Chapter 39: Leads

18 2 0
                                    

"Ma'am, I'm sorry po kung nagpilit pa po si Violet na sumama sa inyo." Umiling lang si mama pagtapos ay ngumiti. Nginitian ko din si Orange.

"Okay lang orange, she's so adorable. Bakit nga pala siya nando'n?" Tanong ko pagtapos kong pisilin ang pisngi ni Violet. She's so cute! Gusto ko din ng kapatid na katulad niya.

"Nando'n po kasi ako kahapon. Gusto niya magpaiwan do'n kaya pumayag na lang ako. May ibang tao naman do'n na magbabantay sa kaniya at babalik naman po ako."

Tumango ako at pinisil ulit ang pisngi ni Violet.

"Pwede dun muna siya sa unit ko?"

Nagulat si Orange sa tanong ko at agad na umiling.

"Makulit 'yan baka kung ano anong pakielaman do'n.."

Ngumiti lang ako at binuhat na si Violet.

"Don't worry. Babantayan ko siya, promise."

Wala ng nagawa si Mama at si Orange kaya naman dalawa kami ni Violet na umuwi sa unit ko or unit namin ni Nico? Wew. Tuwang tuwa si Violet ng magdrive thru kami sa mcdo ng pagkain. Sabi niya favorite niya daw ang ice cream kaya naman binilhan ko siya.

"T-Thank you.."

Napangiti ako. Napaka-cute niya talaga! Patalon talon pa siya habang naglalakad kami papunta sa mismong unit ko. Hawak hawak niya yung ice cream kaya naman medyo balisa ako dahil chinecheck ko siya. Baka mamaya mahulog yung ice cream.

"Careful.." sabi ko habang tinatype ko ang pin ko. Nang bumukas ang pinto ay pumasok na kami. Agad siyang naupo sa couch kaya naman hinaplos ko ang buhok niya.

"Dito ka muna ah? Magbibihis lang ako tapos kakain tayo."

Nakangiting tumango naman siya habang kumakain ng ice cream. Iniwan ko muna yung pagkain sa kitchen island tapos ay dumeretso ako sa kwarto ko para magbihis. Naghahanap pa lang ako ng damit ay nagulat ako ng may sumigaw.

"HALA BAT NANDITO KA LET LET?! NAMISS KITA!"

Minadali ko ang pagbibihis dahil kilala ko kung sino ang sumigaw. Nico the great. Lumabas ako at nakita ko siyang pinipisil ang pisngi ni Violet. Kunwaring kinakagat niya pa ang kamay ni Violet. Tawa naman ng tawa naman ang bata.

"Uy," bati ko kay Nico pagtapos ay dumeretso ako sa kitchen island para i-ready yung pagkain. Medyo nagugutom na rin kasi ako.

"Bakit nandito si let let? Did Orange leave?" Tanong ni Nico at tinulungan na din ako sa paghahanda.

Umiling naman ako.

"Trip ko lang isama."

Tumango tango siya at pagtapos namin ihanda ang pagkain ay tinawag ko na si Violet para kumain din. Mas natuwa pa ako dahil ang lakas niyang kumain.

"This is delicious. Try this, Let."

Inilapit ni Nico ang kutsara na may spaghetti sa bibig ni Violet at agad naman 'yong kinain ni Violet. Napangiti ako.

"Mwaah.."

Binigyan ni Violet si Nico ng flying kiss. Nakangiting hinalikan naman ni Nico ang noo ni Violet.

"Love you.."

Nakakatuwa silang panoorin. Para silang mag ama. Ang sweet sweet nila. Pagtapos naming kumain ay naisipan naming manood ng netflix. Pero syempre hindi naman manonood si Violet dahil sure akong iba ang gusto niya. So nilabas ko ang phone ko at ipinagamit ko sa kaniya. Tuwang tuwa siya habang naglalaro ng games.

"Mwah!"

Nagulat ako dahil bigla akong hinalikan ni Violet sa pisngi. Nanonood kasi kami ni Nico ng netflix habang siya ay nasa gilid at naglalaro lang.

"Ako din!"

Sa una akala ko ay nanghihingi din nanghalik si Nico ay Violet pero nagulat ako ng halikan niya ako sa labi!

"May bata!"

Tumawa lang siya at nagulat ako dahil tumawa rin si Violet. Maya maya pa ay dumating si Orange at sinundo na si Violet.

--

"I like that idea!"

Excited na excited si Jasmine ng marinig ang pag aaya ko sa kanila sa resort ko. Nandito kami sa isang korean restaurant. Si Jasmine, Lucas at Nico pa lang ang kasama ko. Wala pa si Rain at Sky dahil may inaasikaso pa daw sila.

"That's good. We should take a break from studies. Right, hon?"

Nagulat ako ng hard ng marinig ang endearment ni Lucas. Nakatingin siya kay Jasmine!

"Hoy anong hon?! Kayo na?"

Natatawang tumango naman si Lucas at dahan dahan naman ang tango ni Jasmine. Wowers, wala akong kaalam alam! Mga kaibigan ko ba talaga 'to?

"Kaibigan ko ba talaga kayo? Ba't di kayo nagsasabi?!" Bumuntong hininga si Jasmine at tumawa lang si Lucas.

"Actually, kanina ko lang siya sinagot.."

Napa-'oh' naman ako bago tumango ng tumango.

"Wow! Congrats sa inyo!"

Ngumiti lang sila sa 'kin.

"Sana all sinasagot."

Sinamaan ko ng tingin si Nico ng marinig ko ang sinabi niya. Aba, Demanding! Eh parang wala pang two months na nanliligaw.

"Mag order na nga muna kayo!" Sigaw ko kaya naman wala silang nagawa kundi mag order.

"You should give your sweet 'yes' to Nico. It's clear naman that he loves you.." Ani Jasmine kaya naman ngumiti ako. Alam ko naman 'yon at mahal ko rin siya.

"Naghahanap lang ako ng chance."

Kumunot ang noo niya.

"For what?"

Nagkibit balikat naman ako.

"Di ko din alam." Nag isip siya saglit bago ngumiti ulit ng malaki.

"Oh, I know! You want that scene to be romantic and sweet so naghahanap ka pa ng chance? Am I right?"

Tumango tango naman ako.

"Baka nga." Halos mapatili siya kaya naman gulat ko siyang tinignan.

"Bakit?"

"You should give him your 'yes' on our vacation! That will be so perfect and romantic!"

Napaisip din ako dahil mukhang okay nga yung idea ni Jasmine.

"Hala, oo nga 'no? Ano sa tingin mo?" Tanong ko. Medyo kinikilig na ako ngayon pa lang!

"That will be so perfect! A beach, stars, waves and a cold wind! So romantic!"

Napatango tango naman ako. Baka nga yun na yung time. Inimagine ko saglit at tama nga si Jas. Sobrang romantic nga. Maya maya pa ay dumating na sila Nico kasama yung mga inorder na pagkain. Dumating na din si Sky at Rain.

"Uh Sky, I'm sorry sa nangyari nung birthday ko.."

Tumingin si Sky sa 'kin at ngumiti.

"No, I'm the one who need to apologize. I'm sorry. I ruined your party.."

Nanlaki ang mga mata ko at dahan dahan akong umiling.

"Hindi naman! Nga pala, okay na ba kayo?" Ngumiti siya at dahan dahan na tumango.

"We're okay now. It's sucks na matagal na pala naming tinatago ang feelings namin para sa isa't isa.."

Ngumiti ako naman ako.

"I guess you two realize it already?" Tanong naman ni Jas kaya naman tumango si Sky.

"We put an end on our pride and let our love leads." Ngumiti ako at ngumiti din si Sky.

"Kayo na ba?"

Umiling si Rain at hinawakan ang kamay ni Sky. Nagtitigan silang dalawa.

"Liligawan ko muna. Ipapakita ko sa kaniya na mas kaya ko pa siyang mahalin kesa sa ipinakita at ipinaramdam ko sa kaniya dati."

Behind My Shattered SoulTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang