Chapter 13: Victory

16 2 0
                                    

"What the hell?! Are you drunk already?"

Nagising ako ng may marinig na mga sigawan sa paligid ko. Nagmulat ako ng mga mata at dahan dahan na umupo mula sa pagkakahiga. Nakahiga pala ako sa couch at sa harap ko ay ang nagtatalong si Primo at Lucas habang kumakain ng ramen at umiinom ng Heineken.

"You're awake.." ani ni Lucas at ngumiti sa 'kin saglit.

"Nasa unit mo ba tayo?" Tanong ko habang inililibot ko ang aking paningin. Oo nga, nasa unit nga niya kami. Tumayo si Lucas pagtapos ay tumingin sa'kin.

"I get you a glass of water." Aniya at dali daling nagpunta sa kusina. Tumango naman ako at nagpasalamat.

Napatingin ako sa suot ko. Nakabody con dress pa rin ako ngunit may nakasuot na sa 'kin na makapal na jacket. Kulay black 'yon at nasisiguro kong kay Primo 'yon. Dahil nakita ko na siya dati na suot itong adidas . Napatingin ako kay Primo na ngayon ay umiinom ng beer. Nanonood siya ng netflix sa phone niya at hindi niya naubos ang ramen niya.

"Hey, ubusan mo oh sayang." Sabi ko sa kaniya and itinuro ko ang ramen. Umiling siya na parang bata. Napataas na lang talaga ang kilay ko ng marinig ko ang sagot niya.

"Ayoko niyan. I told lucas to buy me spaghetti. That jerk, hindi man lang ako pinansin." I chuckled. Hindi naman kasi mahilig do'n si Lucas.

Bumalik na si Lucas na may dalang isang basong tubig at ramen. Uminom ako ng tubig bago inumpisahang kumain ng ramen. Oh my gosh! This ramen taste so good! I wonder why Primo don't want this. Masarap naman ang lasa. Nagpatuloy pa ako sa pagkain ng biglang magsalita si Lucas.

"You okay?" He asked at tumango naman ako.

"Oo. Hindi naman ako nasaktan." Sabi ko at tumango naman siya.

"That's good."

Pagtapos kong kumain ay napagpasiyahan namin na manood ng netflix sa t.v dito sa unit ni Lucas. Naglabas ng sushi si Lucas at beer pero hindi nila ako pinayagan na mag beer. Juice lang daw ang akin. Since kanina pa may japan vibes dito because of ramen and sushi ay napagpasiyahan namin manood ng anime.

"The promise neverland na lang kasi!" Suggest ni Primo pero agad na umiling si Lucas.

"Tokyo ghoul! Tokyo ghoul!" Parang bata na sigaw ni Lucas at napabuntong hininga naman ako. Ang kulit ng dalawang 'to at sumasakit ang ulo ko sa sigawan!

Kinuha ko sa kanila ang remote at sumigaw ako ng malakas.

"Stop! Dahil ang ingay ingay niyo at sumasakit na ang ulo ko sa ingay niyo. We'll watch Demon slayer instead." I said at pinindot ko na yung Demon slayer. This is one on my favorite anime series! Natawa ako ng parehas silang bumusangot at nanahimik na lang.

Habang nanonood kami hindi ko mapigilan tumawa ng mahina sa mga biglaang pagsigaw ni Primo at Lucas. Akala ko ayaw nila nito? Bakit parang inilalagay na nila yung sarili nila dun sa bida? Napailing na lang ako.

"Water breathing. First form!" I rolled my eyes. Kala ko ba ayaw? Ba't may paganiyan na?

Matapos kong maubos ang sushi ko at juice ay nagpaalam na ako na matutulog sa guest room. Nagpaalam din ako na makikigamit muna ako ng shower bago matulog. Tumango lang sila at nanatiling nakaupo sa couch. Kumunot ang noo ko.

"Hindi pa kayo matutulog? Anong oras na oh?" Tanong ko sabay turo sa wall clock. Umiling naman sila at sabay pa silang ngumisi. Anong plano ng mga 'to?

"Ml lang kami." I rolled my eyes. Kaya naman pala. Oh well, wag lang sana silang maingay.

"Oh, okay. Matalo sana kayo." Sabi ko at naglakad na palayo. Hindi pa ako nakakalayo ng masyado ng marinig ko sila na tumawa.

"Malakas ata kami." Napailing na lang ako at nagtungo na sa guest room. Tulad nga ng sabi ko kanina ay nagshower muna ako. May mga damit naman dito dahil minsan nga naghahang out kami ni Lucas. Nood movie, ml, kain gano'n lang. Matapos kong magpatuyo ng buhok ay agad din akong nakatulog dala na rin siguro ng pagod.

--

Maaga akong nagising kinabukasan. Naghilamos lang ako at nagtooth brush gamit ang tooth brush dito. Pagtapos kong maghilamos at magtooth brush ay inaayos ko ang kama ay pumunta na ako sa living room at nakitang walang tao ro'n. I shrugged. Baka tulog pa ang mga 'yon.

Naglinis linis ako do'n pagtapos ay napagpasiyahan ko na magluto ng breakfast. Fried rice, eggs, hotdogs lang ang niluto ko. Saktong pagtapos ko magluto at maghain ay bumaba na sila. Badtrip ang mga mukha nila pero gwapo pa rin. Sana all diba?

Umupo sila at parehas pa silang nakanguso. Ano bang nangyari sa mga 'to? Madami ba ang nainom kagabi? May hangover ba?

"Madami ba kayong nainom kagabi? Gusto niyo pagtimpla ko kayo ng kape?" Tanong ko ngunit umiling lang sila. Seriously, ano bang problema ng mga 'to?

Lumayo ako ng kaunti sa table at pinagtimpla sila ng kape. Lumingon ako sa kanila at nakitang gano'n pa rin ang mga mukha nila. Umiling na lang ako at inilapag ang kape sa harap nila.

"Ano bang nangyari sa inyo at ba't ganiyan ang mga itsura niyo? Para kayong namatayan." Tanong ko pagtapos kong magdasal. Kumukuha na ako ng almusal ngayon. Bumuntong hininga sila at kumuha na rin ng pagkain.

"Talo kami. Damn." Nung una ay hindi ko nagets ang sinabi ni Primo ngunit bigla na lang ako natawa ng sobrang malakas ng marealize kung sa'n sila talo.

"Nako naman, marami pa kayong kanin na kakainin." Sabi ko at sumubo ng fried rice. Tinaasan nila ako ng kilay. Oh, bakit? May nasabi ba akong mali? Weak naman sila ah. And that's a fact! Haha

"Makapagsalita siya kala mo naman malakas." Bulong ni Primo at kumagat sa hotdog. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi ako.

"Sige, maglalaro ako mamaya. Pahiram ako ng account mo, Lucas. Papakitaan ko lang 'tong si Primo na weak." I said at kumagat din ako sa hotdog ko. Umiling at natawa si Lucas at parang hindi naniniwala sa 'kin. Aba grabe, wag niyo kong minamaliit!

Pagtapos namin kumain ay gano'n nga and nangyari. Pinahiram ako ni Lucas at naglaro kami ni Primo. Ilang buwan na akong di nakakapaglaro dahil hindi ko masyadong sineseryoso 'to. Libangan lang naman pag walang pasok. So pag natalo kami, ayun nga wala na kasing practice.

Napanganga si Primo ng matapos ang laro. Panalo kami at mvp pa ako. Napangisi na lang ako. Okay lang pala kahit walang practice.

Nagulat na lang ako ng yakapin ako ni Primo.

"Sana all malakas. Teach me senpai!" Sabi niya at napahalakhak na lang ako at tinulak siya.

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now