Chapter 43: No Caption

12 2 0
                                    

"Gonna miss this place!" Sigaw ni Jasmine habang hatak hatak ang maleta niya. Napatingin din ako sa paligid at ngumiti. Agree, mami-miss ko din ang lugar na ito.

"It's sad but we have to leave this place. We have left so much work." Tumango ako. Tama si Sky, kailangan na naming bumalik dahil maraming naghihintay na gagawin. Sana lang hindi marami.

"Hey.."

Napatingin ako sa likod ko at agad kong niyakap si Nico ng makita siya.

"Why?" Tanong niya. Confused kung bakit ko siya niyakap eh magkasama lang naman kami kanina. Nagkibit balikat lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Namula naman kaagad siya.

"Wala lang hehe, tara na!"

Umiling lang siya bago kami naglakad papunta sa kotse. Pagkarating namin do'n ay nando'n na si Sky at Rain. Nagbabangayan na naman.

"Move your bag. Hindi magkasya 'tong akin!" Sigaw ni Sky.

"Anong imu-move ko eh wala na nga ring space dito?"

Mukha namang napupuyos na sa galit si Sky kaya naman tumakbo ako agad papunta sa kanila at inakay palayo si Sky.

"Ako na lang bahala sa gamit mo hehehe." Sabi ko kay Sky. Tumango na lang siya at pumwesto na sa likod. Malayo kay Rain.

"Ba't nandiyan ka?" Nagugulat na tanong ni rain. Si Jas at Lucas kase ang nasa likod kaninang papunta.

"Sabi mo walang space diyan? Edi dito na lang ako. Palit muna kami ni Lucas." Ani Sky.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Dito ka."

Seryoso na si Rain pero hindi nagpatinag si Sky. Napaface palm na lang ako.

"Wag na."

"One."

Biglang tumayo si Rain sa pwesto niya at binuhat si Sky paalis sa likuran. Dinala niya si Sky sa pwesto nila pero hindi niya ito pinaupo sa gilid kundi sa gitna ng mga hita niya. Kyaah! Ako ang namula sa ginawa ni Rain kaya naman hinatak ko muna paalis do'n si Nico.

"Bakit?" Tanong sa 'kin ni Nico paghatak ko sa kaniya sa di kaluyan. Tapos naman na niya ilagay yung mga bags at maleta namin kaya nahatak ko siya.

"Mag uusap yung dalawa. Hayaan muna natin."

Tumango siya at tumitig lang sa 'kin. Nailang naman tuloy ako kaya naman inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nagkunwaring may hinahanap.

"Nasa'n sila Jas?" Tanong ko with fake cough pa. Awkward na awkward na kasi ako. Ang titig niya kasi sa 'kin ay sobrang intense lang.

"Probably on a souvenir shop."

Dahan dahan naman akong tumango. Awkward talaga. Kunwaring inayos ayos ko na lang ang buhok ko dahil mahangin din naman. Nagulat ako ng kunin ni Nico ang kamay ko na nasa ulo ko at dahan dahan na ilapit sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ngumiti siya ng makita ang singsing. Inilapit niya ang kamay niya na may singsing at pinagintertwine ang mga daliri namin. Nag init naman ang pisngi ko.

"Baby.."

Nagulat ako ng tawagin niya ako no'n. Sobrang init na yata ng pisngi ko!

"E-Eh?"

Mas nagulat pa ako ng ilapit niya ang mukha niya sa 'kin at halikan ako sa noo.  Dahan dahan ring lumapit ang kamay niya sa gilid ng ulo ko at nalaman ko na lang na clinip niya ang ilang hibla ng buhok ko.

"Ang ganda naman.." Ani ko habang tinitignan ang clip gamit ang phone ko.

"Like it?"

"Yeah. Thank you.."

Muntik pa akong mapatalon ng biglang may sumigaw sa likod ko!

"Anong ginagawa niyo dito? Pumasok na tayo sa car."

Tumatawa si Lucas at Jasmine pagharap namin sa kanila. Ang dami nilang hawak na souvenirs. Pumunta na nga kami sa kotse at sumakay. Tumaas ang kilay ko ng makita ko si Sky na nakascarf na at namumula. Anyare?

"Ba't nakascarf kana? Di naman malamig ah.."

Umiwas lang siya ng tingin. Ngumisi lang ako at sumakay na sa shot gun seat. Sumakay na din si Nico sa driver's seat.

"Okay na ba ang lahat?" Tanong ni Nico. Tumango naman sila kaya nagsimula na kaming umandar. Nakangiti ako habang tahimik na nagkakalikot sa phone. Tahimik na din ang iba. Nakangiti kong pinost sa instagram ang picture namin ni Nico. Yung sa date namin 'yon. Ang mga palad namin ay nasa mukha namin nakatakip. Pinapakita lang yung singsing. Walang caption 'yon pero ang daming naglike at comment. I giggled at mukha namang napansin yun ni Nico.

"Why?" Tanong niya ang mga mata ay nasa daan. Ngumiti na lang ako.

"I love you, Nico.."

Kumunot ang noo niya na mas nakapagpatawa sa 'kin. Ang cute niya shems!

"You're weird." Ngumiti lang ako at pinisil ang pisngi niya. Tinignan niya ako saglit bago siya nagsalita.

"I love you too."

--

"Ano bibilhin mo?" Tanong sa 'kin ni Jas. Nasa 7-11 kami ngayon sa tabi ng isang gasoline station. Nagpa-gas lang saglit kaya naman bumili na din kami. Naiwan si Lucas at Nico sa kotse. Nasa rest room naman sila Sky at Rain at kami ni Jas ay nandito sa 7-11. Syempre, food is life.

"Hotdog." Sabi ko habang nasa tapat kami ng mga hotdogs.

"Alin diyan? Yung tender juicy ba?"

"Yung kay Nico."

Nanlaki ang mga mata ni Jas at bigla akong pinagpapapalo!

"Uy,.joke lang! Ang sensitive mo naman!"

Sumimangot lang siya at bumili na kami. Paglabas namin ay dideretso pa sana kami sa c.r ng makarinig kami ng putok ng baril! Agad kaming dumapa ni Jas. Ang lakas ng tibok ng puso ko!

"Umalis na kayo diyan!"

Narinig kong sigaw ni Lucas. Mabilis na tumayo ako at tumakbo. Hatak hatak ko si Jas. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang putok ng mga baril pero alam kong ako ang target dahil palapit ito ng palapit sa 'kin! Malapit na kami sa kotse ng bigla na lang akong matamaan sa balikat! Napaupo ako.

"Elle!" Sigaw ni jas lalapit na sana sa 'kin at ng makarinig na naman ay bigla na ring napaupo.

Inilibot ako ang tingin ko at nakita ko ang isang lalaki sa di kalayuan. Naka maskara ang buong mukha niya kaya hindi ko siya makita. Lumalabo na rin ang paningin ko at ang sakit sakit na ng balikat ko. Nagulat ako ng nakatutok na sa akin ang baril. Pumikit ako at padilat ng mga mata ko ay nakita ko si Lucas na nakatayo sa harapan ko. May dugo sa bandang tiyan niya! Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko ng bigla na lang siyang bumagsak sa harapan ko!

"LUCAS!" Sumigaw si Jasmine at dali daling lumapit kay Lucas. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Patuloy lang ako sa pag iyak.

"Fuck!"

Nakita kong mabilis na lumapit si Rain kay Lucas at binuhat ito papasok sa loob ng kotse. Napatingin ako sa malayo at nakita ko ang lalaki na nakahandusay na sa lupa. Nagulat ako ng bigla na lang akong lumutang. Binuhat pala ako ni Nico.

"Shit."

Mabilis na isinakay ako ni Nico at tinalian ng tela ang balikat ko. Wala akong maramdaman. Naninikip ang dibdib ko. Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa mabilis na umandar ang kotse papunta sa kung saan.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now