Chapter 23

11.8K 289 18
                                    

Chapter 23

Ako ang una

Gusto ko na sanang matapos itong kinakain ko para makapasok na ako sa kwarto ni ate Kat. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa dalawang katabi ko. Si Karl sa kaliwa habang si Kez sa kanan. Talagang pinagigitnaan pa nila ako a!

Tanghalian at kasalukuyang kumakain kaming lahat. Ate Kat cooked the food for us. Na-miss niya raw kasing magluto sa kanilang pamilya. Kahapon lang pala siya nakauwi galing London at kasama niya ang anak niya pag-uwi pero hindi niya kasama ang asawa niya sa kadahilanang may trabaho ito at hindi pwedeng iwan. Naiintindihan naman ni Ate Kat ‘yon.

Pero napaka-cute at gwapo naman ng kanilang anak na si Dei! Kahapon pagkauwi namin—I mean, wala namang nangyari kahapon—e? Basta! Pagkapasok ko sa kwarto ni ate wala siya roon at muntik ko ng hindi tigilan na lamutakin si Andrei. Dei ang kanyang nickname. At tamang-tama dahil ang taba ng cheeks. Mana kay ate Kat dahil ganoon din siya. Mga tatlong taon na ito. Namana niya rin ‘yong dimples ni ate pero mas malalim ‘yong dimples ni Dei katulad nung kay Karl.

Napalunok ako nang banggitin ang pangalan niya.

“Kain ka pa.”

Napatingin ako sa kanan ko.

Jusko, Keziah! Gusto ko na ngang matapos!

“Ayan.”

Napatingin naman ako sa kaliwa ko.

Jusko, Karl!  Ngumuso siya sa pwesto ng plato ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang may panibago na naman akong ngunguyain. Hindi sa nagrereklamo ako pero busog na ‘ko at ayoko na si kinalalagyan ko!

Ayoko namang magsalita na ‘ayoko na’ sa harapan ng mga magulang nila. Nakakahiya dahil nakikitira na nga ako ‘tapos may gana pa akong magreklamo? Saan ko naman nakuha ang kakapalan ng mukha ko?

“Ha-ha. Salamat,” ani ko.

 Una kong tinignan si Kez at pagkatapos kay Karl na nakasimangot nang tumingin ako sa kanya. Problema nito? Kanina lang nguso-nguso pa siya a! May topak rin ata ang lalaking ito!

“Dapat ako una,” he whispered.

Lilingunin ko na si Karl ngunit biglang nagsalita si tito Joey.

“Ano ng balak mo ngayon Nica?”

Binaling ko ang aking atensyon sa papa nila. Nakapag-isip isip na rin naman ako kahapon pa lang kung ano ang balak ko. Pagkatapos kong malaman na wala naman pala si bes dito sa Bulacan, isa lang naman ang naiisip ko. “Uuwi na po ako.”

Ramdam ko ang paglingon ng dalawang katabi ko pero ni isa sa kanila hindi ko nilingon.

“Saan? Sa Quezon City? O sa probinsya niyo?” Ate Kat asked.

“Sa apartment muna ate.” Ate Kat nods.

“O, Karl, nak. Sa Quezon City uuwi si Nica.” I gulp, knowing na makakasama ko na naman ‘tong lalaking ‘to na hindi ko binigyan ng kahit anong salita kahapon. “Uuwi ka na ba agad?” tita Beth added. Kita ko ang pagkalungkot ng mata ni tita Beth. Tumingin din ako kay tito Joey at nakatuon din pala ang atensyon niya sa akin. Ilang linggo akong namalagi rito sa kanila at parang hindi pa ako umaalis, nararamdaman ko ng mami-miss ko silang lahat dito.

“Mamaya po sana. Mga hapon para mga gabi nasa apartment na po ako.”

**

Pinagmasdan ko ang mga gamit kong nakalatag sa kama ni Ate Kat. Mabuti na lang wala sila rito dahil ang gulo-gulo ng gamit ko sa kama niya. Pinaliliguan kasi ni ate si Dei. Alas dos na ng hapon kaya kailangan ko ng mag-ayos ng gamit. Hinihiwalay ko ‘yong damit na binili ni Karl sa akin, iyong damit na ilang nahiram ko kay ate, at iyong damit na dala ko—I mean ‘yong unang punta ko rito sa kanila. Iyong iisang t-shirt at jeans ang susuotin ko ngayong pag-uwi ko. Nakakahiya dahil si tita Beth pa talaga ang naglaba nito. Hindi ko kasi alam na pumasok siya minsan rito at kinuha ang damit ko.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now