Chapter 3: Help

37 2 0
                                    

No freaking way! My mind doesn't agree of the thinking that this is the guy I met last night but my freaking eyes saw it clearly.

Siya talaga yung lalaki kagabi!

Napangiwi ako ng makita ko na naman ang ngisi nito. Agad din itong ngumiti na parang artista. Revealing his signature smile, argh.

"Hi. My name is Primo Nashton Gallagher. Hope I can be friends with you all!"

Napairap na lang ako ng magtilian ang mga kaklase kong babae. Nagulat pa ako ng kasama si Clarisse. Seriously? Pero hindi ko nga naman sila masisisi. Gwapo din kasi ang isang 'to. Yun lang ay kung hindi talaga siya magnanakaw.

"Umupo kana sa tabi ni Ms. Martinez. Yung bakante dun sa dulo."

Naglakad papunta sa direksyon ko si Primo. Nagulat ito ng mamukhaan ako pero agad ding ngumisi. Huh, what a bastard. Umupo ito sa tabi ko at nakangising hinarap ako.

"Sabi ko sa 'yo student ako dito eh." bulong niya at pagtapos ay tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Ugh, masyadong feeling close 'tong mokong na 'to!

"Whatever." sabi ko at hindi na lang siya pinansin. Seriously, hindi bagay ang itsura niya sa ikinikilos niya. Ang itsura niya ay naghuhumiyaw na isa siyang silent type na lalaki. Pero I bet not, andaldal niya at makulit.

"Sungit. By the way, what's your name?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Huh, balak pa ata akong isali nito sa listahan niya ng mga babae na puwede gamit-gamitin at paglaruan.

"Why do you want to know?" mataray kong tanong. Ngumisi lang siya at naglabas ng notebook. Ganun din ang ginawa ko at nagtake down notes para hindi naman sayang ang oras ko dito sa mokong na 'to. tch.

"Just a little bit curious."

Wow? A little bit? Napailing na lang ako.

"It's for me to keep and it's none of your business."

Tumawa siya.

"Hey ba't ang sungit mo? Gusto ko lang makipagkaibigan." tss. mukhang hindi niya ako titigilan hangga't sa hindi ko sinasabi. Oh well, fine. He wins. Madami pa akong kailangan gawin at isipin. Dumagdag pa siya.

"Elle."

Narinig ko ang mahina niyang pag 'oh'.

"Nice name.." I just rolled my eyes at nagpatuloy na lang sa pagsusulat. I find this guy a little bit weird. Hindi kaya he's up to me too?

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. But hey, kailangan kong mag ingat. It's just I find everything a bit weird and suspicious.

Pagtapos ko magsulat ay nakinig na ako sa sub teacher na nagtuturo sa harap.

--

Class break.

Nandito ako sa rooftop ng pinakamataas na building dito sa university. Class break naman at gusto ko mapag isa. Madami akong iniisip na plano to freaking survive this situation. Hindi ko alam kung kailan o paano nagsimula ang laro na ito pero alam ko na mayroon at kailangan ko maging matalino at mag ngat.

Tinatangay ng hangin ang buhok ko at nakatitig lang ako sa langit habang umiinom ng chuckie. One of my favorite drink.

Bumuntong hininga ako at mas lalong nag isip.

Mama, ano po bang kailangan nila sa akin? Please tulungan niyo naman po ako. Matalino po ang nasa likod nito yun lang ang nasisiguro ko. Kailangan ko na bang tumigil saglit sa pagiimbestiga ko sa kaso mo? at imbestigahan naman ang kung sinong ang hayop na nakikipaglaro sa akin?

Bumuntong hininga ako.

"Haaaaayyy--" Natigil ang pagsasalita ko ng tumunog ang phone ko. Sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Hi Harriet!" Oh, it's Lucas Mcdonnie. My detective friend.

"How are you? Balita ko tuloy tuloy na naman ang mga hindi magandang nangyayari sa 'yo." Huh, so he's kinda updated with me.

"Yeah, but don't worry I can handle this." Sabi ko para hindi na siya magalala. Three years ko na din kasi siyang kaibigan so madami dami na kaming napagsamahan.

"Tigilan mo muna ang pagiimbestiga sa kaso ng mama mo at makipaglaro ka diyan. I bet hinihintay ka na nun hahahaha!" bwisit talaga nito. Walang maiadvice sa 'kin na tama. tch.

"Pinagiisipan ko 'yan. But for now please take care of mom's case for me please." Hindi ko hahayaan na maiwan ang kaso ni mama. I just need to mind some damn business.

"Yeah sure!"

"Thanks." Hayy. Nakahinga din ng maluwag. Alam ko naman kasi na hindi niya papabayaan ang kaso ni mama.

"Just be careful okay? Call me if you need help. I'm just here, babe!" I rolled my eyes.

"Sira. Sige na bye!"

"Bye! Muah~" Agad kong ibinaba ang tawag. Nandiri ako sa pagkakasabi niya ng 'muah' may halong landi. kupal talaga. Napailing na lang ako.

"Hmm, so you have a detective friend huh?" 

Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Oh, Here comes Primo the gay.

"Uh yeah. What are you doing here?" tanong ko at umupo naman siya at tumingin sa langit.

"Nakakairita yung mga babae. Ayaw kong nilalapitan nila ako so I guess this is a perfect place for me to have a peace." 

I mentally rolled my eyes.

"Gay." bulong ko pero mukhang narinig niya iyon pero hindi malinaw.

"What?" tanong nito ngunit umiling lang ako. I giggled.

"Sorry if I somehow eavesdropped on your conversation with your detective friend but I think matutulungan mo ako."

Kumunot ang noo ko. Tutulungan siya? Why?

"Why?" I asked. Feeling ko may kaugnayan ito kung bakit nakita ko siya dito sa university nung madaling araw na 'yon.

"Since you have a detective friend out there and you think and act like a detective. I want you to help me to investigate at Kim's case."

Yeah, I have a detective friend out there and yeah he helps me sometimes but I'm not a detective. Nagiimbestiga lang din. But i think matutulungan ko siya at matutulungan niya din ako. Cause I'm looking forward at Kim's case too.

"Why? Kaano-ano mo si Kim?" tanong ko dahil bakit naman niya papakeelaman ang kaso ni Kim kung stranger lang ang tingin nila sa isa't isa? Well for me, I think isa si Kim sa mga pawn on that damn game.

"Kaibigan ko si Kim. Five years na kaming magkaibigan. Lumipat ako dito kasi akala ko makikita ko pa siya but I'm wrong."

 Yeah, you're wrong. Dahil patay na siya.

Sa wakas ay lumingon na ito sa akin. May mga nagsusumamong mga mata siya at huminga siya ng malalim.

"Elle, please help me. I don't think nagpakamatay si Kim. Someone is manipulating her."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now