Chapter 37: You're not welcome

18 2 0
                                    

"Hayaan mo na ang dalawang 'yon." sabi ni Nico kaya naman bumusangot ako at nakipag inuman na lang ulit kay Jas. Maya maya pa ay tumunog ang door bell kaya naman ay tumayo ako at binuksan ang pinto.

"O-Orange girl?!"

Tumawa lang siya ng makita ang reaction ko. Kumunot naman agad ang noo ko.

"Bakit ka nandito?! Sasaktan mo ba ako?!"

Napailing na lang siya ng bigla akong lumayo. Natawa din si Nico sa likod ko.

"No, hindi kita sasaktan. Secretary ako ni Queen at nandito ako upang tapusin ang party mo. May pupuntahan pa kasi kayo ni Queen bukas kaya kailangan mo ng magpahinga."

Nanlaki ang mata ko.

"Secretary ka ni mama?"

Dahan dahan naman siyang tumango.

"Yes. Ihahatid ko na ang dalawa mong kaibigan at magpapadala ako dito ng mga housekeeepers. Halika na kayo." tawag niya kay Jasmine at Lucas.

"Bye, Elle. Happy birthday ulit! Yung mga gifts ay nasa kwarto mo."

Tumango ako at niyakap si Jas.

"Happy birthday, babe."

Tumatawang niyakap ako ni Lucas. Tinawanan ko lang din siya dahil parang lasing na ang kumag. Pagtapos nun ay hinatid na nga sila ni orange girl na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan. Sa tingin ko ay ayaw niyang ipaalam. May regalo din daw siya sa akin na nasa kwarto.

"Babe?"

Napalingon ako kay Nico na nakasandal sa may pinto. Napailing na lang ako.

"Inaasar lang ako nun. Magpahinga kana. Mukha ka ng lasing."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Mataas ang alcohol tolerance ko. For your information."

Nagmartsa siya papasok. Hinawakan ko naman ang ulo ko dahil naiistress na naman ako sa mga inaakto niya. Ang seloso nun, ah?

"Sana all mature!" sigaw ko pa pero wala na akong narinig pa sa kaniya. Napangisi na lang ako. Dumating na yung mga maglilinis kaya naman pinapasok ko na. Mabilis lang silang natapos dahil kaunti lang naman ang kalat. Habang pinapanood ko silang maglinis ay iniisip ko kung saan kami pupunta ni mama bukas. Excited na ako kaagad.

Pagkatapos non ay naligo lang ako saglit. Mukhang nasa kwarto na niya si Nico dahil hindi ko nakita kanina sa labas. Napailing na lang ako sa ugali ng isang 'yon. Nakaka-high blood. Pagtapos kong magbihis ay chineck ko ang mga gifts na natanggap ko. Sobrang dami pero isa lang ang hinahanap ko hehe. Napangiti ako ng makita ko 'yon!

To: Elle
From: Nico

Kinikilig na binuksan ko ang kahon. Napangiti ako ng makitang may isang maliit at mahaba pang kahon at sulat. Una kong binuksan ang isa pang kahon at napangiti ako ng makakita ng isang silver na necklace. Personalize yon dahil may pangalan ko. Sunod ko naman na binuksan ang letter. Nagulat pa ako ng makitang may kasamang stolen picture ko na nakaupo sa aking upuan sa classroom sa may university. Seryoso ang mukha ko at nakikinig ako sa teacher. Bumaba ang tingin ko sa sulat.

Hi,

I want to start with a simple 'Happy Birthday'. Elle, you means a lot to me. That's why I'm writing this letter even though I'm not good at it but I really want to express these feelings that I have. Alam mo may aaminin ako sa 'yo. Dati trabaho ko lang na mag alala sa 'yo at bantayan ka. Dahil kung hindi ko gagawin ng maayos malilintikan ako kay Queen pero nag iba yon. Nag iba, Elle. Hindi ko kaya kung mapapahamak ka. I'm sorry kung nag lihim ako sa 'yo, I hope na sana wala kang tinatagong sama ng loob sa 'kin. Elle, gusto ko lang sabihin na kating kati na akong sagutin mo 'ko hahahaha joke I love you at talagang pipitikin ko noo mo kapag sinubukan mo pa ulit mapahamak.

Ps: masakit ako pumitik

-nico mo

Napangiti ako. Dali dali akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Dala dala ko yung kwintas ay kumatok ako sa kwarto ni Nico.

"Nico!" tawag ko at kumatok katok pa ako.

"I'm busy!"

Kumunot ang noo ko bago ako tumakbo pabalik sa kwarto ko at kunin ang susi sa kwarto. Susi yon ng lahat lahat dito sa condo ko. Kaya sa ayaw at sa gusto niya eh mabubuksan ko ang kwarto niya.

"Anak ng--"

Sinamaan ko siya ng tingin pagpasok ko dahil hindi siya busy! Nag e-ml siya!

"You liar!" sigaw ko at agad naman niyang tinago ang phone niya and act like nothing happened.

"Bakit ka ba nandito? Matulog kana."

Pinagkrus ko ang mga braso ko at tumitig sa kaniya.

"Saan ba nanggagaling 'yang sama ng loob mo sa 'kin?" hamon ko pero inirapan niya lang ako. Tignan mo napaka mature. Parang siya yung babae sa 'ming dalawa. Lintek!

"Nandito ako kasi gusto kong isuot mo 'to sa 'kin."

Pinakita ko ang kwintas at bahagya namang nanlaki ang mga mata niya pero iniwas niya lang agad ang tingin.

"Lika dito."

Umakyat ako sa kama niya at umupo sa tabi niya. Binigay ko sa kaniya yung kwintas at excited na tumalikod. Excited ako dahil may masama akong balak. Dahan dahan ang pagsuot niya sa 'kin kaya naman kinikilabutan ako. Pati pag hawi niya sa buhok ko ay nagdala rin ng kilig sa 'kin. Ang landi landi ko naman ata ngayon?

"Done."

Humarap ako sa kaniya at binaba ko ang tingin ko sa kwintas. Napangiti ako.

"Ang ganda.."

"Matulog kana."

Akmang hihiga na sana siya ng bigla akong pumatong sa hita niya. Napasandal siya sa head board at siniil ko ng halik ang labi niya. Suminghap ako ng sipsipin niya ang ibabang labi ko. Gumalaw ang kamay niya patungo sa batok ko at mas lalo pa akong diniin at ang isa naman niyang kamay ay nagpunta sa bewang ko para mas lalo akong hapitin.

"N-Nico.."

Habol ko ang hininga ko ng bitiwan niya ang labi ko. Akala ko hanggang do'n na lang 'yon pero nagkamali ako. Pinagpalit niya ang pwesto namin kaya ako na ang nakasandal sa head board ng kama at siya na ang nasa harap ko. Napaawang ang bibig ko ng hawakan niya ang kwintas sa dibdib ko kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na 'yon upang sunggaban ulit ang labi ko. Halos manlambot ako sa napakalamig niyang labi at titig. Nanghihina ako ng bigla niya akong bitiwan.

"T-Thank you.." sabi ko at hinawakan ko ang necklace. Sa ganong paraan ay sinasabi ko sa kaniya na nagpapasalamat ako sa regalong ibinigay niya. Dinilaan niya ang ibaba niyang labi at tumitig lang sa 'kin.

"You're not welcome."

Nagulat ako sa sagot niya. Magsasalita pa sana ako pero nasunggaban na niya ang labi ko.

Behind My Shattered Soulحيث تعيش القصص. اكتشف الآن