Chapter 30: Thunder

16 2 0
                                    

"Oh, nandito na pala ang hinahanap ko. What makes you come here huh?"

Umiiyak na nag-angat ako ng tingin. Nung magtama ang paningin namin ay napaawang ang bibig ko sa gulat.

"Hmm, I wonder kung kaano ano mo 'tong babaeng 'to to the point na dumalaw ka pa talaga dito."

Humalakhak si Mrs. Lorraine o kung sino man siya, wala akong pake. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. Sumisikip ang dibdib ko. Kung ano ano ng naiisip ko. Natatakot ako. Anong ibig sabihin nito, Primo?

"What do you want?" Tanong ni Primo o kung sino man talaga siya. Mas lalong nagtuluan ang mga luha mula sa mata ko. Wala na akong maintindihan. Gulong gulo na ako. Pakiramdam ko lahat sila niloloko na lang ako.

Ano bang kailangan nila sa 'kin?

"You can take her. Since narito ka naman na, Nicolas. I believe na meron ka namang kasama sa labas."

Humakbang papalapit sa 'kin si Primo. Kinalagan ako gamit ang kutsilyo na kinuha niya mula sa bulsa niya. Inalalayan niya akong tumayo pero bigla na lang akong bumagsak sa sahig. Mas napaiyak ako sa sakit.

"What the fuck did you do to her?!" Sigaw ni Primo. Tumawa naman si Mrs. Lorraine o kung sino man talaga ang demonyo na nasa harapan namin.

"I did nothing. Why so furious? Naninibago ako sa 'yo, Nico!" Halakhak niya pa.

Tumulo na naman ang mga luha galing sa mata ko. Bakit ba siya tinatawag na 'Nicolas'? Masisiraan na ako ng ulo!

"Papatayin kita." Gigil na banta ni Primo at binuhat ako. Mukha namang natakot ang nasa harap namin.

"Wala namang gan'yanan. Baka masira image mo diyan sa girlfriend mo!"

Hindi na nagsalita pa si Primo at naglakad na lang papalayo. Narinig ko pa ang pahabol ni Mrs. Lorraine.

"Don't be late to our meeting tomorrow."

Lumabas na kami do'n. Mabilis ang lakad ni Primo. Napansin ko ang mga lalaki na may hawak na malalaking baril. Marami sila. Natatakot ako pero hindi ko matuonan ng pansin dahil madami pa rin akong iniisip at sobrang sakit na ng katawan ko.

"Rain!"

Sumigaw si Primo paglabas namin. Nakapikit na ako kaya naman hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Hinang hina na ako sa mga nangyayari.

"Open the damn car!"

May narinig akong bumukas at naramdaman ko na lang na parang umaandar. Nasa kotse na kami panigurado.

"Shit, Queen Sun will kill me! Fuck!" Narinig kong sigaw ni Primo. Napaubo ako bigla dahil bigla akong kinapos ng hininga.

"Rain, buksan mo yung aircon!"

May narinig akong tumawa.

"Oops, sorry I forgot."

Dahan dahan na lumuwag na ang paghinga ko. Sinubukan kong gumalaw dahil ramdam ko na yakap yakap ako ni Primo pero napahiyaw ako ng makaramdam ako ng sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Ah!"

Tila nataranta si Primo sa sigaw ko kaya naman sumigaw na naman siya.

"Call, Sky!" Sigaw ni Primo.

"Copy, Thunder."

T-Thunder? Bakit Thunder naman ang tawag kay Primo? Naguguluhan na talaga ako. Sumasakit na naman ang ulo ko..

"Fuck, why are you crying? May masakit ba?" Bulong ni Primo pero hindi ko siya sinagot. Maya maya ay naramdaman ko na huminto na ang sinasakyan namin. Naramdaman ko na parang may mga maingat na humahawak at bumubuhat sa 'kin pero hindi ko na naramdaman ang mga sumunod na nangyari dahil biglang tuluyan na akong kinain ng panghihina.

--

"She's fine."

Dahan dahan na iminulat ko ang mata ko ng may marinig akong nagsasalita. Nung una ay akala ko nasa hospital ako dahil puro puti ang nakikita ko. Puting kisame at pader. Ngunit ng dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ay nakita ko na wala pala ako sa hospital. Nagtama ang tingin namin ni Primo kaya pumatak na naman ulit ang mga luha galing sa mga mata ko.

"Hala, Sky umiiyak siya! May masakit ata." Sabi nung lalaki na katabi ni Primo. Agad namang kumilos si L-Lia?

"L-Lia?"

Binigyan niya lang ako ng ngiti pagtapos ay sinuri ako. Tinitignan kung may sugat pa o ano.

"B-Bakit tinawag ka niyang 'Sky'? H-Hindi ko maintindihan.."

Bumuntong hininga siya.

"Mamaya maiintindihan mo rin. Iiwan muna namin kayo ni Rain kay Thunder."

Pagtapos niya akong yakapin ay lumabas sila nung Rain. Naiwan kami ni Primo sa loob.

"Ano ba talagang totoo mong pangalan?"

Umiiyak na tanong ko sa kaniya. Nakaupo lang siya sa couch at tinititigan ako. Bakit hindi siya nagsasalita? Mababaliw na ako sa mga nangyayari!

"Please Primo o kung ano man talaga ang pangalan mo, pwede na ba akong umuwi?"

Gustong gusto ko na umuwi. Feeling ko hindi ko kakayanin kapag nalaman ko lahat lahat. Akala ko kaya ko na yun pala hindi parin pala.

"No. You'll stay here from now on."

Napaawang ang bibig ko ng marinig ang mga sinabi niya. D-Dito na ako titira?

"H-Hindi kita maintindihan, Primo. Please gusto ko ng umuwi.."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Napaatras naman ako kahit malayo pa rin kami sa isa't isa.

"Wala na ang mga gamit mo sa apartment. You'll stay here. You belong here."

Napaiyak na ako ng tuluyan.

"B-Bakit mo ba 'to ginagawa Primo? Please naman, oh."

Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin. Bakit gano'n naman kasi? Bakit kailangan maloko ako, masaktan, mamatayan o kung ano ano pa? Hindi ko na alam. Gusto ko ng sumuko. Nag angat ako ng tingin at nakita ko na may hawak na si Primo. Glass shoes.

Natulala ako.

Binaba niya saglit ang glass shoes at lumapit sa 'kin. Nanghina ako ng bigla niya akong binigyan ng isang malalim na halik. Napapikit ako. Para akong nalulunod sa halik niya.

"I love you.." Aniya pagtapos akong halikan. Malapit pa rin ang mga labi namin sa isa't isa. Parang lasing na tumitig ako sa kaniya. Inangat niya ang baba ko upang magtama ang tingin namin.

"I'll stay with you, no matter what." Sabi niya at hinalikan pa ulit ako.

Napakapit na ako sa braso niya ng pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Napapikit ako. Humiwalay siya at hinalikan na lang ako sa noo. Huminga ako ng malalim.

"Do you want to know my name?" Dahan dahan akong tumango. Ngumiti naman siya.

"Just call me baby. Your baby."

Behind My Shattered SoulWhere stories live. Discover now