Chapter 45: Goodbye

7 2 0
                                    

Tulalang nakaupo ako sa gilid ng kama ko. Nakasuot ako ng puting bestida na hanggang tuhod ang haba. Nakalugay ang buhok ko at nakasuot din ako ng puting doll shoes.

Tulalang napatingin ako sa oras.

Malelate na kami. Malelate na kami pero wala pa rin akong lakas na lumabas sa kwarto ko. Hindi na ako nagulat ng biglang bumukas ang pinto maya maya at iniluwal non si Nico. Naka puting t-shirt siya at black jeans. Bumuntong hininga siya ng masilayan ako.

"We're late." Aniya at dahan dahan na lumapit sa akin. Tumango naman ako at tumayo na.

Sabay kaming lumabas sa kwarto ko at dumeretso palabas ng unit. Paglabas namin ay sumakay na kami sa kotse niya. Pupunta kami ngayon sa libing ni Lucas. Sa libing ng bestfriend ko. Sumakay ako sa shot gun seat at tahimik na tumingin lang sa bintana. Pumasok na din si Nico sa kotse at pinaandar na 'yon.

Tahimik lang kami sa loob. Lagpas isang oras ang byahe namin papunta sa paglilibingan kay Lucas. Pagdating do'n ay tama nga ang hinala ko. Late na kami. Tapos na ang service at ang pagsasalita ng pamilya ni Lucas. Naghuhukay na ang mga lalaki sa parte kung saan ililibing si Lucas. Nandon na silang lahat. Dala dala ang mga bulaklak nila.

"Bakit late kayo?" Tanong ni Rain paglapit sa 'min. May dala itong bulaklak at naka puting polo. Sa likod niya ay si Sky na may dalang bulaklak din. Nakaputing longsleeves ito at black na skirt. Naibaba ko na lang ang tingin ko sa hawak kong white roses.

"I'm sorry. May ginawa pa kasi ako." Ani Nico at hinila na ako papunta sa kabaong ni Lucas.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi naman kasi kami nalate dahil sa kaniya kundi dahil sa' kin. Ambagal ko kasing kumilos at parang wala akong gana this past few days. Dahil nga yo'n sa pagkamatay ni Lucas. Lumapit kami sa kabaong ni Lucas. Naluha na naman ako ng makita ko ang kabaong niya. Humigpit ang hawak ko sa dala dala kong white roses.

"Buti nakaabot ka pa."

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Jasmine. May dala dala rin siyang bulaklak. Nakasuot din siya ng puting dress pero di lalagpas ng hanggang tuhod. Mapait siyang ngumiti matapos ko siyang tignan.

Sumikip naman ang dibdib ko.

"I-I'm sorry.."

Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Alam kong pagod na siya marinig ang salita na 'yan pero wala akong magawa. Nilalamon ako ng sakit sa nangyari kay Lucas at wala akong magawa. Wala akong nagawa.

"Tama na, Elle. Wag kanang magsorry. Lucas will not come back to me even if you say sorry a thousand times." Hihilain na sana ako ni Nico paalis pero pinigilan ko siya. Humarap ulit ako kay Jasmine.

"A-Alam ko naman."

Iniwas ni Jasmine ang tingin sa 'kin at tinignan na lang ang kabaong ni Lucas. Ngumiti siya.

Isang mapait na ngiti.

"Pagtapos nitong libing ni Lucas, I'll go to states. I know that you didn't ask about it but I'm just informing you just incase." .

Nagulat ako sa sinabi niya.

"I decide to live there but I'm not sure if I can visit here again, my heart will never forget."

Inilapag niya ang hawak hawak niyang mga bulaklak sa itaas ng kabaong ni Lucas. Ngumiti siya.

"Thank you for being my friend in a short period of time."

Tumulo na ang kanina ko pang pinipigilan na luha.

"I'm happy na naging magkaibigan tayo but I guess hanggang dito na lang 'yon."

Hinaplos niya ang kabaong ni Lucas at lumapit ng kaunti do'n.

"Goodbye, love. Till we meet again.. I love you."

Dahan dahan tumulo ang mga luha galing sa mata ni Jasmine. Pinunasan niya iyon at dahan dahan na naglakad palayo. Tinanaw ko siya. Sumakay siya sa isang kulay itim na kotse. Nakatitig lang ako do'n hanggang sa umalis 'yon. Unti unti ay tumulo ang mga luha galing sa mata ko.

I'm sorry, Jasmine..

Napatingin ulit ako sa kabaong ng buhatin na iyon ng mga lalaki at ibinaba sa hukay. Ngumiti ako bago ko inihulog ang bulaklak na hawak ko.

"I love you my bestfriend.." usal ko habang nakatingin sa kabaong. Maya maya pa ay tumingala ako at pinagmasdan ko ang langit.

"Are you happy there? I hope you are 'cause I'm not happy, Lucas.."

Umiyak na naman ako. Ang sakit sakit lang kasi. Bakit kailangan humantong sa ganito? Masaya pa kami eh.. Masaya pa kami at kumpleto pa kami. Nakikita ko pa yung mga ngiti niya at pagiging sweet nila ni Jasmine.

"Sinaktan mo si Jasmine.. iniwan mo siya. Iniwan mo kami.."

Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Wala kana ba talaga Lucas? Dahil parang hindi kakayanin ng puso ko. Baka araw araw akong umiyak nito.

"Elle.."

Tumango ako kay Nico ng hawakan na niya ang kamay ko. Aalis na pala kami. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago ako tumingin ulit doon sa kabaong ni Lucas.

"Bye lucas.."

Humakbang na ako paalis at sinundan naman ako ni Nico. Tahimik akong sumakay sa kotse. Pagpasok niya ay may inabot siya sa akin. Nagulat ako ng may makitang isang keychain. Shell iyon.

"Jasmine asked me to give this to you.."

Dahan dahan kong kinuha yung keychain. Naluha ako at niyakap ko yon. Niyakap din ako ni Mico.

"Sshh.. It's alright.."

Hinigpitan ko ang hawak ko sa keychain. Naalala ko yung time na tinawag nila kami at madami silang hawak na souvenirs. Ang saya nila do'n..

"I'm sorry Jasmine.. i'm sorry.." paulit ulit kong sabi lumuluha parin. Inangat ni Nico ang baba ko at hinaplos ang pisngi ko. Natigil ako sa pag iyak.

"I love you.." Aniya. Para bang pinararating niya sa 'kin na hindi ako nag iisa sa laban na ito, na kasama ko siya at hindi siya aalis sa tabi ko.

"I love you too.."

Hinalikan ko siya labi. Isang mabilis lang dapat kaso hinawakan niya ang mga kamay ko upang hindi ako makapalag. Hinalikan niya ako ng mariin at mabagal. Para bang kumalma ako sa halik niya. Hindi ko maintindihan. Ganyan kagaling ang epekto niya sa 'kin. Halos nakokontrol niya ang lahat ng emosyon ko.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now