Chapter 40: Beach (Part 1)

21 2 0
                                    

"PANALO ANG RESORT MO, ELLE!"

Napa-iling na lang ako bago sumalampak sa puting buhangin. Pagod na pagod ako dalhin ang mga gamit ni Nico. Napakarami!

"Walangya ka, Nico! Di mo man lang ako tinulungan!" Gigil na sigaw ko pero hindi man lang siya nakinig at nanatiling nakalubog ang paa niya sa tubig habang mahina itong kinakawag.

"Oh my gosh! Your resort is so perfect, Elle. I love it!" Sigaw ni Jas at niyakap ako. Ngumiti naman ako.

"Ikaw, Sky? Nagustuhan mo ba?" Tanong ko naman kay Sky na nakatingin lang din sa paligid. Ginawa kong limited visitors ang resort ngayon para lang sa 'min. Para din mas maenjoy nila at hindi gaano matao.

"Yeah. Tara na at pumunta na tayo sa hotel para makapag ayos na tayo." Sabi ni Sky kaya naman tumayo na ako. Kumunot ang noo ko ng makita ang mga lalaki na super busy sa paglalaro sa beach at iniwan lang kami dito kasama ang mga mabibigat na bagahe. Mga walangya talaga!

"Hoy mga lalaki. Pupunta na tayo sa hotel!" Malakas na sigaw ko kaya naman nagsilapitan na sila. Inabot ko ang bag kay Nico pero nagulat ako sa marahas niyang pagkuha.

"Badtrip. Naglalaro pa nga, eh." Sabi niya at mabilis na naglakad. Napakurap ako. Masama ba yung ginawa ko? Inabot ko lang naman yung bag niya dahil madami na din akong bitbit.

Napailing na lang ako at naibaling ko ang tingim kayla Rain at Sky. Ang sweet nila kahit medyo nag aasaran sila. Naibaling ko naman ang tingin ko kayla Lucas at Jasmine. Sila naman ay pure kasweetan. Bumuntong hininga ako bago ko tanawin si Nico na maunang pumasok sa hotel. Napakasama ng ugali niya. Umiling lang ako bago ko niyaya sila na pumunta na sa hotel.

"Where is Nico?" Tanong ni Jas kaya naman di ko maiwasang mapairap.

"Nauna na sa loob."

Pagpasok namin ay agad kaming kumuha ng rooms. Iisang room lang si Jas at Lucas. Ganon din si Sky at Rain. Hindi ko alam kung kaya kong pagtiisan ang ugali ni Nico ngayon kaya ginawa ko na lang na isang room ako at isa din siya.

"Why? I thought you two live together?"

Umiling lang ako sa tanong ni Jas. Nagtaka kasi siya kung bakit hindi kami magkasama ni Nico sa iisang kwarto.

"Try lang muna namin na maghiwalay."

Pagtapos nun ay dumeretso na kami sa mga rooms namin. Matagal akong nag ayos ng mga gamit ko sa room kaya naman paglabas ko ay lumalangoy na sila at kumakain. Naka two piece ako na color red pero himala na hindi ako napapansin ni Nico ngayon. Sobrang busy niya sa paglangoy. Kasama niya si Rain sa pag swimming.

"Wow, Elle! You look good in red!"

Ngumiti ako at tumabi kay Jas. Naka white t-shirt siya at super short shorts. Natawa ako. Hindi ata siya pinayagan ni Lucas.

"Bakit ka naka t-shirt?"

"He doesn't like swim suits."

Natawa agad ako. Napaka possessive pala ni Lucas. Pero sabagay, maganda si Jas. Dapat lang talaga.

"Anong kinakain mo?" Tanong ko kaya naman binigyan niya ako ng burger. Habang kumakain ay saka ko lang napansin sila Rain at Sky. Nasa malayo kasi sila at halatang naghaharutan. Napa-iling na lang ako. Sana all na lang.

"Do you want to swim?" Tanong ni Jas kaya ngumiti lang ako. Mukhang napansin naman niya na may mali sa 'kin.

"Are you okay?"

"Oo naman. Medyo badtrip lang ako pero okay lang naman. Sige mag swimming kana. Sunod na lang ako." Tumango siya bago dahan dahan na naglakad papunta sa dagat.

Behind My Shattered SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon