Chapter 9: Commercial

21 2 0
                                    

"Sorry po.." paghingi ko ng tawad sa babae na nasa harap ko ngayon. Masama man ang kutob ko but I still managed to apologize and look at her face. Pati sa mga malalaking lalaki na nakasuot ng tuxedo sa likod niya. Tumingin ulit ako sa kaniya at nakita kong may maliit na ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ako. Uh, bakit siya nakatingin? May dumi ba sa mukha ko?

"No, it's fine." Aniya at tila natulala ako. Kung kanina ay mukhang nakakatakot siya para sa 'kin ngayon hindi na. Parang anghel ang boses niya. Napakagaan. Natigil ang pagtititigan namin sa isa't isa ng kalabitin siya ng isa sa mga lalaki sa likod niya.

"You'll be late, Madam.." Tumango siya bago ulit tumingin sa 'kin at ngumiti. Nakakapagtaka ngunit agad na nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na silang umalis. Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanila.

Nagulat pa ako ng bigla na naman akong hatakin ni Primo at hawakan ng pagkahigpit higpit.

"Nakakainis ka Primo! Hinila mo 'ko kanina tuloy nakabangga ko yung babae kanina. Mukha pa namang mayaman buti na lang hindi nagalit." Sabi ko habang naglalakad kami. Bumuntong hininga lang siya tsaka ngumisi.

"Hindi naman nagalit, e. So, okay lang 'yon!" Napaismid na lang ako at hinayaan siya ng hatakin ako.

Ang isip ko ay lumilipad parin do'n sa babae kanina.

--

"Argh, nakakainis talaga si Primo! Kung umuwi kami ng maaga edi sana nakakapagpahinga na ako ngayon." inis na sambit ko pa habang nag-aayos ng gamit dito sa apartment ko.

Buti nga ay nakapaglinis na ako. Napakadumi ng apartment na 'to! Pero ayos lang din kasi ito lang ang mura. Natapos na din ako sa pag aayos maya-maya. Kaunti lang kasi ang gamit ko. Wala pa naman akong masyadong appliances. Tsaka na pag nabayaran ko na si Lucas at nakaipon na ako. Pagkatapos ko kumain at mag aral dahil may quiz daw bukas ay natulog na din ako.

"Elle!! Gising naaaa!"

Huh? May nagsasalita?

"Elle gumising kana! I'm hungry!"

Napabangon ako bigla at nagulat ako ng makita ko si Primo sa harapan ko! Nakabihis na siya at malaki ang ngiti na nakatingin sa 'kin. Huh? Natatandaan ko na nilock ko yung pinto kagabi! Sinamaan ko siya ng tingin at dali dali akong tumayo.

"Anong problema mo?! Bakit ka nandito?" tanong ko at dali dali kong kinuha ang tuwalya na nakasabit sa dingding at pumasok sa loob ng banyo. Walangya ka talaga Primo!

"Wala ka masyadong gamit dito. Ang boring! Bili tayo pagtapos ng klase. Bili rin tayo ng flatscreen na tv para may pang netflix!" rinig kong sigaw niya sa labas kaya naman nailaglag ko ang tabo na hawak hawak ko at gumawa ito ng malakas na ingay.

"Elle? Okay ka lang?" tanong niya at mahinang kinatok ang pinto. Nang makabawi ako ay agad kong pinulot yung tabo at sumigaw.

"Nasisiraan kana ba? Ibibili mo talaga ako ng gano'n?" tanong ko habang nakatitig lang sa pinto ng banyo. Kasi naman! Ang mahal ng mahal ng flatscreen na tv tapos ibibili niya ako?! Baka talaga patayin ako ng parents niya sa mga pinaggagagawa niya!

"Chill. Okay nga lang. Hey, bilisan mo please! Male-late na tayo." Aniya at bumuntong hininga ako at naligo na lang. Ewan ko kung seryoso ba siya na hindi ko na babayaran dahil andami niya na talagang nagastos para sa 'kin. Sabi niya nga lumipat na ako sa isang condo unit pero tumanggi ako. Grabe lang. Iyon lang ang masasabi ko sa sobrang yaman niya.

Pagtapos ko maligo ay nagbihis na ako. Nagluto din ako ng breakfast para sa 'min ni Primo. Hindi ako tinigilan ni Primo kaya naman sa huli ay napapayag niya ako na bumili kami ng iilan na gamit para sa apartment. Jusko por favor wag lang talaga ako sugurin ng mga parents niya. Pero sa tingin ko okay naman talaga so better na wag na lang ako tumanggi dahil para sa 'kin din naman 'to at nakakastress makipagaway kay Primo.

Pagdating namin sa university ay wala namang bago. Ganon parin exceptsa madaming quizzes. Habang nakatambay din kami kanina sa library ay napagusapan namin yung case ni Kim. Nagtanong ako ng mga lugar na pinupuntahan ni Kim para makakalap pa kami ng mga ebidensya at nagsabi naman siya. Baka sa weekends ay pumunta kami do'n.

Naalala ko din na malapit na magsimula ang part time job. Naiisip ko pa lang ang mga expenses ko ay para akong mahihimatay. Ang dami kong bayarin! Nang malaman yon ni Primo ay agad siyang nagbigay ng pera pero tumanggi muna ako.

Nakwento ko rin kay Primo na malapit na ang birthday ni Lucas. Siguro ay magrerent lang si Lucas ng club para magparty at mukhang nagustuhan yon ni Primo. Antagal daw kasi niyang hindi nakapagparty. Busy pa si Lucas kaya hindi muna namin siya makausap ngayon.

Pagtapos ng klase ay dumeretso nga kami ng mall. Napagpasyahan muna namin kumain bago mamili dahil nagutom daw siya sa quiz kanina.

"Elle, tara sa jollibee!" sabi niya at itinuro yung fast food. Agad akong umiling.

"Ano ka ba? hindi ka ba nagsasawa diyan?" sabi ko sabay turo rin sa jollibee. Walang mintis na spaghetti na naman ang oorderin niya. Pwede ba itry naman yung korean resto? haynako.

Nakabusangot siya ng pumasok kami sa korean resto. Natawa na lang ako. Sushi at bingsu lang ang inorder niya samantalang ako ay Naengmyun naman. Sarap na sarap akong kumain samantalang siya ay nakabusangot. Ngumisi ako. Ang saya ko dahil ngayon ay nanalo na rin ako sa kaniya.

Pagtapos namin kumain ay naglibot libot muna kami sa mall. Bumili kami ng ice cream at nagtingin muna sa mga bookstores na malapit do'n. Ang ganda ng mga bagong dating na mga libro. Para bang ayaw ko na umalis ro'n.

Pagtapos namin maglibot libot ay pumunta na kami sa supermarket para nga bumili ng mga gamit. Nagulat pa ako ng tumakbo si Primo do'n sa mga flatscreen na tv. Tinuro niya ang mga yon.

"Pili ka na ng gusto mo!" sabi niya habang nakatingin sa mga tv probably sinusuri ang mga yon.

Lumapit ako at tinignan ang price at halos malula ako sa presyo. Jusko, presyo na lang talaga ang nagmamahal. Yan ang masasabi ko.

"Seryoso ka ba? Ang mahal nito!" sabi ko at itinuro yung mga tv. Tumango naman siya.

"Choose!"

Bumuntong hininga ako at tinignan ang mga tv. May mga movies o endorsement na napapanood don pero paulit ulit lang.

Nagtuloy tuloy pa nga ang pagtingin tingin ko ng mapahinto ako. May piniplay na commercial sa isang tv at nakuha nito ang atensyon ko.

Dahil yung endorser ng commercial ay yung babaeng nakabanggaan ko kahapon.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now