Chapter 44: Narito ako

5 2 0
                                    

"Lucas?!"

Bigla na lang ako nagising at ang unang hinahanap ko agad ay ang best friend ko. Inilibot ko ang tingin ko at sigurado akong nasa hospital ako. Mag isa lang ako sa kwarto at nasisiguro kong may benda ang balikat ko. Nahihilo pa ako at hindi gaano pang makagalaw ngunit gusto ko nang tumayo para hanapin si Lucas. Para hanapin ang bestfriend ko.

"Lucas!" Sumigaw ako at pilit tumayo kahit masakit ang katawan ko. Natigil lang ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal non si Nico. Hingal na hingal siya at may dalang plastic bags.

"Sabi na ikaw yung sumisigaw.." Aniya at tumango naman ako. Narinig niya pala ako.

"Oo. N-Nasan si Lucas? Gusto ko siya makita.."

Natigilan siya kaya natigilan din tuloy ako.

"B-Bakit? Kumusta si Lucas?" Tumitig siya sa akin ng ilang segundo bago ngumiti at tumakbo pa palapit sa akin at niyakap ako. Ngumiti naman ako.

"No. He's in his room. After you eat we'll visit him." Ngumiti ulit si Nico at niyakap ako. Ngumiti din ako.

"T-Talaga? Kung ganon ay kakain na ako!"

Nakangiti niyang nilagay sa isang bowl ang ramen. Nakangiti kong tinitigan ang pagprepare niya. Nakakatakam. Pagtapos niyang magprepare ay humigop agad ako do'n.

"Aww!"

"Shit!"

Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang labi ko. Napaso ako dahil hindi niya naman sinabi na mainit yung ramen.

"Hindi mo sinabing mainit. Kakainis ka!" Sigaw ko at bahagyang nagpout. Tumawa naman siya at agad na humingi ng tawad.

"I'm sorry. It's your fault because matakaw ka!" Sabi niya at tumawa pa ulit.

Umiling na lang ako.

Aalisin ko na sana ang thumb niya sa labi ko dahil balak ko pang kumain ng bigla na lang niyang itaas ang baba ko at ang alam ko na lang ay ang bigla naming paghahalikan. Napapikit ako ng damhin niya ang pang ibaba kong labi. Nanlaki pa ang mga mata ko ng bahagya niyang kagatin ang pang ibaba kong labi.

"N-Nico.." tawag ko sa kaniya. Hingal na hingal ako habang siya ay seryosong nakatingin lang sa akin. Umiling siya at hinalikan ang noo ko.

"Eat."

Ngumiti siya.

Tumango ako at hinipan muna ang sabaw bago isubo. Halos tumili ako sa sarap. Masaya akong kumain habang siya ay pinapanood lang ako. Malapit na akong matapos ng bigla na lang may tumawag sa kaniya. Inosente akong nagtaas ng tingin ng bigla siyang tumayo at kunin ang phone niya.

"I'll be back. Finish your food."

Hinalikan niya lang ako sa noo bago dali daling lumabas. Umiling na lang ako at tinapos na ang pagkain ng ramen. Pagtapos non ay tumulala lang ako. Mga ten minutes pa akong naghintay pero mukhang walang balak bumalik si Nico kaya naman dahan dahan na tumayo ako at tinungo ang pintuan. Lumabas ako at nakitang may iilang nurse na dumadaan. Lumunok ako bago lumapit sa isa at nagtanong.

"H-Hello po.. puwede ko po ba malaman kung nasaan ang room ni Lucas Mcdonnie?" Tanong ko at mas lalo akong natuwa ng malaman na alam niya kung nasaan.

"Deresto ka lang tapos kaliwa. Pangalawang pinto. Yon na po yun ma'am."

Ngumiti ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad. Excited na ako makita ang best friend ko. Pagtapos ko lumayo sa room ko ay wala ng nurse na dumadaan. Kumaliwa ako at tinignan ang pangalawang pintuan. Ngumiti ako. Dahan dahan akong lumapit at binuksan 'yon. Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ng iyak. Isang malakas na iyak.

"L-Lucas.."

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko si Jasmine na nakasalampak sa sahig. Doon ko lang napansin na may isang doctor at tatlong nurse sa loob. Natatabunan na ng puting kumot si Lucas. Dahan dahan na tumulo ang luha mula sa mata ko. A-Anong nangyayari?

"A-Anong nangyayari, doc? Hindi 'yan si Lucas diba? Hindi 'yan ang bestfriend ko po diba?" Tanong ko sa doctor pero naibaba niya lang ang tingin niya. Tikom ang bibig. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at dali daling lumuhod sa tabi ni Jasmine na umiiyak.

"D-Diba hindi 'yan si Lucas? Sagutin mo naman ako Jas--"

Natigil ako sa pag iyak at natulala ng bigla niya akong sampalin. Nagulat ang mga nurse kaya naman pinaghiwalay nila kaming dalawa.

"B-Because of you I lose my boyfriend.. BECAUSE OF YOU!" Sumigaw siya at pilit nanlaban sa mga nurse na nakahawak sa kaniya. Unti unti na namang tumulo ang mga luha ko.

"STOP!"

Nagulat ako ng biglang nandito na si Nico, Sky at Rain. Hinawakan ni Rain si Jas at ako naman ay hinawakan ni Sky.

Hindi ko na napigilan na maiyak ng sobra.

"S-Sabi mo Nico walang nangyaring masama kay Lucas.. n-na okay siya. Ba't ganito?" Humagulgol ako at tinago ko na lang ang mukha ko sa balikat ni Sky. Hinagod naman niya ang likod ko.

"NAMATAY SIYA DAHIL SA 'YO!"

Napapikit ako ng bigla akong sampalin ulit ni Jas. Nakalapit na pala siya sa 'kin. Akmang sasampalin na naman niya ako ng biglang may humawak na sa kamay niya. Si mama!

"M-Mama.." Ngumiti si mama sa 'kin bago binitiwan ang kamay ni Jas. Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ako sa noo. Napaiyak na naman ako.

"Walang kinalaman ang anak ko sa pagkamatay ni Mr. Mcdonnie. Hinahanap ko na ang lead sa kung sino talaga, don't worry malapit ko na silang mahanap."

Umiyak ako sa balikat ni mama. Narinig ko ang iyak ni Jasmine. Naninikip ang dibdib ko pag naiisip ko kung gaano 'to kasakit para kay Jasmine. Hindi na nagsalita si Jas at basta na lang lumabas.

"Are you okay?" Tanong ni mama at tumango naman ako. Lumapit sa akin si Nico.

"Hindi pa maayos ang pakiramdam niy. Ihahatid ko na siya sa kwarto niya." Tumango si mama at inakay na ako ni Nico pabalik. Habang naglalakad kami ni Nico ay biglang may nagflash na picture sa utak ko at nanikip ang dibdib ko. Marahas kong hinila ang braso ko kay Nico at tumakbo papuntang elevator.

"ELLE!"

Nakahinga ako ng maluwag ng sumara na ang pinto ng elevator. Ilang minuto pa ay dali dali akong lumabas. Tumakbo ako papunta sa hagdan papuntang rooftop ng hospital. Sumalubong sa akin ang malakas na hangin. Dali dali akong tumakbo at niyakap siya. Natumba kaming dalawa.

"H-Hayaan mo na ako, Elle.."

Umiyak ako at mas niyakap siya. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawalan na naman ako ng kaibigan.

"H-Hindi ito ang solusyon please, Jas.." Mas niyakap ko siya ng magpumilit siyang tumayo. Umiiyak kaming dalawa.

"Wag naman ganito, Jas!" Umiyak ako ng umiyak. Natahimik kaming dalawa ng bigla siyang tumigil sa pagpupumiglas.

"Tangina. Siya na lang ang meron ako, how can I live without him?"

Napahiga si Jasmine kaya mas lumapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya ng mas mahigpit.

"Narito ako Jas. Narito ako."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now