Chapter 24: Weak

14 2 0
                                    

"HALA!"

Dali dali akong lumapit kay Primo matapos kong makita ang phone niya na may kaunting basag. Lumapit ako sa kaniya at nagtaka ako ng makitang nakatayo lang siya at walang ginagawa. Nakatingin lang siya sa 'kin.

Napailing ako at inagaw ko mula sa kamay niya ang phone at sinuri ko 'yon. Narinig ko ang mahinag tawa ni Lia pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon sa phone ang atensyon ko.

"Sayang naman.."Ani ko matapos makita na talagang may basag 'yon.

Ang ganda kasi nung phone! I-phone! Tapos eto lang pala ang mangyayari! Grabe! Nag angat ako ng tingin at nakita ko na nakatingin pa rin si Primo sa 'kin.

Nginusuan ko siya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Tinawag lang naman kita ah, hindi naman nakakagulat 'yon ba't mo ba nabitiwan 'tong phone mo eh sayang ang ganda ganda--ah!"

Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niya akong buhatin! Muntik ko pang mabitiwan yung phone!

"Primo, ano ba! Sa'n mo ba ako dadalhin?! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko talaga pero para siyang walang naririnig at tuloy tuloy na pumasok ulit sa mansion.

"Shut up." Aniya at napapikit na lang ako sa inis. Eh kung sapakin ko kaya siya?! Pag may nakakita lang sa 'min dito! Argh!

"Pag may nakakita sa 'tin lagot ka sa 'kin."

"My cousins already left. Si Lia na lang ang nandito because she have some stuffs to do."

Pinasok niya ako ulit sa kwarto niya at inupo sa gilid ng kama. Galit na tinignan ko siya ng magsimula na siyang maghalungkay sa dresser niya. Ano ba 'tong pinaggagagawa niya?

"Ba't ba ako nandito?! Gusto ko na magswimming!"

Nilingon niya ako at binigyan ng nakakatakot na tingin. Nanahimik na lang tuloy ako at nag iwas ng tingin. Ba't ba nagiging ganiyan na naman siya?! Parang hindi siya si Primo na makulit natatakot tuloy ako.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya ng marinig kong isara niya ang cabinet niya at maglakad papalapit sa 'kin. Napanguso na lang ako.

"Here. Wear this." Aniya at inabot sa 'kin ang isang malaking t-shirt! Kulay white 'yon at sa tingin ko hanggang sa legs ko 'yon.

"Bakit kailangan magsusuot pa ako nito? Okay naman ako dito sa--"

"Paghindi mo sinuot 'yan hindi kita bibigyan ng pagkain."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano?! Okay naman talaga ako dito sa pinasuot ni Lia, eh!"

Nag roll eyes lang siya.

"Fine, pero hindi talaga kita bibigyan ng pagkain."

Gusto ko sapakin si Primo! Ba't ba? Ano bang problema niya?! Nakakainis! Ang ganda pa naman nitong bigay ni Lia.

"Ewan ko sa' yo." Sabi ko sabay suot nung t-shirt. Tama nga ang laki laki sa 'kin. Ngumisi siya matapos kong suotin yung t-shirt.

"Well, ewan ko din diyan sa two piece mo." Aniya at hinila na ako pababa.

Bumusangot lang ako habang pababa kami. Gusto kong sapakin si Primo pero wag na, baka di niya ako bigyan ng pagkain. Hinatid niya lang ako ulit sa swimming pool pagtapos ay umalis na rin. Magdadala na daw siya ng pagkain.

"Oh, wow." Ani Lia matapos makita ako.

Nakaupo na siya at tahimik na umiinom ng red wine. Napailing na lang ako. Ano kaya ang problema ni Primo? Iniisip lang siguro non na baka lamigin ako. Tama. Lumapit na lang ako kay Lia.

"Pwede na ba ako lumusong?" Tanong ko at tumango naman siya.

"The pool is yours!"

Napailing na lang ako bago tumalon ng pool. Muntik pa akong mapatili dahil medyo malamig yung tubig pero okay naman pala dahil sa una lang malamig. Lumangoy lang ako ng lumangoy. Tuwang tuwa ako dahil nakakarefresh ang tubig.

Natigil lang ako sa paglangoy ng biglang dumating si Primo dala dala ang madaming pagkain! Wow! Dali dali tuloy akong napaahon sa pool at pinanood ang mga maid na ayusin. Pagtapos nila ay naglalaway na ako kaya pinakain na ako ni Primo.

"Ang sarap nito!" Ani ko at kumagat sa fried chicken na hawak ko.

May nakita pa akong barbeque kaya kumuha rin ako at tumikim. Andami ko pang tinikman. Cake, ice cream, pasta at iba pa! As in ang dami! Grabe! Kumuha ako ng hard drink at umupo sa gilid ng pool pagtapos kong kumain. Wala na si Lia at lumalangoy naman si Primo. Ininom ko 'yon at napapikit ako sa sobrang pait! Hindi ako sanay pero ewan ko at gusto kong uminom ngayon. Ngayon lang naman. Hindi naman ako umiinom talaga.

"You done?" Tanong ni Primo at umahon din sa pool.

Kumuha rin siya ng hard drink at umupo sa tabi ko. Great parehas ata kaming malalasing! Joke ako lang ata. Uminom pa ako sa mula sa baso ko at kinawag ko ang paa kong nakalubog sa tubig. Ang lamig na.

"Kuha mo pa nga ako, Primo." Sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Ginawa mo ng tubig 'tong alak ah?"

Tumawa lang ako. Anlaki kase ng baso ko pero wala siyang pake. Bumalik siya dala na niya yung bote. Nagsalin pa ako at uminom ng uminom.

Tae ka Elle harriet alak 'yan hindi tubig!

"Mag hunos dili ka, oy." Ani Primo pero tumawa lang ako ng malakas.

Hala legit lasing na ata ako! Nako!

Si Primo naman yung tumawa.

"Lasing ka na ata eh? Wala 'to guys mahina pa." Aniya at bigla akong bumusangot ng may maalala.

"Kung mahina ako edi sana ako kalaro mo buong maghapon sa ML. Hindi si Clarisse."

Kumunot ang noo niya matapos kong sabihin 'yon pero ngumiti rin siya.

"Wag kana nga uminom." Aniya at akmang aalisin yung baso pero hinampas ko siya na nakapagpatigil sa kaniya. Uh-oh! Malakas ata palo ko pero wala akong pake!

"Ba't mo ba iniiba yung usapan?! Ba't di mo na lang sabihin na gusto mo si Clarisse?! Ha?!" Sigaw ko pero wala talaga akong pake! Mabuti nga 'yon para malaman nila kung gaano ako kasupport dito kay Primo at Clarisse.

Humalakhak siya at tinakip niya ang palad niya sa mukha niya.

"You're so red. You look funny."

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak sa pool! Napatili ako sa lamig ng tubig! Napatili rin ata ako dahil medyo nahimasmasan ako.

"What the--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang umahon sa harap ko si Primo at mabilis na halikan ako sa magkabilang pisngi!

Agad akong nag iwas ng tingin! Narinig ko ang tawa niya bago ang pag ahon niya sa pool. Feeling ko nanghihina na ang mga tuhod ko at hindi ko na kaya pang umahon. Buti na lang bumalik si Primo at binuhat ako bago balutin ng tuwalya.

Nag init ang pisngi ko.

"Inaantok kana?" Tanong niya dahil siguro kapansin pansin na ang panghihina at panginginig ko.

Umiling na lang siya at binuhat ulit ako papasok ng mansion. Makakatulog na sana ako pero isang salita ang nagpagising sa 'kin.

Narinig ko ang bulong ni Primo.

"Weak."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now