Chapter 2: Locker

34 2 0
                                    

"Huh? Ma! Okay na po ako. Busog na po ako.." Sabi ko kay mama dahil ibinigay niya sa 'kin ang pagkain na dapat sa kaniya. Ngumiti siya.

"Sige na.. Sayo na lang 'to." Pamimilit niya pa.

Ngumiti ako ng matamis. "Talaga ma? Okay lang?"

Ginulo ni mama ang buhok ko at nakangiting tumango.

"Love you ma! Thank you.." at niyakap namin ang isa't isa.

Tumayo ako sa kama at kumuha ng panyo sa cabinet ko at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makatulog.

Bumuntong hininga ako.

Mama..

Humiga ulit ako sa kama at muling nagisip. Bakit ma? Bakit pa nila ako ginugulo? Hindi ba't dapat mas magtago sila dahil sa ginawa nila sa atin? Pero bakit ganito? Hindi ko maintindihan.

Tinanaw ko ang kwintas na nasa side table ko. Pawn. Siya siguro ang nnagunguna sa lahat ng pawn. Bumangon ako.

Kailangan ko ng sabayan ang kung ano mang laro nila. Hindi pwedeng palaging gan'to. Hindi pwedeng palaging wala akong ginagawa.

Tumayo ako mula sa kama at tumingin ako sa wall clock. One am.

"Sa tingin mo ba ma, mapipigilan nila ako?"

Kumuha ako ng jacket sa cabinet at black cap. Lumabas ako sa kwarto ko at ng makitang tahimik ay dumeretso ako papuntang pintuan at lumabas.

"May jeep pa kayang dumadaan?" mahina kong bulong at halos tumalon ako ng makitang may dumaan. Shit salamat!

Sumakay ako sa jeep at bumaba sa university. Hindi ako pwedeng dumaan sa main gate kaya umikot ako at doon ako dumaan sa pader. Basic lang dahil hindi naman gaano kataas.

Madilim ang paligid. Siniguro ko munang walang dumadaan bago ko binuksan ang flashlight na dala ko at nagtungo sa building namin. Hindi naman ako natatakot dahil siguro sa mga nangyari na rin sa buhay ko. Hindi ako katulad ng mga typical na babae na pag madilim tapos may narinig ay titili. Nah, corny.

Pumunta ako sa locker area at hinanap ang locker ni Kim. Yep, balak ko magimbestiga.

Tila nabuhayan ako ng makitang nakalock pa. Ibig sabihin wala pang pumunta dito upang buksan ito dahil ito parin yung cute na padlock niya na may bear na design.

Umalis ako sa building at naghanap ng bato. Bumalik ako ng may makita na ako.

"Shit, ang hirap!" naiinis na bulong ko. Kanina ko pa kasi hinahampas ang pesteng padlock na 'to pero ayaw pa rin!

Huminga ako ng malalim at bumwelo at malakas na hinampas ang padlock. Napangiti ako ng tuluyan na 'yun na masira.

"Hayy salamat. Masakit na ang kamay ko."

Binuksan ko na ang locker ni Kim at tumambad sa akin ang ilang mga libro. Naghanap hanap pa ako at may nakita akong hikaw. Isang pares.

"Ba't may isang pares ng hikaw dito?" takang tanong ko at tinitigan ang hikaw. Maganda ang design at parang latest lang ginawa. Kumunot ang noo ko.

"Pero wala namang hikaw si Kim ah?" Gulong tanong ko sa sarili dahil bago pagpakamatay si Kim ay kausap ko siya. Wala siyang suot na kung ano mang accesories maliban sa salamin niya sa mata.

Agad kong naitago sa bulsa ng jacket ang hikaw ng biglang may kumalabog. Shit!

Dali dali akong nagtago sa gilid ng locker. Ano yon?

Lalo akong kinabahan ng marinig kong bumukas at sumara ang locker. No, baka mahuli ako!

Natakpan ko ang bibig ko dahil sa kaba. Yung guard ba yun? Tae ka Elle ang ingay kasi ng pagpukpok mo dun sa padlock! I'm so stupid!

"Damn it. Bakit bukas 'to?!" Shit, boses ng lalaki!

Nanatili akong hindi nag iingay. Ilang minuto pa ata siyang naghanap doon hanggang sa wala na akong marinig. Umalis na kaya siya?

Tatayo na sana ako upang sumilip ng mapatili ako ng may humigit sa akin palabas sa pinagtataguan ko!

Oh my god!

"Who are you?! What are you doing here?!"

Nagpumiglas ako sa lalaking hawak hawak ang braso ko. Matangkad siya kesa sakin at naka black hoodie siya. Huh akala niya matatakot ako sa kaniya? Hindi siya nakakatakot. I mean hindi siya mukhang tambay lang sa kanto.

Sinipa ko siya dahilan para mabitiwan niya ako. Thank god at nag aral ako ng karate kahit papaano. But dude, mukhang mas malakas din siya!

"Excuse me? Student ako dito! eh ikaw? student ka ba? Nah, I bet not. Mukha kang magnanakaw!" Sigaw ko sa mukha niya. Akala niya papatalo ako sa kaniya. No, kahit babae ako hindi ko siya uurungan.

Nanlaki ang mga mata nito at ngumisi. Oh no, I don't like the way he smirk. He's gorgeous but hell no! Baka mamaya patayin ako nito!

"I'm also a student here." Liar! Kung nag aaral siya dito bakit hindi ko siya nakikita?

"Not good at pretending. Papaano ka magiging estudyante dito eh hindi kita nakikita!"

Tumawa siya. Damn myself for secretly praising his laugh. It's so damn sexy as heck! Pero naaah! Hindi ko siya kilala at baka kung anong gawin nito sa kin. I need to get my senses back!

"Basta. Student din ako dito." Kumunot ang noo ko. This is nonsense! Kailangan ko ng umalis dito at tigilan ang pakikipagusap sa lalaking ito.

Like what the fudge Elle?! really? porket gwapo kahit estranghero kakausapin mo talaga? ugh. I need to get out of here. Wala namang laman ang locker ni Kim. So better get myself out here bago pa may dumating na guards.

"Alam mo? do what you want here! Aalis na ako!" at naglakad na ako paalis. Narinig ko pa ang tawa nito at pagsabi ng 'Nice to meet you' pero wala na akong pake. Inaantok na ako.

For now, feel ko ay meron kinalaman ang hikaw na yun. Kailangan ko muna mas alamin kung ano ang nangyayari at motibo nila. Kailangan hindi ako magpadalos dalos sa mga gagawin ko kase kung hindi, I'm doomed.

Paglabas ko ng university ay mabilis akong naghanap ng masasakyan at umuwi sa bahay.

--

Pagpasok ko sa university kinabukasan ay may mga pulis pa rin na naglalakad lakad sa paligid. Pagpasok ko sa room as usual pabagsak kong inilagay ang bag ko sa upuan at umupo. Wala namang bago, I guess?

Naalala ko tuloy yung lalaki na nakita ko kahapon. Student daw. Nek nek niya! Siguro detective lang din yun pero masyado naman siyang bata. Hindi din pwedeng magnanakaw dahil ang gwapo niya--Oh shit Elle leche gurl paglalandi pa talaga ang iniisip?!

"Elle!"Lumingon ako kay Clarisse. Lumapit siya sa akin at umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.

"May holy mass daw para kay Kim mamaya. Kailangan daw natin pumunta lahat." Tumango na lang ako. Masyado akong maraming iniisip. Lalo na tungkol kay Kim.

Umayos na kami ng upo ng makitang pumasok na ang first subject teacher namin.

"Hello sa inyo. Sabihin ko lang na may mass mamaya para kay Kim. Umattend kayong lahat at nga pala may bago kayong classmate."

What the fudge? Bakit palaging may transferee? Anong meron?

"Quiet guys at magpapakilala na siya. Okay, you may come in."

Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko sa harapan namin. Freaking heck! No way!

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now