Chapter 31: Mother

17 2 0
                                    

"Kumain ka pa ng marami."

Tila naglaway ako ng ihain sa harap ko ang napakaraming pagkain. Napalunok tuloy ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon.

"What the fuck, Sky? That's too much for her!" Sigaw ni Rain. Hindi ko alam kung 'yon talaga ang pangalan niya pero tingin ko ay hindi iyon ang totoo niyang pangalan.

"She's sick! She needs more energy!"

Awkward na ngumiti ako sa harap nila. Nandito kami sa dining hall ng mansion nila Primo. Kami lang tatlo ang nandito maliban sa mga guards. Umalis si Primo kasama ang tatlo pang lalaki. Yung mga pinsan niya pero ewan ko kung pinsan niya talaga.

"Okay na sa 'kin 'to, Lia."

Bumuntong hininga siya at lumayo. Sinabunutan niya agad si Rain pagkalapit niya. Napangiti na lang ako at dahan dahan na kumain. Masakit pa kasi ang mga kamay ko. May bakas pa din ng lubid na pinangtali pati sa mga paa ko.

"Uhm, are you really okay na?" Tanong pa ulit ni Lia. Napangisi ako ng makita kong tinatangkang akbayan siya ni Rain pero inaalis niya lang ang kamay ni Rain. Napakalakas na babae niya.

Napailing na lang ako.

"Okay na ako ano ka ba. Uh, Lia pwede magtanong?"

Humigop muna ako sa soup na kinakain ko. Ang sarap magluto ni Lia. Para siyang exclusive chef!

"Go on. What the fuck, Rain?" Sigaw ni Lia. Pa'no ba naman kasi kinurot ni Rain ang pisngi niya. Tinulak niya na 'to paalis para makapag usap kaming dalawa.

"Bakit dito na ako titira? At bakit ambait niyo sa 'kin? Alam ko naman na hindi mo 'ko sasagutin pero please pakalmahin mo ako. Natatakot ako sa mga nalalaman ko.."

Bumuntong hininga si Lia pero hilaw na ngumiti din pagtapos.

"Dahil responsibilidad ka namin. Promise me, Elle na sana sa mga malalaman mo pa ay maging matatag ka. Sana wag mo 'kong kamuhian. Wag mo kaming kamuhian. We'll explain and please listen to us."

Dahan dahan niya kong niyakap. Napaiyak na naman ako. Hindi ko pa kaya malaman ang mga susunod. Pwede bang mag stay na lang ang lahat sa gan'to? Pakiramdam ko sobra sobra na yung mga nalaman ko.

I'm seeking for the truth right? But why it looks like the truth itself is the one who's seeking me?

--

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pagtapos kong kumain kanina ay nakatulog ulit ako dahil sa pagod. Dahan dahan akong umupo at halos mapatalon ako ng makitang may nanonood sa 'kin. Isang matandang babae. Nakaupo siya sa couch at deretsong nakatitig sa 'kin.

Kinabahan ako.

"S-Sino po kayo?" Tanong ko.

Hindi naman nakakatakot ang itsura niya pero hindi ko malaman kung bakit kinakabahan ako. Hindi ko namalayan na sobrang higpit na pala ng hawak ko sa kumot.

"You're so beautiful. Inalagaan ka niya ng mabuti."

Napakunot ang noo ko sa mga narinig ko.

"A-Ano po? Hindi ko po kayo maintindihan.."

Ngumiti siya at parang may naalala akong pamilyar. Hindi ko lang alam kung ano.

"Hindi mo ba ako naaalala?" tanong niya na mas nagpakunot ng noo ko.

"H-Hindi ko po kayo kilala--"

"Mall. Nabangga mo 'ko nun sa mall."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Siya ba talaga 'yun?! Pero anong ginagawa niya dito?

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now