Chapter 14: Death threats

12 2 0
                                    

"Hoy, bakla! Tayo kana diyan. Malapit na matapos yung break oh!" Kinalabit ako ng kinalabit ni Ray ngunit nanatili akong nakadukdok dito sa lamesa sa cafeteria. Masama ang pakiramdam ko ngayon or should I say na sumama lang bigla dahil sa tanawin na nakikita ko simula pa kaninang umaga.

"Wuhooo victory na naman! Salamat Primo!" Rinig kong sigaw ni Clarisse na katapat ko lang. Kanina pa sila naglalaro ng ML at naiinis na ako sa hindi malamang dahilan.

Mabilis na tumayo ako mula sa pagkakadukdok ko sa lamesa at mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria. Naririnig ko pa ang mga tawag nila sa 'kin ngunit hindi ko na 'yon pinansin. Naiirita ako! Ano bang problema ko kung maglaro ng isang buong araw si Primo at Clarisse ha?! Leche this.

Pumasok ako sa loob ng classroom namin at do'n dumukdok. Salamat naman at wala pa ang susunod na magtuturo sa 'min dahil kung hindi demerits na naman pag late.

Pumasok na ata sila dahil narinig ko ang mga yabag nila papunta sa table ko. Naramdaman ko na may humaplos sa buhok ko at napag alaman ko na si Clarisse 'yon.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

Umalis ako sa pagkakadukdok ko at tumango na lang sa kaniya. Sinabihan niya lang ako na pumunta sa clinic na tinanggihan ko naman agad at pagtapos no'n ay dumating na si Sir Reyes. Ang prof namin. Umalis na si Clarisse at nagturo naman na si Sir.

"Elle, pahiram naman ng ballpen." Bulong sa 'kin ni Primo. Walang imik na kinuha ko ang extra ko na ballpen sa bag at ibinigay 'yon sa kaniya pagtapos ay nakinig na lang din ako kay sir at nagtake down ng notes.

"Elle, okay ka lang ba?" Bulong niya pa ulit at tumango na lang ako. Ayoko makipagusap sa 'yo! Nakakainis ka!

Tumahimik na lang siya at natapos na ang isang subject namin. Nakita kong lumabas si Clarisse kasama ang isa pa naming classmate. Tahimik na umupo na lang ako sa upuan ko ng lumapit si Primo.

"Elle, nakita mo si Clarisse?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya. Bakit niya hinahanap si Clarisse? Shit bakit ganito ang nararamdaman ko? Kanina naiinis ako ngayon naman sobrang lungkot ko na. Ano ba 'to!

"Hindi." Sagot ko at tumango naman siya at mabilis na lumabas para hanapin siguro si Clarisse. Mabilis na tumayo ako at lumabas. Tumakbo ako ng tumakbo. Hanggang sa mapunta ako sa building ng mga junior high school. Umupo ako sandali sa isa sa mga bench do'n at tumingala sa langit. Ang ganda..

Natigil ako sa pagtingin ng langit ng may marinig akong sigaw. Napatingin ako sa likod ko at nagulat ako ng makitang malapit pala ako sa locker area nila. Lumapit pa ako do'n at nakita ko na kung sino yung sumigaw. Nakabukas ang locker niya at may hawak siyang papel. Kitang kita sa mukha niya ang takot at pagkabalisa.

"Uh, okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Kami lang naman ang tao dito so for sure alam niyang siya ang kinakausap ko. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa 'kin at umiyak ng umiyak. Okay, what the hell is happening?

"Tulungan mo 'ko. May gustong pumatay sa 'kin! Please!" Sabi niya at tuloy tuloy pa rin siya sa pag iyak. Bumuntong hininga ako at dahan dahan siyang pinakalma. Kinuha ko ang papel sa kaniya at tinignan. Oo nga death threats nga. May mga red marks pa ito sa gilid ngunit nasisiguro ko na hindi 'to dugo. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Hi. I'm Elle Harriet. Can I check your locker?" Tanong ko sa kaniya. She looks so nervous. Siguro hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng ganito at takot na takot siya.

"Jessy na lang. S-Salamat po.." Sabi niya at napangiti naman ako. Lumapit na ako sa locker niya at chineck 'yon. Wala namang kakaiba at kahina hinala. Maliban na lang sa madami ngang death threats.

"May alam ka bang tao na may galit sa 'yo? I mean sobrang galit?" Tanong ko at tumango naman siya. Pumayag siya na puntahan namin. Pagpunta namin do'n ay itinuro niya ang isang babae na naglalaro ng badminton. Mukha ngang mataray ang babae. Katulad ng sabi niya.

"Alice ang pangalan niya. Dati ko siyang best friend pero hindi na dahil nag away kami sa lalaki at sobra ang galit niya sa 'kin. Siya lang ang alam ko na pwedeng gumawa nito dahil alam niya ang pin ng locker ko at hindi ko pa 'yon binabago."

Napatango naman agad ako. Mas lumapit pa kami kay Alice para mas makita ko siya. Nasa kalagitnaan ako ng pagtingin kay Alice ng biglang may dumating. Dalawang babae.

"Ah Ate Elle, best friend ko nga pala si Sheena at kapatid ko si Jona." Pagpapakilala niya sa mga dumating. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Sino siya Jessy? Ba't kasama mo siya?" Tanong nung Sheena.

"Ah, tinutulungan niya ako para malaman kung sino yung nagpapadala ng death threats sa 'kin."

Tinitigan ko lang sila habang naguusap sila.

"Mukha namang hindi mapagkakatiwalaan 'yan. Hayaan mo na at magreport na lang tayo sa police station." Sabi ni Sheena at napataas naman ang kilay ko.

"Hayaan mo na Sheena. Nga pala may nagpadala na naman sa 'kin kasi kaya wala na akong choice." Sabi ni Jessy kaya naman parang mas nagalit si Sheena.

"Ano?! Walanghiya talaga 'yang Alice na 'yan tara sugurin na natin!" At biglang tumakbo papalapit si Sheena kay Alice na umiinom ng tubig.

Nanlaki ang mga mata namin.

"Nako, Ate awatin mo si Ate Sheena baka mapagalitan tayo!" Sabi ni Jona kaya dali dali kaming nagtungo kay Sheena na ngayon ay sinisigawan na si Alice.

"Walang hiya ka bakit mo ba 'to ginagawa kay Jessy! Umamin ka na kasi na ikaw ang nagpapadala sa kaniya ng death threats!" Sigaw ni Sheena kay Alice at tumawa naman si Alice.

"Bakit ako aamin kung wala naman akong ginagawa? Ikaw kailan ka kaya titigil sa pagiging ilusyonada mo sa 'kin?" Ani Alice.

Oh shit baka magsabunutan pa 'tong dalawa na 'to dito! Lagot kami!

"Ate, baka may dumaan na teachers lagot tayo." Sabi ni Jona kaya naman hinila ko na palayo si Sheena kay Alice.

"Stop. Wag na kayo magsigawan. Alam ko naman na kung sino ang nagpapadala ng death threats kay Jessy." Sabi ko na nagpatigil sa kanilang lahat.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now