Chapter 37

10K 228 6
                                    

Chapter 37

Bitawan

Sinunod ko si Karl. Tatlong araw na akong may natatanggap kay John na text o tawag pero hindi ko pinapansin. Hindi na rin naman inungkat ni Karl ‘yong tungkol don. Hindi ko alam kung dahil nagseselos siya dahil ka-text ko si John para sa trabahong inaasam ko o dahil baka gusto niyang na ‘wag na lang akong magtrabaho. Pero mayroon sa akin, nag-uudyat na mali ‘tong ginagawa ko at binabalewala ko lang ang sarili kong gusto. Hindi ito ‘yong gusto ko…hindi ‘to ‘yong inaasam ko. Ni hindi sumagi sa ‘kin na ganito ang kahahantungan ko. Lalo tuloy akong nangangamba at naiinis sa sarili ko.

Napatalon ako nang tumunog ang phone ko. Binaling ko ang atensyon ko roon at napaangat ng tingin nang mapansing nakatingin din si Karl sa phone ko na nakasalukuyang umiinom ng tubig. Napakagat ako ng labi nang iangat ni Karl ang isang kilay niya. Pilit akong ngumiti at nagsalita, “8888 lang. Di na ata akong unli.” May kasama pang tawa.

Karl nods. “Gusto mong lumabas?”aniya pagkababa ng baso. Narinig ko ang yapak niya papunta sa pwesto ko. Naalarma ang aking sistema at napalunok na lamang nang maramdaman ang bigat niya sa pagkaupo sa couch. “May bago raw na bukas na buffet sa Trinoma ngayon? Ayaw mo?” Umakbay si Karl sa akin dahilan na maiharap niya ako sa kanya. He is biting his bottom lip. Napasinghap ako at ‘di ko alam kung saan ako titingin. Putek!

My face goes pink.

“Sige…tinakasan mo lang naman ‘yong trabaho. Oo nga pala, manager ka.” Napairap ako.

Karl laughs.

Maaga siyang umuwi. Tanghali pa lang nakauwi na siya. Nakapanood na kami ng dalawang movie. At kung ano-ano pa. Pero hindi ako nasisiyahan sa ginagawa kong ito. Pakiramdam ko walang nangyayari. Oo masaya dahil wala kang iniisip. Alam ko rin naman ‘yong pinupunto ni Karl. Pero paano kung maghiwalay kami? Paano kung wala naman ‘to? Saan ako pupulutin? Ayokong umaasa. Hindi ako pinalaking umaasa sa biyaya ng ibang tao. I can stand on my own.

“Alright!” Mabilis na tumayo si Karl.

Hindi ko alam kung napapansin niya ang minsang pagkatulala ko. Hindi ko alam. I might do what he doesn’t want me to do. I might.

**

Kasalukuyang hinihintay ko si Karl dahil may kinakausap siya loob ng coffee shop. Hindi na ako pumasok dahil hindi naman ako involve sa ganong bagay. At saka business matters ‘yon, ano namang gagawin ko sa loob? Kahit na pinilit ako ni Karl, umayaw pa rin ako. OP lang.

“Veronica!” Lumingon ako sa tumawag sa ‘king pangalan. Pamilyar dahil isa ito sa mga nagiging kaklase ko noong kolehiyo.

“Jerome! Kamusta na!” masigla kong sabi. Ito ‘yong isa sa mga kaklase ko na pinagpala sa lahat. Na sinamba ang isang sa mga professor namin ‘wag lang ituloy ang singko. Major lang ‘naman’. Pormal ang suot ni Jerome. Naka-necktie pa siya. Plantsadong-planstado ang kanyang polo at pants.

“Pumapasok ako sa Bernardo. District Engineer. Di ba nirecommend ng campus ‘yon sa ‘tin?” aniya.

“Oo…” Tumingin agad akong kung saan dahil alam ko na ang isusunod nitong itatanong. Bigla akong binalot ng pangamba. Bigla akong napressure. Ito ngang si Jerome umuulan ng tres ang grade pero tignan mo ngayon, District Engineer na. Tapos ako na Magna Cum Laude? Wala man lang nangyayari.

“Ikaw ba? Sa Padilla?” tanong ni Jerome. “Si Rio kasi sa Gil Construction. Tapos kasama ko sa project si Johnedel. ‘Yong iba nating kaklase either nasa ibang bansa na o nasa Gil or Padilla.” Lalo akong kinabahan at kinain na aking pagkadismaya. What will I do now? Halos lahat ng kasabayan ko may napala na sa buhay. Paano naman ako?

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi iisa lang ang nasa isip ko: ang tawagan si John at tanggapin ang offer niya sa ‘kin.

“A ganon ba? Sige una na ‘ko, Jerome!” Tumango ako sa kanya at napakunot siya ng noo. Hindi ko na hinayaang makita pa ang reaksyon niya at mabilis akong naglakad hanggang sa may humintong bus. Sumakay kaagad ako at tinawagan si John.

Lumingon ako sa coffee shop at napasinghap.

“I’m sorry, Karl.”

**

“Nica, the deal is about the road in San Mateo. And I included you na maging kasama sa project. I really want you to be part of the project. Pero hindi mo sinagot ‘yong mga tawag ko. The plan is already done. At nag-uumpisa na sila ngayon. I’m sorry, Nica.”

Pinatili kong maging kalma sa narinig ko kay John. Pinilit kong ngumiti sa harap niya at halos saktan ko na aking palad sa higpit ng pagkakayukom nito. Bumuga ako ng hininga para lang mapanatili ang aking sarili. Uminom kaagad ako ng tubig.

“Ganon…” bulong ko

Napayuko at buong-buo kong pinagsisihan ang nangyari.

“Companies need a licensed civil engineer. And you’re not, Nica.” He added.

Sa isang oras ko na byahe na papuntang Makati para lang makausap si John ito ang aking napala. Alam kong naabala ko siya sa ginagawa niya ngayong araw pero ang ginawa niya kinansela pa niya iyon para sa akin kahit na binalewala ko ‘yong text messages at calls niya.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa kanang mata. Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Pinagsama-samang inis, lungkot, at pagkahinayan. At sobra kong sinisisi ang sarili ko. I should not let myself control by someone. I should not. Pakiramdam ko gumuho ang aking pangarap. Saan na ako paroroon? Saan na ang byahe ng buhay ko? Forever na lang ba akong mai-stuck sa traffic nitong buhay ko at hindi na makakausad pa? My life should be a long and satisfying journey.

Hindi ito ang inasam ko.

I am willing to give up everything and chase my dreams. Kaya kong iwan kahit ano mang makakasagabal sa binuo kong pangarap. No one…no one can stop me.

“Tell me, what should I do?” Nag-angat ako ng tingin kay John. “Tell me…” nakikiusap kong sabi. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang kamay ko.

“Take the board exam this November. And you’re going to Germany when you passed. May kilala akong kompanya doon. And I’m going to recommend you. Focus, Nica. You only need to focus.”

Napapikit ako sa sinabi ni John sa akin. Ito na…ito na. Binibigyan niya ako ng oportunidad na hindi dapat masayang. I should take this. Ayoko ng magsisi. Ayoko na nitong pagkadismayang nararamdaman ko.

Kailangan kong maging pursigido. Kailangan kong umoo sa offer ni John sa akin. Ito ‘yong tama. Ito ‘yong magpapakawala ng pagkabagabag ko. Walang makakahadlangan sa akin na gawin ‘to. Wala. Dahil kung meron man—kung anoman o sinoman ang umayaw sa gusto ko, bibitawan ko ‘yon.

“NICA!”

Napalingon ako sa boses na tumawag sa akin. Hingal na hingal na nilagay ni Karl ang kamay niya sa table namin ni John. Karl’s jaw is clenched. Nanunuya ang kanyang tingin sa akin. At napapalunok na lang ako.

Alam ko ayaw ni Karl ‘tong gusto ko. Pero kahit si Karl pa 'to, hindi pa rin ako magpapapigil na gawin ang gusto ko. Kahit si Karl pa ‘to, kaya ko siyang bitawan. I will choose my dream over him. It is my dream over Karl. Always my dream.

A Trip to Love (ARTL, #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora