Chapter 48: Invitation

9 2 0
                                    

"Congrats ulit sa' yo, Elle!"

Nginitian ko si Sky at niyakap ko siya. Niligpit ko na din ang mga gamit ko para hindi ako mahuli sa pupuntahan ko. Kagabi ay nagpropose na sa akin si Nico. Nagdinner kami sa isang restaurant. Actually, akala ko wala lang 'yon pero yun na nga nagpropose siya at balak na namin magpakasal.

Ihahatid ako ni Sky sa mansion ni Mama. Pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal. Nandoon na din si Nico at Rain. Kami na lang ni Sky ang hinihintay.

"Hindi ko alam kung bakit parang biglaan naman ang pagpaplano niyo. Nakakagulat."

Natawa na lang ako. Tama naman si Sky. Masyadong mabilis pero okay lang. Stable naman na ang lahat. Parehas naman na kaming may maayos na trabaho. Ayos na siguro mag settle down.

"Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto ko na magpakasal."

"Really? So, ikaw na lang pala ang hinihintay niya.."

"I think so."

Pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na kami at sumakay sa kotse. Medyo madilim na at malamig ang simoy ng hangin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse.

"Sure kang hindi ka buntis?"

Natawa na lang ako.

"Relax, Sky hahaha. Don't worry wala pang nangyayari sa 'min."

Tumango naman siya.

"Good to hear that."

Mga ilang minutes pa ay nakarating na kami sa mansion. Dumeretso kami sa kusina at tama nga nandoon na sila. Madami na ding pagkain at inumin na nakahanda. Natutuwang lumapit ako kay mama at niyakap siya ng mahigpit.

"I miss you, Ma.."

"I miss you too. How's work?" tanong niya at pinaupo ako. Hinalikan ko muna si Nico sa pisngi bago sumagot kay Mama.

"Okay naman po, medyo hectic lang ang sched ko." Tumango tango naman si Mama.

"Kamusta trabaho, baby?" tanong ko naman kay Nico. Mukha siyang pagod kaya naman hinaplos ko ang pisngi niya.

"I'm tired but it's good.."

"You should take a rest."

"It's fine. Don't worry."

Hinalikan ko ulit siya sa pisngi bago kami nagsimulang kumain. Habang kumakain ay nagkakaroon na kami ng maliliit na usapan tungkol sa pinaplano naming kasal.

"So, saan niyo gustong ganapin ang wedding? Any place?" tanong ni Mama sabay inom ng wine. Uminom din muna ako bago sumagot. Napag usapan na din namin to ni Nico.

"We want a garden wedding, Ma." Sabi ko sabay ngiti. Tumingin ako kay Nico at nakangiti din siya. Ngumiti naman si Mama.

"Bukas magpapadala na ako ng wedding organizer para mas maging okay ang lahat at para maplano ng mabuti."

Tumango kaming dalawa ni Nico at naghawak kami ng kamay. Ito na yun. Ikakasal na kami. Magsasama na kaming habangbuhay at wala akong pagsisisihan kasi mahal na mahal ko siya. Iniisip ko pa lang na magiging mag asawa na kami ay hindi na maipaliwanag ang saya ko. Ganon ba talaga pag ikakasal ka na? Hindi na ako makapaghintay.

"I love you.." bulong ko kay Nico. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko sabay bulong din.

"I love you more.."

Nginitian namin ang isa't isa.

Hindi na ako makapaghintay. Hindi na akong makapaghintay na maging Mrs. Gallagher. Napangiti ako.

Ang ganda pakinggan.

--

"How about this one? This one looks really good.."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nandito kami ngayon ni Mama sa shop ng isa sa mga kilalang designer. Siya ang gagawa ng wedding gown ko. I'm so excited!

"Sobrang ganda nga, Mama.."

Naiiyak ako. Sobrang elegant ng gown na 'yon. Sobrang gandang tignan.

"You don't like it, baby?" Malambing na tanong ni Nico. Oo nga pala, sumama siya.

"Hindi naman. Nagagandahan lang ako ng super.." Nginitian niya ako kaya napangiti na din ako.

"May napili ka na ba, hon? Ang dami na nating nakita but kung wala pala it's okay pwede pa tayo magtingin tingin pa." sabi ni Mama at nakangiting tumingin sa akin. Umiling naman ako dahil nakapili na ako.

"I want this one, Ma.."

"Really? That's a great choice.."

Nakangiti akong tumango. Napakaganda ng gown na 'yon although lahat ng nadaanan namin ay maganda pero hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng makita ko ang isang 'yon. Talagang umalon ang puso ko.

"Okay. This will be your wedding gown then."

Paulit ulit akong tumango at mas pinakatitigan pa iyon.

"We're done here. Kayo na lang ni Nico ang pumunta sa food tasting huh? I have something to do."

Ngumiti ako at niyakap siya.

"Sure, Ma.. Ingat."

--

Kasalukuyan na kaming nasa isang sikat na resort. This resort has a hotel rooms and a very lovely garden. Doon gaganapin ang kasal namin. Nandito kami para alamin ang mga ihahanda sa kasal at titikman na din kung pasok ba sa taste namin.

"You look so happy.."

Napatingin ako kay Nico habang tumitikim ng mga pagkain. Nakatitig siya sa akin kaya naman ngumiti ako.

"Of course.."

Nginitian ko siya. Hindi ko masyado alam ang mga pagkain na tinitikman namin dahil gawa ito ng mga professional chef at foreign foods ata pero masasabi kong sobrang sarap naman.

"This foods is really good.." Ani ko kay Nico. Tumango tango naman siya habang tumitikim din. Pagtapos namin sa food tasting ay tinignan namin ang mga bulaklak at iba pang mga dapat tignan doon.

"Wow, that was tiring." Sabi ko pagkapasok namin sa kotse. Huminto muna kami sa isang chinese restaurant para kumain at eto pauwi na rin kami. Papasok na sana si Nico ng may makita akong pamilyar kaya naman dali dali akong lumabas ulit ng kotse.

"Jasmine!" sigaw ko at agad naman siyang lumingon. Tipid siyang ngumiti sa akin kaya naman ngumiti ako. Ang saya ko at nakita ko siya.

"Can I talk to you? Mabilis lang naman.."

Nagulat siya pero agad ding pumayag kaya naman pumasok ulit kami sa restaurant. Sinenyasan ko si Nico na maghintay muna. Umupo kami at nginitian ko siya.

"Uhm, first of all I wanted to apologize sa lahat ng mga nagawa ko in the past." panimula ko. Hindi naman siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi.

"I'm sorry Jas sa mga mali kong nagawa noon pero pwede ba kalimutan na natin? kahit anong mangyari bestfriend pa rin kita and I want you to attend my special day because you're special to me.."

Dahan dahan kong nilabas ang invitation sa bag ko at inabot sa kaniya. Tinanggap naman niya yon.

"I want you to be there Jas. Please.." Nginitian ko siya. Tinitigan niya ang invitation bago dahan dahan na tumango.

"Sure, Elle. I'll be there."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now