Chapter 38

10.2K 224 12
                                    

Chapter 38

My own decision

Hindi ako kinausap ni Karl. Oo, sabay kaming umuwi sa condo niya ngunit tahimik lang siya. Sinubukan kong magbigay ng mapag-uusapan pero hindi talaga siya umiimik sa akin. Alam kong sinuway ko ang gusto niya. But this is not about his life anymore, sa 'king buhay na 'to. Paano na nga lang kung pabayaan ko ang sarili ko at 'wag ituloy ang paghahanap ng trabaho? Paano na lang kung maghiwalay kami? Saan ako pupulutin? Alam ko 'yong effort ni Karl sa akin. Alam ko kung saan umabot ang pagmamahal niya sa akin pero...pero this is about my dreams. Karl should understand me.

Gusto kong magkaliwanagan kami. Pero ayaw naman niya akong kausapin.

Hindi ko talaga alam kung saan siya nagagalit. Dahil nakipagkita ako kay John? Dahil sa sinuway ko siya? Dahil hindi ako nagpaalam? Ito ba lahat ng rason niya para magalit sa akin ngayon? Hindi ko alam.

"Kumain na 'ko kanina. Kumain ka na," malamig niyang sabi. Lalapit na sana ako sa pwesto niya ngunit mabilis siyang naglakad sa couch at agad na nagtalukbong ng kumot. Hindi ko na siya nagawang kausapin. Dahil ang taong ayaw makipag-usap sa'yo, gagawa ng paraan para balewalain ka.

Nawalan na 'ko ng ganang kumain. Kung ayaw niya, e 'di h'wag! Hindi ko naman siya pinipilit. Putek naman! Karl naman kasi!

Pumunta na lang ako sa kwarto at padabog na sinara ang pinto. Kainis! Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit ganito siya? Naiintindihan niya ba 'ko? Kasi kung naiintindihan niya 'ko, mauunawaan niya. Hindi 'yong nakatingin lang siya sa isang side. He should understand my side. Alam naman niya 'yon, alam ko dumating din naman siya sa estado na ganito. Na gustong matupad ang pangarap.

Humiga ako sa kama ngunit ang likot-likot ko dahil hindi ako mapalagay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatayo. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa lugar ni Karl sa sala.

"Mag-usap naman tayo!" Inalis ko ang kumot sa kanyang katawan. Bumungad ang hubad niyang upper body sa akin at ang kanyang pulang boxer short. Napaiwas agad ako at napalunok. "Karl naman..."

"Hindi mo na kasi kailangan, Nica, that's my responsibility. Nandito ako para sa trabaho. Kaya kong tustusan ang pangangailangan mo—niyo—ng pamilya mo. I am here to serve you. Hindi mo na kailangan gawin 'yon. Hindi mo na kailangan mapagod pa ng husto. Because I didn't like it. Tama ng ako na lang." His jaw clenched. Napagulo  ng buhok si Karl pagkatapos.

Napaawang ako ng bibig.

"Nica, trust me. Kaya kong gawin 'yon dahil mahal kita. Kaya kong ako ang umako ng lahat para sa'yo. I am your servant willing to do anything and you're my queen." Napatikom ng bibig si Karl pagkatapos niyang magsalita. He closes his eyes and says, "I love you. And if you love, you're going to accept what I want for you."

"Karl..."  Napakagat ako ng labi.

Napapikit para mapigilan ang emosyong nangangambang lumabas sa akin. Hindi niya 'ko naiintindihan. Hindi niya 'ko kayang unawain.

"Nica...please. Tell me, do you love me?" Nakikiusap ang kanyang mata sa akin ngunit napailing ako. Napatakip ako ng bibig. At hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Bumaba ang balikat ni Karl sa nakita niyang reaksyon ko. Napaawang pa siya ng bibig. Karl gritted his teeth, "So, you're going to choose your dream over me?"

Tumulo ang luha ko.

At pikit mata akong tumango sa kanya.

**

Kinabukasan, ni hindi ako ginising ni Karl. Umalis na lang siya ng hindi nagpapaalam sa akin. I texted him, twice, thrice and I don't know how many times I texted him. I only received nothing from him. Tumawag pa ako ngunit hindi naman niya sinasagot. I love him. Sobra. At kung sinabi ko 'to kagabi, bubugso lang ang nararamdaman niya at ipipilit niya kung ano 'yong gusto niya at hindi 'yong akin. Pero ano magagawa ko, kahapon pa ako may desisyon. At hindi makuha ni Karl 'yon. O ayaw lang niyang tanggapin ang nais ko.

Iyong text lang kay John ang natanggap ko. Nasabi ko rin sa kanya 'yong nangyari sa amin ni Karl dahil hindi ko na kayang ikipkip lang ito sa aking sarili. Wala naman si bes sa tabi ko para i-comfort ako. John told me, na ma-realize ni Karl 'yong gusto ko. Naiintindihan din naman ni John si Karl. At lalong lalong naiintindihan ko si Karl. Pero hindi ako 'yong klase ng babae na hindi kumikilos. May gusto akong patunayan. Bata pa lang ako ayokong ayokong dumedepende sa ibang tao.

I texted Karl again. At humingi ako ng sign. Kung magtetext siya sa akin hindi ko gagawin 'yong iniisip ko. Pero kapag wala akong natanggap sa kanya, gagawin ko na lang 'yong sarili kong desisyon. Dahil hindi naman yata ako nauunawaan ni Karl. Hindi ko alam kung bakit ang drama-drama ko ngayon! At hindi 'to bagay sa akin!

Isang oras.

Isang oras ang ibibigay ko. At kapag wala pa rin akong natatanggap sa kanya, gagawin ko na ang gusto ko ng walang pag-aalinlangan.

**

I didn't receive any text coming from him. So, I packed my things. Iniwan ko lang 'yong mga binili niyang damit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw tumigil ng luha ko sa pagtulo. Nakailang punas na 'ko pero ayaw talagang tumigil. Basang-basa na nga 'yong twalya pero wala pa rin. Kalahating oras na 'kong nasa kusina, umiinom ng tubig at...hinihintay siya. Pero hindi naman siya dumadating.

Kahit ayoko mang isipin, pero mukhang binabalewala niya lang ako. Na hindi niya ako iniintindi. Kahit man lang text na 'Teka' WALA akong natanggap sa kanya. Kaya buo ang aking loob na mag-impake. Siguro nga mamaya pa dating niya. Kailangan ko sigurong umalis at 'wag na siyang hintayin pa.

Kinuha ko na ang bag kong nakapatong sa glass table ni Karl. Pinunasan ko ulit ang pisngi ko sa luhang tumulo. Bumuga ako ng hininga at napapikit. Pakiramdam ko kinapos ako ng hininga sa pag-iyak ko kahit na uminom naman ako ng tubig. Kagat-kagat ko ang aking labi mapatigil lang sa paghikbi.

Pero napabukas ako ng mata nang marinig na bumukas ang pinto. May narinig akong mabilis na yabag na papunta sa kusina. At gulat na gulat si Karl sa katayuan ko ngayon. Nasa likod ko na ang aking bag. Mahigpit ang aking pagkakahawak na para mong ayaw ko 'tong bitawan.

"What is this, Nica? Aalis ka?" tanong niya. Muntik na niyang mabitawan ang shoulder bag niya sa gulat. "Nica...ano 'to?" Kunot ang kanyang noong hindi makapaniwala.

Naglakad na si Karl papunta sa pwesto ko at hindi naman ako makakilos. Sana naglalakad na ako palabas pero hindi magawa ng mga paa ko. Nakatitig lang ako kay Karl na hindi pa rin mawari ang nangyayari. He tried to touch me but I step backward.

Nasaktan si Karl sa ginawa kong pag-iwas sa hawak niya. I felt the same pain, too. Pero nakapagdesisyon na ako, "Mas mabuting...maghiwalay na lang tayo kung hindi naman natin naiintindihan ang isa't isa." Napatikhim ako ng bibig at dali-daling lumabas ng condo niya.

I let my tears roll down on my face.

This is my own decision.

*

Hi guys,

Ang Chapter 39, 40, at Epilogue ng A Trip to love ay naka-draft po dahil there will be changes. Yes,changes, yes. Dahil ang story po ng NiKarl ay madagdagan ng ilang chapters bagong mangyari ang Epilogue.

Nasasainyo na lang po kung babasahin niyo pa ang added chapters nito. Thank you!

Ma-update ko 'to kapag natapos ko ng ma-edit ang U.N.I. Trilogy!

Thank you so much! God bless you all!

x

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now