Chapter 18: Reload

18 2 0
                                    

Tulala ako hanggang sa makapasok ako sa university. Iniisip ko kung maniniwala ba talaga ako sa babaeng 'yon but her vibes..

Hindi sa nakakatakot siya ngunit parang may kakaiba sa kaniya. Sinusubukan ko siyang itulak kanina sa paraan na ibinuhos ko na ang buong lakas ko ngunit hindi ko pa rin nagawa gayong sa tingin ko magkasing edad lang kami. Sino kaya ang babaeng 'yon? Isa rin ba siya sa mga pumatay sa mama ko?

Napailing na lang ako dahil sa mga iniisip ko.

Pumasok na ako sa classroom namin at naupo sa seat ko. Lumapit sa 'kin si Clarisse kaya naman inisantabi ko muna ang mga iniisip ko.

"Bakla, alam mo ba nawawala daw yung kapatid ni Shin. Nireport daw nila kagabi tapos sinubukan hanapin kaso hindi mahanap. Baka nakidnap na din daw 'yon." Bulong sa 'kin ni Clarisse kaya nanlaki ang mga mata ko. Shit!

Agad na napatingin ako sa kaniya.

"Asa'n si Shin ngayon?" Tanong ko pero mahina lang. Confidential itong pinaguusapan namin at nasisiguro kong ayaw rin itong ipagkalat ni Shin.

"Hindi pumasok si bakla. Tumutulong sa paghanap. Baka nga din pumunta ako sa kanila pagtapos ng klase tulungan ko din sila. Kawawa naman kasi din si bakla.."

Mukhang wala na akong choice kundi sundin ang sasabihin ng babaeng 'yun. Masyado nang maraming nabibiktima ang mga siraulong 'yon. Kawawa ang mga bata. Kawawa ang kapatid ni Shin. Natigil kami sa pag-uusap ng may biglang sumigaw.

"Hola!" Sigaw ni Ñrimo kaya naman napalingon kami kaagad sa kaniya. May dala dala siyang tatlong delight at nabitawan niya 'yon ng hilain ko siya ulit palabas.

"Hoy ano ba, delight ko!" Ungot niya at akmang papasok ulit ng pigilan ko ulit siya.

"Samahan mo 'ko mamaya. May pupuntahan ako. Please." Ani ko sa kaniya.

Tumaas naman ang kilay niya dahil do'n.

"I don't want to. You murdered my delights!" Sabi niya sabay nguso.

Bumuntong hininga ako. Minsan ansarap din hambalusin nito, e. Minsan na nga lang ako magpasama sa kaniya, siya nga itong hila lang ng hila sa'kin.

"Sige na, pleasee." Pakiusap ko pa pero inirapan niya lang ako at nag iwas ng tingin. Ayaw niya? Edi wag! Leche siya to the max kung gano'n.

"Sige, wag na. Pumasok kana." Tinulak ko siya papasok pero hindi naman pumasok.

"Sabi ng pumasok kana, eh!" Sigaw ko at dahan dahan naman na siyang pumasok.

Inis na inilabas ko ang phone ko sa bulsa at tinext ang manager ko sa trabaho. Sinabi ko na hindi muna ako makakapasok dahil may emergency at pumayag naman siya. Sunod ay tinawagan ko naman si Lucas.

Nagpasama ako at sinabi kong tungkol ito sa kidnapping case at pumayag naman siya kaagad. Hindi katulad ng iba diyan.. Edi wag! Bahala siya sa buhay niya. Ansama ng ugali.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa seat ko ulit. Kukunin ko na sana ang notes ko sa bag ng lumapit si Primo at inilahad ang isang delight. Tumaas ang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Kung binibigay mo man 'yan sa 'kin. No, thanks." Sabi ko at nagpout naman siya at umupo sa katabi kong silya.

"Sorry. Joke lang naman eh.." Ani niya.

I rolled my eyes.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo?"

"Sungit. Do you have mens today?" Aniya sabay nguso.

Muntik pa akong matawa dahil sa pagkakasabi niya ng 'sungit'. Nakakatawa yung accent niya. Minsan napapaisip ako kung sa'ng bansa ba talaga siya galing.

Kinuha ko ang delight sa palad niya at umakto akong ibabato ko sa kaniya 'yon. Nagulat siya at yumuko bigla. Natawa ako. Takot naman pala.

Ibinaba ko na ang kamay ko at tinusok ko na yung straw sa delight at sinimulan ko ng inumin 'yon. Umalis siya sa pagkakayuko at bumusangot ang mukha niya ng makitang iniinom ko na yung delight. Ngumisi lang ako pagtapos ay nginitian ko siya.

--

Tulad nga ng sabi ng babaeng may kulay orange na buhok ay nagtext nga siya pagtapos ng klase namin. Hindi ko alam kung sa'n ang sinasabi niyang lugar sa text ngunit nasisiguro akong alam naman iyon ni Lucas.

"Why are we going to that place? Ang alam ko matagal nang abandunado ang lugar na 'yan."

Nagulat ako sa sinabi ni Lucas. Nandito na kami sa kotse niya at papunta na kami do'n sa lugar na sinasabing nagtatago yung mga nangingidnap. Naisip ko din na baka do'n din nila tinatago yung mga bata. Sana nga. Para mailigtas na namin sila. Para mailigtas na namin yung kapatid ni Shin.

"Tumawag ka ng backup, Lucas. 'Yang pupuntahan natin ay lungga ng mga kidnappers."

Nang sabihin ko 'yon ay nagulat ako ng biglang huminto ang kotse! Muntik pa akong mauntog! What the fuck?

"Muntik na akong mauntog! Bakit ka ba huminto agad?!" Inis na singhal ko kay Lucas. Parehas silang tulala na nakatingin lang sa 'kin ni Primo. Natigil din si Primo sa pag inom ng delight niya.

"What the heck Elle? Hindi mo naman sinabi na eto pala ang pupuntahan natin!"

Agad kinuha ni Lucas ang phone niya at nagdial ng kung sino do'n. Pagtingin ko sa likod ay may kausap na din si Primo sa telepono.

"Hindi naman tayo magpapakita. Titignan lang natin kung 'yon talaga yung taguan ng mga kidnappers."

Bumuntong hininga siya at lumingon kay Primo. Wala ng kausap si Primo sa telepono at umiinom na ulit ito ng delight.

"Marunong ka bang magreload ng bala sa baril? Pakireload naman. Andiyan yung bag sa ilalim."

Ibinaba ni Primo ang iniinom niyang delight at sumunod kay Lucas.

"How come you know about this Elle?" Tanong ni Lucas at nagbaba agad ako ng tingin. Shit, hindi ko naman pwede sabihin sa kaniya kung pa'no ko nalaman, diba?

"Iniimbestigahan pa lamang ng mga pulis kung sa'n sila pwedeng magtago and you knew already?"

I bit my lower lip.

"I-It doesn't matter.." bulong ko na lang ngunit alam kong narinig pa rin nila. Narinig ko naman ang mabigat na pagbuntong hininga ni Lucas.

"Sagutin mo--"

Natigil sa pagsasalita si Lucas ng biglang magsalita naman si Primo.

"Kung ayaw niya sabihin, wag mo na siyang pilitin."

Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin 'yon ni Primo. Huminga lang ng malalim si Lucas pagtapos ay tumahimik na din. Nag iwas na lang ako ng tingin.

Gustong gusto kong sabihin sa kanila ngunit pa'no? Hindi ko naman pwedeng sabihin na nakuha ko 'yon sa hindi ko kilalang babae. Na nakasalubong ko lang at may kulay orange na buhok tapos ayun na naniwala naman agad ako. Baka magalit lang sila sa 'kin pag nalaman nila na sa gano'n ko nakuha ang impormasyon.

Agad na napatingin ako kay Lucas ng magsalita siya.

"We're here."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now