Chapter 35: Forever

21 2 0
                                    

"Nicolas."

Napa-ayos ako ng upo ng tawagan ako ni Queen Sun. Kasalukuyan ko pang minamanmanan ang isang sikat na senator na kalaban ni Queen. Bakit napatawag siya?

"Yes, Queen?" tanong ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa matandang senator na mukhang hayok na hayok. By the way, narito ako sa isang exlusive bar. Hindi ako umiinom dahil syempre may kailangan akong gawin at bawal dito ang delight.

"Finish, that. May ipapagawa ako sa 'yong bago."

Bumuntong hininga naman ako.

"Copy."

Ibinaba ko ang tawag at napangisi ng pumunta sa banyo ang matanda. Hilong hilo na ang tanga kaya naman pagpasok ay suka na ng suka sa loob ng cubicle. Meron siyang limang goons sa labas pero si Rain na bahala sa mga 'yon.

"You postponed many shipments on our ends so I guess we need our refund?"

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Napahalakhak tuloy ako ng makitang parang nahimasmasan siya. Hmm, ambilis ah?

"Miss me?"

"Gago ka, Gallagh--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla ko na siyang barilin. Tsk. Ang ingay. Chill na lumabas ako ng banyo pagtapos nun. Wala ng makakatrace sa 'kin dahil hack na lahat ng cctv sa bar. Piece of cake lang naman. Mabilis na pinaharurot ko ang kotse ko pauwi sa mansion kung sa'n ako nagtatrabaho. Habang nagmamaneho ay chill lang akong umiinom sa delight na nasa harap ko.

--

"Student?!"

Nagsitawanan ang mga kasama ko ng sabihin ni Queen kung ano ang bago kong gagawin. Halos maidura ko ang iniinom kong alak ng marinig ko kung anong gagawin ko! Tae. Hindi pa naman ako lasing pero ba't ganon?!

"I want you to keep your eyes on her."

Sisiw lang naman pala. Babantayan ko lang yung tinatagong anak ni Queen tapos magbibigay ako ng clue na tungkol kay Queen para kung saka sakali ay marealize niya si Queen at maging mas madali na ang lahat para sa kanilang dalawa.

"Pucha pre, mukha ka kasing bata kaya ikaw ang pinili diyan! Delight pa more!" Sigaw ni Rain at tumawa ng malakas.

"Agree." Ani rin ni Sky pagtapos ay tumawa din.

Kumunot ang noo ko. Ang eepal talaga ng mga 'to.

"Anong connect nun? Pinili ako kasi baby face ako!" Proud kong sabi at tinungga ang natitirang alak sa bote. Tumawa naman sila.

"Tanga, mukha kang grade one."

Tumikhim si Queen kaya naman natahimik na kaming lahat.

"I chose Nicolas because he's good. Kailangan kong masiguro na ligtas ang anak ko bago ako magpakita. Marami lang talaga akong kailangan pang ayusin at trabahuin tungkol sa organisasyon."

Tumango kami. Hindi naman mahirap yun. Babantayan ko lang naman. Ano kayang itsura niya? Cute kaya?

Napatingin ako kay Rain ng magsalita ulit siya.

"Nice one, may instant jowa na ang Nico natin! Sana all!"

Napailing na lang ako. Ni hindi ko nga alam kung magiging ka-close ko yun dahil baka masungit rin katulad ng mama niya. Natawa na lang ako sa mga pinagiiisip ko.

"Excuse me? Student ako dito! eh ikaw? student ka ba? Nah, I bet not. Mukha kang magnanakaw!"

Natawa ako sa pagsusungit niya. Mana nga siya sa mama niya. Napakasungit pero cute. Hindi naman siya mahirap bantayan dahil hindi naman siya katulad ng iba na palaalis tsaka mabait din naman siya. Masungit nga lang at pikon kaya nag eenjoy akong asarin siya.

"Oo, sa sobrang cute nung pambatang movie na 'yon ay umiyak ka hahahaha! Para kang ewan!"

Hanep din siya eh. Hindi siya papatalo sa mga pangangasar ko pero natutuwa ako dahil hindi rin siya papatalo sa kakulitan ko. Natutuwa ako dahil pinapatulan niya mga pag aaya ko kahit parang walang kwenta. Natutuwa ako dahil kahit papaano napapasaya at napapatawa ko siya.

"I'm sorry we're late.."

Kinabahan ako dahil akala ko mapapahamak na siya nung sandaling 'yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari sa kaniya. Hindi ko naman siya mailayo dahil parang nakatanim na sa buong pagkatao niya na mainvolve sa mga ganon pero nag aalala ako. Dahil pakiramdam ko hindi ko na 'to ginagawa dahil lang sa trabaho. Alam kong mas malalim pa do'n.

"Wala naman. Kamukha mo kasi 'tong duck hahaha!"

Sus, kamukha ko daw yung duck? Selos lang siya, eh. Hindi naman niya kailangan mag alala. Siya na nga lang ata iniisip ko buong magdamag.

"Lucas told you not to go here alone right? But look at what you do. You're so stubborn!"

Naiinis ako sa kaniya. Pinapahamak niya talaga yung sarili niya, eh. Gusto ko siyang pitikin ng maraming beses para magtino pero alam ko naman na hindi ko siya mababago. Yun nga yung nagustuhan ko sa kaniya, mas iniisip niya yung iba kesa sa sarili niya.

"Ewan ko sa' yo."

Napailing na lang ako. Hindi ko kayang makita siya na naka-swim suit nako baka kung anong magawa ko sa kaniya. Aba'y ewan ko na lang din kung ano magawa ko sa kaniya pero syempre joke lang.

"Ba't mo ba iniiba yung usupan?! Ba't di mo na lang sabihin na gusto mo si Clarisse?! Ha?!"

Napahalakhak ako. Grabe ang pagka honest ng isang 'to paglasing. Tss. Kala mo naman inaagawan siya ni Clarisse. Suskopo, chill lang dapat siya wala naman akong kawala sa kaniya, eh. Sa kaniya na umiikot ang mundo ko.

"I love you, Elle. I'm glad ako ang in-assign para magbantay sa 'yo. I'm grateful na nakilala kita. Thank you because you changed me. A lot."

Hindi 'yan scam. Mahal na mahal ko si Elle. Akala ko nung una hindi kami magkakasundo pero mali ako, tae. Hindi siya mahirap mahalin. Even yung kaibigan niyang si Lucas ay alam kong may pagtingin din sa kaniya. Iba kasi siya. Nagpapasalamat ako dahil madami siyang tinuro sa 'king mga bagay bagay. Madami siyang pinarealize sa 'kin. Tinanggap niya ako sa kung sino ako kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko siya. Na hindi ako nag back out na bantayan siya kasi sobrang worth it. Masarap alalahanin yung mga sandali na kasama ko siya. Simula nung una naming pagkikita.

"Mahal din kita pero hindi pa tayo ah. Kaltukan kita diyan!"

Natawa ako. Hindi naman akong nagmamadali na makuha ang sagot niya.

"Hintay ka lang. Malapit na kitang sagutin."

Tumawa ulit ako.

"Talagang binibida mo 'yan e 'no? Ganda mo! Sana all na lang!"

Binelatan naman niya ako.

"Syempre, ako na 'to pre? Ayaw mo pa?!"

Napangiti naman ako.

Hindi ako magsasawang bantayan ka. Dahil hindi na lang 'to trabaho. Pangako na 'to na kahit kailan hindi mababasag. I will stay by your side forever. Tandaan mo 'yan.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now