Chapter 29: You didn't know?

21 2 0
                                    

"Excited na 'ko.."

Tumalon talon ako sa harap ng salamin dito sa kwarto ko. Excited na akong makita at makilala ang kaibigan ni mama. Hindi ko kilala ang mga kaibigan ni mama pero alam kong may mga kaibigan siya. Natupad na ang dalangin ko. Mabibigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng mama ko.

"Ano kayang magandang suotin?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa cabinet ko. Wala akong maisip na maisuot pero kailangan ko ng magbihis dahil baka malate ako. Makipagkita kay Mrs. Lorraine. Sabi ni Lucas 'yun daw ang pangalan ng kaibigan ng mama ko.

"Hindi ko alam kung anong susuotin ko!"

Nakakafrustate. Wala naman kasi akong alam sa fashion kaya naman sa huli ay simpleng kulay green na dress na lang ang sinuot ko. Light green lang ang color nun at hanggang tuhod. May manggas kase hindi ako sanay ng sleeveless.

"Okay naman na siguro 'to diba?"

Ngumiti ako sa harap ng salamin. Okay naman. Kinakabahan lang siguro ako sa hindi malamang dahilan. Naglagay lang ako light make up at nilugay ko lang ang buhok ko. Ngumiti ako sa salamin pero ilang segundo lang ay kinakabahan na naman ako.

"A-Ang saya ko.. Sana masaya ka rin mama."

Umiling ako bago inayos na ang gamit ko. Inayos ko din muna ang mga gamit dito sa apartment dahil medyo madami pang time bago ang meet up namin. Pinatulog ko rin muna si Nashie.

"You ready? Nandito na ako sa labas."

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko. Kausap ko si Lucas sa phone.

"Oo, wait. Palabas na 'ko!"

Lumabas ako at nakita ko siya pati ang kotse niya.

"Let's go?"

Kinindatan niya ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay bago sumakay sa kotse niya.

"Ba't parang ang aga mo? May lakad ka?"

Ngumisi siya ng hindi tumitingin sa 'kin. Nagseat belt naman ako.

"Yeah. May date ako."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Wow, sana all.

"Weh?"

Tumawa siya at pinaandar ang kotse. Nagpatugtog naman ako para chill vibes lang.

"Yeah. Bakit? Bawal?"

Ako naman ang tumawa.

"Naka-move on kana sa 'kin? Wow, ambilis ah!"

"Yes. Actually akala ko hindi ako makakapagmove on agad but yeah I became interested and then pumayag siya na magdate kami. That's it."

Tinignan ko siya. Sino kaya ang crush niya? Mas maganda kaya sa 'kin? Joke. Gusto ko lang naman na maayos din ang mahanap niya so hindi siya masaktan. After all, he's my bestfriend.

"Di ako naniniwala. Sige nga, sino 'yan?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Do I look like I'm lying?"

"Aba malay! Kaya nga sino nga?"

Konting kulit na lang sure akong bibigay na din 'to! Kilala ko 'to, eh!

"Jasmine."

Pagkasabi niya nun ay nangunot ang noo ko. Sinong Jasmine?

"Sinong jasmine?"

"Jasmine Castillo."

Nanlaki ang mga mata ko! Di nga?!

"What the? As in?!"

Behind My Shattered SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon