Chapter 36: Feelings

23 2 0
                                    

"Sa'n tayo pupunta?"

Bitbit ang gamit ko ay naglakad kami papunta sa kotse niya. Sumandal muna siya do'n at tinitigan ako. Nilalaro laro pa ang susi ng kotse sa kaniyang kamay.

"Sa unit mo. Saan pa ba?"

Nalaglag ang panga ko sa isinagot niya. Ugh, Nico!

"Hindi tayo kakain sa labas? o pupunta sa mansion? It's my birthday!" Sigaw ko. Ibinato ko pa sa kaniya ang hawak kong libro na kaagad naman niyang nasalo.

Bored na tumingin lang siya sa 'kin.

"So, what? May kailangan kaming asikasuhin."

Napatanga na talaga ako sa harap niya. Grabe! Hindi na ba pwedeng mag celebrate ng birthday?

"Okay, then. Ibaba mo ako sa mall. Magse-celebrate akong mag-isa." Umiling siya kaya tumaas na naman ang blood pressure ko. Ano na naman?

"Bawal. Your mother wants you in your unit. Sa unit lang, bawal sa mall."

Sa sobrang bad trip ko ay hindi na lang ako kumibo at sumakay na lang sa kotse. Di talaga ako naniniwala. Ang yaman yaman namin tapos walang celebration? Imposible naman! Dahan dahan akong tumingin kay Nico at ganun pa rin naman ang itsura niya.

"Fine. Just tell me you bought me a gift."

Tumango naman siya. Nasa daan parin ang tingin.

"Yes, nasa unit. Check mo na lang pag dating mo do'n."

Tumango na lang ako at tumingin sa bintana. It was a very tiring day kasi maraming test ang hinanda ng mga teachers plus seat works pero energetic parin ako dahil nga sa mga bati at gifts ng mga friends ko sa university pero nawala ng malaman ko na hindi naman pala ako makakapag celebrate kasama si Mama at Nico. Nakakapanlumo. Hindi ko namalayan na huminto na pala kami.

"Elle.."

Tumango ako at bumaba na sa kotse.

"Akala ko ba may pupuntahan ka?" tanong ko ng makita siyang nakasunod sa 'kin.

"Dadalhin ko 'tong books mo."

Tumango na lang ako at pumunta na kami sa mismong unit ko. Tinype ko ang pin at pumasok ako. Nagulat ako ng makitang walang ilaw sa buong kwarto.

"Brown out ba?"

Dahan dahan akong lumapit sa may switch at akmang bubuksan na sana ng biglang may magbukas no'n at nagulat na lang ako!

"HAPPY BIRTHDAY ELLEEEE!"

Napakurap ako ng tuluyan ng umayos ang paningin ko. Nakita ko si Mama, Lucas, Jasmine, Rain, Sky, at Nico. Ang daming lobo sa unit ko at may pa led lights pa na kulay gold. Sa dulo ay nandon ang mga pagkain na mukhang masasarap!

Lumapit sa 'kin si Nico at nilagyan ng party hat ang ulo ko. Doon ko lang napansin na naka party hat pala silang lahat.

"T-Thank you!"

Agad ko silang niyakap lahat. Lumapit sa 'kin si Sky dala dala 'yong cake na may kandila. Napangiti ako.

"Wish! Wish! Wish!"

Natatawang pumikit ako.

Sana palagi na lang masaya.

Minulat ko ang mga mata ko at hinipan ang kandila. Nagsigawan naman sila.

"YON NAMAN PALA LEGAL AGE NA YIEEE PWEDE NA MAG KA-LABEL!" Binatukan ni Nico si Rain. Natatawang umiling na lang ako bago lumapit kay Mama at niyakap siya ng mahigpit.

"Happy Birthday, love.."

Ngumiti ako.

"Thank you, ma."

Pagtapos nun ay napagdesisyonan naming kumain at magkwentuhan. Iba't ibang flavor ng chicken wings. Pasta, pizza, lasagna at desserts ang handa ko. May iba pang pagkain pero hindi ko alam kung anong pangalan. Isa kasing exclusive chef galing ibang bansa ang nagluto sabi ni mama.

"Bye, love. Enjoy your day. May kailangan lang akong gawin."

Na una ng umalis si mama. Hindi niya pa binibigay yung gift dahil gusto niya daw ipakita pag kami na lang dalawa. Wala namang kaso sa 'kin. Pagtapos kong ihatid si mama sa labas ng condo ay bumalik ako sa loob. Nagulat ako ng makitang may iba't ibang klase na ng alak sa lamesa. Napahalakhak ako.

"Shot na, Elle!"

Nginiwian ko si Rain pero tinanggap ko rin ang bigay niya pero halos masuka ako sa tapang. Walanghiya!

"Gago ka Rain anong pinaiinom mo diyan!" sigaw ni Nico. Umiling na lang ako at sinabing 'okay lang.' May pinag uusapan si Nico, Lucas at Rain kaya naman pumunta ako sa side ni Jasmine at Sky.

"Inom ka soju, Elle!"

Nakangiting tinanggap ko 'yon. Hindi naman nakakalasing 'yon so okay lang na uminom ako ng marami.

"Musta kayo ni Lucas?" tanong ko pagtingin ko kay Jas. Napailing na lang siya ng bigyan namin siya ng mapanuksong tingin.

"Okay naman. He's courting me." Napa-'oh' naman kami ni Sky. Wow, nasa ganong stage na pala sila. Wala na ako sa balita.

"Wow, congrats girls para sa mga love life niyo!" sigaw ni Sky at nag'cheers' so uminom kami sa mga soju namin.

"Eh ikaw? Wala kayong plano ni Rain?"

Halos madura niya yung iniinom niyang soju sa tanong ko.

"Eww!"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hmm, so walang namamagitan sa inyo ni Rain?" tanong ko at mabilis siyang tumango.

"We're not a 'thing'."

Tumango tango naman ako at ininom ang soju ko.

"So that's explain kung bakit may kasama siyang babae kahapon." sabi ko at nagkunwari na may inaalala. Mahina namang natawa si Jasmine na mukhang nahulaan na kung anong balak ko.

"W-Weh?"

Lumapit sa 'kin si Sky kaya muntikan na akong matawa. Hmm, sabi na nga ba meron din 'tong gusto kay Rain, eh. Halata din namang may gusto sa kaniya si Rain.

"Hindi ko alam kung girlfriend niya o fling--"

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang tumayo at lumapit sa side ng mga lalaki. Nagkatinginan kami ni Jas bago kami dali daling sumunod.

"Oh my gosh!" tili ni Jas ng biglang sapakin ni Sky si Rain! Shit! Hinawakan ko ang kamay ni Sky at hinila siya ng kaunti paatras.

"Anong nangyayari?" takang tanong ni Lucas. Si Lucas at si Nico ay nakatayo na habang si Rain ay nakaupo pa rin at hinihimas himas ang panga niya.

"What the hell?" takang tinitigan ni Rain si Sky. Napatingin ako sa kamay ni Sky ng bigla itong kumuyom. Oh no! Ang balak ko lang ay paaminin siya pero sobra sobra na 'to!

"I hate you."

Yun lang ang sinabi ni Sky at nagmamadali siyang lumabas. Napatanga kaming lahat.

"Ano bang nangyari do'n?" nagtataka talagang tanong ni Nico. Nagbaba naman ako ng tingin.

"Naglolokohan lang naman kami. Gusto ko lang naman siyang pa-aminin kung may gusto siya sa 'yo Rain kaya nagkunwari ako at sinabi ko na nakita kitang may kasamang babae, joke lang naman tapos yon nga yung nangyari."

Bumuntong hininga si Rain bago tumayo.

"Sundan ko muna."

Tumango kami at lumabas naman siya. Napaupo ako.

"Are you okay?" tanong sa 'kin ni Jas. Napailing naman ako.

"Sabi niya kasi wala namang namamagitan sa kanila tapos bigla na lang siyang sumugod na parang nagseselos na girlfriend."

Natawa si Nico sa sinabi ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"It's clear that they have feelings for each other."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now