Chapter 21: Grand Cru

23 2 0
                                    

"HAPPY VALENTINES DAY!"

Nagulat ako ng biglang may nagliparan na maliliit na hearts sa ere. Gawa ito sa pink at red colored papers. Napatingin ako sa likod at nakita ko ang class president namin na may hawak na plastic bag. Siya siguro ang may gawa non.

Napailing na lang ako.

Ang kalat tuloy.

Nandito ako sa classroom namin as usual. Valentines day na kaya ganito ang eksena sa mga classroom at pati na rin sa buong university.

Napatingin ako sa blackboard namin sa may harapan. Maraming hearts na nakadrawing doon at syempre may nakasulat na 'Happy Valentines Day'. Tumingin naman ako sa paligid. Halos lahat ng babae dito sa classroom namin ay may hawak na mga roses, cards at chocolates.

Ako na lang ata ang wala ngunit ayos lang naman. Wala naman akong pakielam.

"Elle!"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Clarisse na naglalakad papalapit sa 'kin. Ngumisi ako ng makita kong may hawak siyang isang rose.

"Nakita ko na lang 'to sa table ko. May nagkakacrush pala sa 'kin?" Aniya sabay halakhak. Natawa na rin ako.

"Grabe ang pagaassume mo rin e 'no? Malay mo isa lang yan kay Shin at Ray."

Ngumuso siya pagtapos ko sabihin 'yon. Aba totoo naman, pwede na may nagkakacrush sa kaniya o pwedeng sila Shin at Ray lang 'yan hahaha!

Nagtataka akong tumingin sa kaniya matapos niyang silipin ang bag at ilalim ng mesa ko.

Ano bang hinahanap niya? Ginto? Grabe kung makapaghanap, eh!

"Anong hinahanap mo? Binalik ko na yung ballpen mo kahapon FYI!" Sabi ko habang inaayos ang bag ko. Nanghiram kasi ako kahapon ng ballpen sa kaniya dahil kinuha ni Primo ang ballpen ko. Hudas talaga!

"Oo, teh. Alam kong binalik mo na yung ballpen pero wala ka man lang bang natanggap na roses, letters o chocolates?" Tanong niya habang naghahanap pa rin sa ilalim ng upuan ko. Napairap naman ako.

"Wala kaya tumigil kana diyan."

Bumusangot naman ang mukha niya dahil sa sagot ko.

"Ayan! Dahil diyan sa masungit mong attitude kaya walang nagkakacrush sa 'yo, e!"

Tumaas naman agad ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Oh, eh bakit? Bibigyan ba ako nun ng pambayad ng kuryente at tubig kung saka sakali?"

Napailing na lang ako at kinuha ang notes ko sa bag. Baka dumating na yung first sub teacher namin maya maya lang. Prenteng umupo na lang ako sa silya ko ng biglang may tumawag sa 'kin.

"Elle!"

Napatingin naman ako sa harap ko at nakita ko ang isa kong classmate na nakatayo malapit sa pinto.

"Elle, may naghahanap sa 'yo sa labas."

Dali dali naman akong tumayo at lumabas. Nagulat ako ng makita ko si Lucas sa labas. Prente siyang nakatayo at agad siyang napangiti ng makita ako.

Napangiti tuloy ako.

"Oh ba't ka nandito?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya. Napansin ko na may hawak siyang malaking paper bag pero binalewala ko 'yun.

"What's with you? Para kang galit magsalita. I just want to give you something." Aniya at sabay ngiti ng matamis. Nangunot naman kaagad ang noo ko. Give something?

"Anong ibibigay mo sa 'kin? Malayo pa naman ng birthday ko, sira ka."

Tila nalaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. Uhm, totoo naman yun ah. Ang layo pa ng birthday ko so ba't niya ako binibigyan ng kung ano ngayon?

Behind My Shattered SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon