Chapter 28: Nicolas

18 3 0
                                    

"What's this? Do you have any idea?"

Umiling ako kay Lucas. Wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin ng sulat na nakita ko sa science lab. Wala rin akong ideya kung sino ang sumulat no'n at kung para sa 'kin nga ba talaga 'yon.

"How can you be so sure na para sa 'yo 'to?"

Tinignan ulit ni Lucas 'yon at tinitigan. Nandito kami sa unit niya. Medyo masaya ako dahil okay na kami. Wala na yung ilangan.

"H-Hindi ko din alam pero natatakot ako, Lucas. Natatakot ako.."

Dati hindi naman ako ganito. Madami na siya o sila o kung sino man ang nagpapadala sa 'kin ng mga misteryo pero hindi pa rin ako natatakot. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot no'n. May kung anong meron ang sulat na 'yon at ang mga pangyayari ngayon na nagpapakaba sa 'kin. Ano na kayang balak nila? Isusunod na kaya nila ako sa hukay ni mama?

"Hey, wag kang matakot. Nandito kami. Wait. Ita-try ko i-decode. Diyan ka lang. Padating naman na si Primo. I'm sure mabilis lang ako."

Tumango ako at umalis na muna siya. Naiwan akong magisa sa sala. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit pumapasok sa isip ko palagi si mama simula nung makita ko yung sulat sa science lab. Hindi na siya mawala sa isip ko. Ano na ang gagawin ko?

"Yuhoo!"

Nagulat ako ng biglang may magsalita. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Primo. May dalang paper bags.

"Wow, tulala."

Sinamaan ko siya ng tingin at inagaw na lang sa kaniya yung paper bags. Dahil medyo gutom na ako, 'medyo' lang ay nilabas ko na yung mga pagkain at drinks.

Napanguso pa ako ng makitang jollibee 'yon.

"Where's Lucas? May usapan kami, ah."

Napatigil ako sa pagbubukas ng spaghetti. Ano daw? May usapan sila? Ba't parang wala silang nabanggit sa 'kin?

"Anong usapan?"

"ML."

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Itong lalaking 'to! Wala ng ibang ginawa kundi mag-ML! Minsan nga hindi na siya kumain para lang mag ML eh!

"May ginagawa siya. Akin na yung phone mo."

Nagugulat niya akong tinignan. Oh, eh bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Akin na."

Pagkasabi ko ay bigla siyang napatayo mula sa pagkakaupo namin sa couch.

"Bakit ko kailangan ibigay phone ko sa 'yo? Girlfriend ba kita?"

Agad niyang tinago sa bulsa ng pantalon niya yung phone. Napataas naman ang kilay ko.

"Oo, hindi mo 'ko girlfriend at kahit kailan hinding hindi yun mangyayari!" Sigaw ko at pagtapos ay umupo na ulit ako sa couch at pinagpatuloy ang pagbukas sa mga pagkain.

"Joke lang!" Bawi niya bigla at inilagay ang phone niya sa tabi ko pagtapos ay ngumiti ng malaki.

Inirapan ko siya.

"Oh, eto na yung spaghetti mo."

Inilahad ko sa kaniya ang spaghetti at tinanggap naman niya.

"Thanks, mwah."

Napailing na lang ako at kinuha yung burger at binuksan. Kumagat na ako dahil g na g na ako. Tae kasi si Primo, bago talaga kumain kailangan asarin muna ako. Nakakagutom lang.

"Antagal mo naman kumain. Kaya ampayat mo, eh."

Napatingin ako sa kaniya at nagulat ako ng makita kong ubos na niya agad yung spaghetti niya.

"Ambilis mo kumain!" Sigaw ko at nginisian niya lang ako.

"Basic lang."

Napailing na lang ako bago kumagat ulit sa burger ko. Sana all kain ng kain pero hindi tumataba. Pero feeling ko may gym sa mansion nila 'tong si Primo, eh. Kakagat pa sana sa burger ko si Primo ng biglang may tumawag sa kaniya. Nagpaalam muna siya na sasagutin niya dahil mama niya pala ang tumatawag.

"Elle!"

Napalingon ako kay Lucas na naglalakad papunta sa 'kin.

"Oh? Kain ka dito dali!"

Umupo siya sa tabi ko at ipinakita ang isang papel. Sumeryoso na ako. Mukha kasing nadecode na niya.

"So, makikita mo dito na ang nakasulat ay Sulfur, Lanthanum, Oxygen, Carbon at Nickel. Ang kinalabasan ng abbreviations ng mga chemical substances na 'to ay 'slaocni' pero syempre wala namang word na ganon so triny ko na unahin ang nickel pataas imbis na sulfur pababa and guess what I get? pangalan ng tao. pangalan ng lalaki to be exact."

Nanlaki ang mga mata ko.

"T-Talaga? Anong pangalan?" Tanong ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Mababaliw na yata ako.

"So, tulad nga ng sinabi ko kanina hindi ko na inuna ang sulfur. Nickel na ang inuna ko pataas. Nickel, Carbon, Oxygen, Lanthanum at sulfur na at ang kinalabasan ng mga abbreviations ng mga chemical substances na 'yan ay Ni-C-O-La-S."

Nicolas?

"Nicolas? Pero wala akong kilalang Nicolas."

Sure akong wala akong kilalang Nicolas. Sino kaya ang taong 'yun? Di kaya siya ang pumatay ng teacher do'n sa lab?

"So, wala kang kilalang 'Nicolas'?"

Umiling ako. Wala talaga. Ba't ganon? So kung wala akong kilalang 'Nicolas' malamang hindi para sa 'kin 'yun. Pero ang weird! Kinakabahan pa rin ako!

"So, hindi para sa 'kin 'yan?"

"Maybe. Hindi pa natin alam. Don't worry iimbestigahan ko. Sa ngayon mag-ingat ka na lang muna. It's too dangerous."

Napatango ako. Bakit gano'n? Pinipilit ko na hindi para sa 'kin ang code na 'yon pero mas lalo lang lumalala ang takot ko. Sino kaya ang Nicolas na 'yun?

--

"Primo, alam mo ang panget mo."

Hindi pa rin tumigil si Primo bagkus ay tinuloy niya ang pagduling at paglabas niya ng dila sa harap ko. Hindi ko alam kung anong trip niya. Trip na naman ata bwisiten ako.

"Hoy, Primo ba't mo ba inaasar si Elle. Naiistress na 'yan, oh."

"Pinapasaya ko nga Clarisse. Palaging tulala, eh."

Ngumiwi ako. Pinapasaya?

"Pwes hindi ako sumasaya diyan sa ginagawa mo. Mukha kang unggoy!"

Tumawa ng malakas si Clarisse. Nagpout naman si Primo.

"Bad ka!"

Parang gusto kong masuka sa pagkakasabi ni Primo ng 'bad ka'! Ginawa niyang pambaby yung boses niya! Ew!

"Hoy, Primo kinikilabutan ako diyan sa mga pa-cute cute mo!"

Sumimangot si Primo at natawa naman si Clarisse. Napailing na lang ako. Aayusin ko na sana ang mga gamit ko dahil baka dumating na ang teacher namin ng biglang tumawag sa 'kin si Lucas. Tumayo ako at lumabas ng room para sagutin 'yon.

"Hello?"

"Elle, I have a good news!"

Kumunot ang noo ko. Bigay todo kasi ang pagkakasabi niya. Parang super good nung news na sasabihin niya sa 'kin.

"Ano 'yun?"

"I found something. May kaibigan ang mama mo at gusto niyang makipagusap sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata ko.

"T-Totoo ba 'yan?"

"Yes. Actually nakausap ko na siya."

Napangiti ako ng malaki. Totoo ba 'to?!

"Gusto ko siya makausap." Determinado kong sabi. Malaki ang ngiti ko at para akong maiiyak.

Finally mama. Makukuha ko na ang katarungan na matagal ng inalis sa 'yo. sa 'tin.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now