Chapter 25

11.6K 242 9
                                    

Chapter 25

Ex-boyfriend

Dalawang na ang araw ang lumipas simula nang umuwi ako rito sa apartment na inuupahan ko. Noong bagong uwi ko, pumunta ako sa favorite place ni bes kung nandoon ba siya pero wala pa ring resulta. Ngayon, I don't know what to do. It is 8 a.m. in the morning at natapos ko ng linisin ang apartment. Mag-isa lang ako rito dahil umalis na 'yong roommate ko.

Hindi ko maitanggi na nami-miss ko na ang Bulacan, ang bahay ng de Vera, si tito Joey, tita Beth, ate Kat, well, Kez, at ang cute na cute na si Dei na binigyan pa ako ng stuff toy na unggoy. Napakagat ako ng labi at napapikit nang mabanggit ang unggoy. Sa totoo lang kamukha talaga ni Karl-Yes, ni Karl 'yong binigay ni Dei sa akin. Hindi ko naman itatanggi 'yon.

Ugh.

Napaupo ako sa aking kama.

Putek!

Naalala ko bigla 'yong nangyari sa kotse. Hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin ko kay Karl noong araw na iyon. Pero I think, I told the truth. Tama lang ang ginawa ko. Pero bakit hindi naman siya nagpaparamdam sa akin? Putek! We're friends? RIGHT? Ang magkakaibigan nagkakamustahan! Kahit sa text man 'yan o ano man! Pero mas maappreciate ko sana kung pupunta siya-Oh my gosh, Veronica! What are you thinking?

Bigla akong napapusod ng buhok. I bite my lower lip and look on something-well, hinanap ko ang phone ko. Baka may nagtext na sa akin. At baka importante. Napatayo ako at napapunta sa maliit na cabinet. Natagpuan ko ang aking phone katabi ng binigay ni Dei na stuff toy. Kukuhanin ko na sana ito nang bigla itong tumunog.

Putek!

Napaatras pa ako nang tumunog ito.

Kinuha ko na lang ito at napabuntong hininga. Kung si ano 'to hindi ko 'to sasagutin. Ang kapal ng mukha na tatawag siya sa akin at ngayon lang magpaparamdam? Who you siya sa akin ngayon? Akala niya ha!

Pinasadahan ko ng tingin ang aking phone at napalunok nang hindi siya ang tumatawag-hindi si Karl. At mukhang importante 'to dahil unknown number. O kaya mga nanloloko lang? But I hit the call button.

"Hello," I said.

"Good morning, Ms. Villareal. I am from the Padilla Construction."

I gasp.

Napatakip ako ng bibig. Ito iyong isa sa mga kompanya na nirekomenda ng university para sa akin. I am lost in words. I'm not ready to answer their questions. Are they going to hire me as their engineer?  Oh my gosh! Anong gagawin ko?

Breathe in.

Breathe out.

Hindi pwedeng mahimatay na lang ako sa ganitong sitwasyon. Trabaho 'to. Ito ang kailangan ko para sa pangarap ko.

Calm, Veronica. Calm your shit!

"We haven't received any reply coming from you, Ms. Villareal so we're worried that you already declined our offer. We emailed you, twice. But it's been a week so our manager told me to call you. He's please to meet you for important matters. We'd hope to see you at 10 a.m. in the Padilla Company."

Shit!

Ito na nga ba! I've forgot this. Nakalimutan ko talaga 'to. After kong magtapos, nawala sa isipan ko 'to. This is my freaking fault. Hindi ko alam na nag-email pala sila sa akin. Putek! Paano kung-shit! Hindi oras para mag-isip ng negatibo tungkol dito. Kailangan kong umoo at pumunta sa kompanyang ito.

"I'm sorry. I didn't read any emails coming from you. I am really sorry." Napakagat ako ng labi. Say the word. "Yes. I'm coming. I am pleased to meet your manager, too. Thank you so much."

A Trip to Love (ARTL, #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora