Chapter 7: Snow Globe

24 2 0
                                    

"What the--" Natutop si Lucas sa kinatatayuan niya. Medyo malayo sa 'min pero alam kong kitang kita niya kung sino ang culprit. Ngumisi lang si Primo na sa tingin ko ay nahulaan na rin kung sino ang culprit bago pa namin mahuli.

"P-Paano? What the hell Lance! Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin!" sigaw ni Bianca habang nakakapit parin sa 'kin na tila takot na takot. May galit sa mga mata niya. Tumingin ako kay Lance at nakita kong tumutulo na ang mga luha galing sa mga mata niya.

"Because he loves you. I don't really sure but I have a feeling that he's obsessed to you." matapos kong sabihin 'yon ay nanlaki ang mga mata ni Bianca pati na rin ni Lance. So totoo nga?

"W-What? I trusted you!" sigaw ni Bianca at dinuro pa si Lance.

Tumungo si lance. "I'm sorry.." paghingi niya ng tawad pagtapos ay tumingin siya sa 'kin.

"How did you found out?" tanong niya. Tinignan ko rin siya.

"Bianca gave me the letters and notes. The letters have different themes. Gawa mo ang mga 'yon. There's a hidden words sa baba ng bawat sulat sa pagbabakasali mo na malaman ni Bianca ang feelings mo at pinagtiyagan ko na i-decipher ang mga 'yon. Yung mga code ay hindi nagsasabi kung sino ang gumagawa non kay Bianca. Sinasabi non ang mga iilan na katangian ni Bianca at ikaw lang ang nakakakilala sa kaniya. Ikaw ang pinakamatalik niya na kaibigan." Mas lalo siyang tumungo. Sunod sunod na tumutulo ang mga luha.

"Crab and rashes para sa tinatagong allergies ni Bianca. Five years dahil five years na kayong magkaibigan and 'You and me' dahil umaasa ka na susuklian ni Bianca ang nararamdaman mo para sa kaniya."

"B-But why is he stealing my clothes?" tanong ni Bianca puno ng pagtataka.

"Because he's stalking over you. You know? I don't think he likes you, I think he's obsessed to you."

"I-Ibig sabihin-- Oh my god.." usal ni Bianca at napapikit na. Kinukuha ni Lance ang mga damit ni Bianca upang amuyin at tignan o kung ano pang gusto niya kasi nga pinagnanasaan niya si Bianca at feeling ko may mga pictures pa si Bianca sa kwarto niya. Siguro kailangan ni Lucas na pumunta sa bahay o kung saan man tumutuloy si Lance para maghanap ng iba pang ebidensya at para mapatunayan talaga na siya ang gumagawa nito.

"I'm s-sorry. Ang gusto ko lang naman ay mahalin mo din ako.. m-mali ba 'yon?" umiiyak na si Lance habang sinasabi niya ang mga salita na 'yon.

"I'm sorry Lance pero hanggang dito na lang tayo! Hindi kita kayang mahalin--"

"NO! YOU WILL LOVE ME! MAGPAPAKASAL TAYO AT KAPAG TUMANGGI KA PAPATAYIN KITA!" Napaatras kami ni Bianca ng malakas na sumigaw si Lance. He is definitely crazy!

Agad naman tumakbo si Lucas at Primo papunta kay Lance at pinosasan nila ito.

"Halika na sa police station." madiing sabi ni Lucas at hinila nila si Lance palabas ng unit ni Bianca.

--

"Salamat sa inyo.." sabi ni Bianca sa 'min. Nasa labas na kami ng police station at uuwi na rin dahil madami dami pa akong gagawin.

"Don't worry hindi ka na niya guguluhin. Just call me kapag may problema ulit." sabi ni Lucas at sumaludo pa. Ngumiti lang ako.

"Salamat sa foods at netflix!" sabi ni Primo at napa-facepalm na lang kami. Kahit kailan talaga! tss.

"Nako, wala 'yon haha." sabi ni Bianca at pinisil ang pisngi ni Primo. Napataas ang kilay ko!

What the heck?

"Elle, thank you talaga!" sabi ni Bianca at niyakap ako. Ngumiti lang ako. Pagtapos non ay umalis na kami. Balak ko na sanang umuwi dahil baka magalit si tita pero why not nga naman na kumain muna kami dahil nakakagutom talaga ang mga nangyari. Sa mcdo namin napagpasiyahan na kumain dahil ito lang ang nadaanan namin na fast food.

"I want spaghetti!" ani ni Primo with matching turo turo pa do'n sa picture ng spaghetti. Napailing na lang ako. Ang matured talaga kahit kailan.

Iced coffee at fries lang ang in-order ko. Si Lucas ay sundae ang in-order at si Primo ay syempre spaghetti ang in-order. Kasalukuyan kong iniinom ang kape ko ng magsalita si Lucas.

"How did you found out? Amazing." sabi niya sabay ngisi. Napangisi din tuloy ako.

"Why? Simple lang 'yon." sabi ko at humalakhak. Bumusangot naman siya.

"Seriously pa'no nga?"

"It's really hard lalo na't pagbinasa mo yung sulat ay parang yung nagbigay hindi magagawa kay Bianca yo'n. Kasi ang nabasa ko do'n ay parang pure love kaya sabi ko sa sarili ko ay totoo bang yung nagnanakaw ang nagbigay nito pero kung mas iigihan mo pa sa pagbasa ay hindi lang love basta ang makikita mo. Lust, obsession, pain, at kung ano ano pa na hindi normal." sabi ko at kinain ang hawak kong fries . Napatango naman si lucas.

"You? How did you found out?" tanong ni Lucas kay Primo na busy sa pagkain ng spaghetti. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng fries.

"Madami ka pang kakaining sundae para matutunan mo ang technique na 'yon." Napatawa ako ng malakas. Ang kulit ni Primo!

Napanguso lang si Lucas at ipinagpatuloy ang pagkain ng sundae.

"Edi sana all!" sabi niya at mahina akong natawa.

"Naisip ko kasi na you're tired sa pagso-solve ng case so ako na muna ang humawak. Give yourself a rest." I said and wink. Ngumisi lang siya.

Pagtapos no'n ay napagpasiyahan na namin umuwi. Nakatulog na si Primo kaya wala kaming choice kundi gisingin siya dahil nasa tapat na kami ng building kung nasaan ang condo unit niya. Antok na antok siyang nagpaalam. Natawa na lang ako.

"Dito na lang." sabi ko at bumaling ng tingin kay Lucas. Nasa tapat na kami ng bahay ko.

"Thank you sa paghatid. Ingat ka." sabi ko. Tumango lang siya at pinisil ang pisngi ko.

"Goodnight, Harriet.."

"Goodnight." pagtapos kong sabihin yo'n ay lumabas na ako sa kotse at nagpaalam. Tinanaw ko ang papalayong kotse niya tsaka pumasok sa loob ng bahay.

"Tita? Sorry po kung gan'tong oras na ako umuwi. May inasikaso lang po sa police station." sabi ko habang nagtatanggal ng sapatos. Medyo hindi ko pa matanggal kasi patay ang ilaw at nahihirapan ako.

"Tita?" tawag ko pa pero walang sumasagot. Bakit ganon? Dapat narinig na niya ako. Pagtapos kong tanggalin ang sapatos ko ay binuksan ko na ang ilaw at halos matumba ako sa nakita ko!

"T-Tita!" sigaw ko at dali dali siyang nilapitan. May saksak ito sa dibdib at halatang wala ng buhay.

T-Tita..

Kumabog ang dibdib ko ng may makitang papel. Pinulot ko ito at binasa.

My gift for my Elle Harriet. At the kitchen table.

Dahan dahan akong nagpunta sa kusina at kinuha ang isang 'snow globe' na nasa ibabaw ng kitchen table.

Bigla ko na lang itong nabagsak ng sumigaw ang pinsan ko.

"MAMA!"

Dahan dahan akong yumuko at pinulot ang mga bubog kasabay ng pagagos ng dugo sa kamay ko at ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now