ay natatakot ngunit anong magagawa ko. Sigurado akong wala akong kakayahan na labanan ang mga armadong lalaking 'yon. Napaiyak na lang din ako.

Humihiling na sana hindi mabuksan ng kung sino ang pinto.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now