Chapter 27: Science Lab

14 3 0
                                    

"Oy guys! Mamaya daw punta tayo sa science lab. Dalhin niyo na yung mga materials na pinadadala kahapon ah."

Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga din. Hindi naman sa ayaw ko sa science pero mukha na naman kasing boring ang ipapagawa ng teacher namin. Buti pa sa P.E nag archery kami! Ang saya ko haha.

"Hoy, may dala kang baking soda?"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko na naman ang magaling kong kaibigan. Mukhang kulang pa si gaga sa materials at ingredients. Lagot lang talaga siya dahil malaki ang demerit pag kulang ka sa mga pinadadala.

"Oo, meron ako. Wala ka? Lagot ka! Di ako mamimigay kase konti lang dala ko."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at inayos na ang mga gamit ko. Medyo malapit na kami pumunta sa science lab.

"Elle naman, eh! Please konti lang!"

Umiling ako ng umiling bago kinuha ang mga gamit na kailangan para mamaya. Niloloko ko lang naman siya pero mukhang iiyak na agad. Tss.

"Konti nga lang dala ko, eh. Pa'no 'yon?"

Ngumuso siya at parang handa ng magwalkout ng biglang sumulpot si Primo sa harapan namin at may dalang dalawang paper bags.

"Wag kang iiyak Clarisse. Ampanget mo kapag umiiyak. Eto, oh."

Ani Primo at inabot sa kaniya ang isang paper bag. Dali dali namang kinuha 'yon ni Clarisse at tinignan ang laman.

"Hala, grabe naman Primo andami nito! Sana all mayaman by the way thank you!"

Ngumisi lang si Primo.

"You're not welcome."

Napailing na lang si Clarisse bago bumalik sa upuan niya. Ako naman ay naupo muna. Still inaayos ko ang mga gamit na dadalhin ko.

"Here.."

Inilapag ni Primo sa table ko ang isang paper bag. Napangiwi na lang ako. Anong akala niya sa 'kin walang pambili ng baking soda?

"Marami akong dalang baking soda."

Nakita kong tumawa siya. Lakas talaga ng saltik niya 'no?

"Open it first."

Nakasimangot kong tinigilan ang pag-aayos at tinignan ang laman ng paper bag. Napaawang ang bibig ko ng makitang may mcdo sa loob! Coke, burger, fries at ice cream! Nakabalot pa kaya alam kong sa mcdo binili ang mga 'yon.

"Ba't mo 'ko binibigyan ng mcdo?" takang tanong ko.

Hindi naman kasi ako nagpabili. Iniiwasan ko magbili bili ngayon kase ang dami kong gastusin. Papatanggal ko na nga netflix sa apartment, eh. Naloloka ako sa daming bayarin.

"Wala lang."

Tignan mo 'tong lalaking 'to nakakaloka rin mga sagutan. This past few days kapag binibilhan niya ako ng snacks or kung ano ano at itinatanong ko kung bakit ay ang sagot niya ay 'wala lang', 'trip ko lang', 'masama ba?' Nakakaloka.

"Eh kung hampasin kita at sabihin ko din na 'wala lang'?"

Tumawa siya at mas lalo akong nainis. Para kasing tanga. Tinatanong ng maayos tapos tatawa.

"Do you really want to know?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Malamang. Wag mo na kasi akong bilhan ng snacks. Palagi naman akong busog."

Tumawa siya ng malakas.

"So you thought I buy you snacks because you're hungry?"

Kumunot ang noo ko.

"Eh ano bang gagawin sa snacks? diba kakainin? Malamang kakainin kase gutom."

He rolled his eyes. May mali ba sa mga sinasabi ko? Ba't parang sa inaakto niya parang antanga tanga ko?

"So hindi ka aware?"

Tumaas ang isang kilay ko.

"Aware?"

Ano ba 'tong pinaguusapan namin. Ang gulo!

"Na nililigawan kita." Bulong lang 'yon pero napatayo kaagad ako!

"ANO?"

Tumawa siya at sinenyasan ako na hinaan ang boses ko. Pero paano ko hihinaan ang boses ko?! Kung ano anong sinasabi niya!

"Tara, date tayo."

Halos masabunutan ko na ang buhok ko sa mga pinagsasasabi niya. Naloloka talaga ako!

"Isa primo ah! Pag di ka tumigil isasalpak ko sa bibig mo 'tong fries! Lahat! Pati yung burger!"

Tumawa lang siya at hinila ako ulit paupo bago inilapit ang bibig niya sa tenga ko. Nag init ang mga pisngi ko.

"Sshh. Nandiyan na yung teacher."

Nagulat ako sa binulong niya kaya automatic akong napaayos ng upo at lumayo sa kaniya. Walanghiya talaga. Bahala siya. Feeling ko pinagti-tripan niya lang naman ako.

"Class tara na. Punta na tayo sa science lab!"

Tumayo na kami at kinuha ang mga gamit. Lumapit naman sa 'kin si Clarisse pagtapos ay naglakad na kami papunta sa lab. Nasa likod lang namin si Primo. Chill lang siya habang nilalaro laro ang buhok ko sa likod.

"Ano ba Primo? Tatadyakan kita diyan."

Narinig kong tumawa si Clarisse at tinusok tusok ang tagiliran ko. Inambahan ko naman siya ng suntok.

"Kayo ha? Bilib din naman ako sa inyo! Wala parin kayong label?"

Nagulat ako sa sinabi ni Clarisse. At bakit naman kase kami magkaka-label ni Primo? Ano kami delata?

"Manifesting."

Sinamaan ko ng tingin agad si Primo! Nagkibit balikat lang siya at nag-iwas ng tingin.

"Tagal naman. Obvious naman na gusto niyo ang isa't isa ih! Yieee!" Mahinang sinabunutan ko si Clarisse.

"Landi landi mo talaga!"

"Oh, eh bakit ba? Kung ako lang may chance na maging kalandian niyan ni Primo aba e go na diba? hahaha!"

Inirapan ko lang siya. Syempre wala siyang chance kase ako yung binigyan che!

Nagtigil na din kami sa pag-aasaran at mabilis na naglakad na lang papunta sa lab. Andaldal kasi ni Clarisse kaya ayan mukhang may chance kaming malate! Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng makita ko si Jasmine.

"Jasmine!"

Agad naman siyang lumingon at ngumiti. Pawis na pawis siya. Galing siguro sa P.E class.

"H-Hey!"

Yun lang ang sinabi niya at agad na siyang umalis. Nagtaka ako ngunit hindi ko na lang siya hinabol. Baka kasi nagmamadali din siya. Nagtuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makararing sa lab.

"Ma'am, matagal pa po ba 'yan?" Tanong ng isa kong classmate. Paano kasi ay na-stuck kami dito sa labas dahil nalock ang pinto ng lab at hindi mabuksan ng teacher namin.

"Wait lang, class. Ayaw pumasok ng susi. Hindi ko din alam kung bakit pero sure naman akong ito yung susi ng lab."

Ilang minuto pang sinubukan ng teacher namin pero ayaw talaga kaya naman pinatawag na namin ang janitor para buksan at sa wakas ay nabuksan na din. Pumasok muna ang teacher namin at nagulat na lang kami ng makarinig kami ng malakas na sigaw!

"MA'AM LIS!"

Dali dali kaming nagsipasukan at halos masuka ako ng makita ang isang teacher na puno ng saksak! Bubog ang gamit! Puno ng bubog ang katawan. Pati ang ulo. Halos bumaha na rin ng dugo kaya nagsipagtilian ang mga kaklase ko at dali daling lumabas. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko na magulo na ang lab. Puro basag na ang gamit. Dahan dahang nilapitan ko ang isang lamesa at nagulat ng may makitang papel. Dali dali ko 'yong kinuha at binasa.

Sulfur
Lanthanum
Oxygen
Carbon
Nickel

Nanlamig ako sa nakita at nabasa ko. Ano na naman kaya ang ibig sabihin nito?

Behind My Shattered SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon